Sari-Sari

 

Madilim pa ang langit nang dumating ako sa Baclaran pero marami ng tao sa paligid na nakakalat at bukas na rin ang mga bangketa para sa mga mamimili. Sumakay na ako ng jeep papuntang MRT station. After ko mag-abot ng bayad, sinuot ko na ulit pabalik ang earphones sa tenga ko at tahimik na nakinig sa aking playlist.

Hindi pa ako nagrereply sa’yo. Hindi ko pa alam kung pano. Puno din ang isip ko sa kung ano ang gagawin ko ngayong araw.

Time and time again, pinapatunayan mo sa akin na between sa ating dalawa, ako ang short sighted, ako ang may problema. Dahil kahit na magkaaway tayo, magkalayo tayo, at kahit na pinagtatabuyan kita, tahimik ka lang sumusubaybay, tumutulong, at ginagawa kung ano ang makakatulong sa akin. Kinakain ako ng guilt. Kinakain ako ng pagkahabag sa sarili. Napakalaki kong loser ngayon. Heto ako’t nag-iinarte sa mga simpleng di mo pagtugon sa akin, di mo pagsipot, sa saglit mong absence sa buhay ko, pero all this time, hindi mo ako nakakalimutan. Ilang beses kita minura, ilang beses kita minaliit dahil ang alam ko lang ay kung ano ang pinapakita mo sa nakararami. I should be better than that. Than this. Di ba nga’t kaya kita minahal ay dahil na rin sa ganitong quality mo? Wala kang pakialam if you may appear bad sa iba, pero mahalaga sa’yo kung ano na kalagayan ko. Kahit nga may mga boyfriends ka dati, minsan inuuna mo ako. At ako, ako ang pinakamalaking reklamador sa mundo. Kailan pa ako naging ganito? Akala ko ikaw ang spoiled sa ating dalawa. Hindi pala.

Bumaba na kaming lahat na pasahero sa tapat ng station at agad kong inakyat ang stairs papunta sa MRT Taft station.

Alas singko-medya pa lang. Marami nang nakapila pero at least tolerable pa. Naka-stored value ticket naman ako kaya di ko na kailangang pumila pa for ticket. Nagtuloy-tuloy na ako sa platform. Sakto namang may papaalis nang train.

Umupo na ako sa bakanteng seat at muli ay bumalik sa sarili kong mundo at binlock ang ingay sa paligid gamit ang earphones.

 

I’ve been awake for a while now

You’ve got me feelin’ like a child now

Coz every time I see your bubbly face

I get the tingles in a silly place

 

  It starts in my toes and I crinkle my nose

 Where ever it goes I always know

That you make me smile, please stay for a while now

Just take your time where ever you go

 

Paborito mo ‘tong kanta. Naaalala kong ikaw ang naglagay nito sa phone ko.

Ano kaya ang gagawin ko ngayong araw?

Nung first monthsary natin, dahil kakasimula ng review mo nun at ako naman ay todo excited na para sa UP Fair, pareho tayo nakalimot. Imagine, first monthsary natin, nakalimutan natin pareho! Hindi ako ganun. Lagi ako nakakatanda ng kung ano mang pwede i-celebrate as a couple. Pagabi na nung maalala ko siya at agad kitang tinawagan. Tumawa ka lang at nagsabi na ipagsabay na lang natin celebration ng monthsary at Valentines. Wala na rin naman ako magagawa. Pinramis ko na lang sa sarili ko na gagawin kong extra special ang gabi natin sa fair.

At ayun nga, naghabulan tayo buong gabi nung fair at sa huli, nag-end up tayong parehong umiiyak. Extra-special. Well, at least may nangyari in the end.

Ayoko umulit na wala na naman akong gagawin today. Ayokong masanay.

Pero ano?

Thirty minutes din halos nang makarating ang train sa Quezon Avenue. Lumabas na ako sa train at mabilis na sumakay sa jeep sa pila nila sa baba ng station. Diretsong biyahe na ito papuntang campus. Punuan ulit ang sasakyan. Magiging virgin ulit ang mga sumasakay sa jeep kung ganito lagi ang siksikan sa loob. Pati kepyas mo, nakatiklop na’t lahat at pinapausod ka pa rin ng barker para magkasya pa ang isa.

Alas siyete na ng umaga nang makasakay ako sa ikot jeep papuntang Krus na Ligas. Nakikita ko na rin ang mga early joggers na umiikot sa Oval. Nagugutom na ako.

 

(7:03, Mon) Joohyun:           san k n?

 

Himala. Gising ka na.

 

(7:05, Mon) Seulgi:               pauwi na… KNL n ko.

(7:06, Mon) Joohyun:            seryoso?

(7:08, Mon) Seulgi:               uu bkit?

 

Di ka na ulit nagreply. Dumaan ako sa Migos. Bukas na ito ng seven o’clock tuwing weekdays para sa mga students.

“Kuya, isang jumbosilog nga po,” tawag ko sa tindero sa sikat na karinderya sa KNL.

“Take out?”

“Opo.”

“Extra piso para sa spoon and fork.”

“Wag ninyo na po lagyan,” pigil ko.

“Okay.”

Ten minutes lang ay inabot na sa akin ang inorder ko. Naglakad na ulit ako pabalik ng bahay. Malapit na lang yung papunta sa boarding house. Saka ko na iisipin ano pa ulit ang pwede ko magawa para sa ‘ting monthsary.

Ina-unlock ko ang pinto at matapos itong itulak pabukas, gulat akong nakita ka sa harapan ko. Gulo-gulo pa ang buhok mo at nakangiwi na parang may ginawa akong masama sa’yo.

“Ang aga mo umuwi…” sabi mo. Suot-suot mo ang T-shirt ko.

“K-Kailan ka pa…?”

“Kagabi,” maikling sagot mo. “Akala ko mamayang hapon pa uwi mo…”

“Dito ka natulog?”

Umirap ka. “Malamang.” Tiningnan mo ang dala-dala kong plastic bag. “Ano yan?”

Naamoy mo na siguro ang food kong dala.

“Breakfast.”

Tumingin ka ulit sa akin. “Isu-surprise sana kita…”

Binaba ko na ang aking dala sa table at agad akong yumakap sa’yo. Binaon ko ang aking mukha sa’yong balikat. Inamoy kita. Huminga ako ng malalim at pikit ang mga mata na dinama ang init na nanggagaling sa’yo.

“S-Seul…”

“Sorry na… Sorry kagabi…”

Narinig ko ang mahina mong pagtawa. “Magdadramahan ba tayo?”

Nangiti din ako. Hinalikan ko ang iyong balikat. Hinihimas mo ang aking likod.

“Ano sana plano mong surprise?” tanong ko.

“Uhm…” lumayo ka sa akin at umupo sa monobloc chair sa tabi ng table. “M-Maglilinis sana ako ngayon ng room mo… at aayusin ko yung mga gamit mo…”

Tinitigan lang kita. “Oh.”

Namumula ka na nagpatuloy. “Tapos, ipagluluto sana kita ng lunch or kung anong oras ka man dito… Bumili ako ng ingredients…”

“P-Parang housewife…?”

“Ano pinagsasabi mo?!” namumula mong ungot. “H-Housewife ka dyan…”

“Parang nanay?”

Tumayo ka na at binatukan na ako ng tuluyan. “May problema talaga sa utak mo.”

Tumatawa ako na sinilip ang room.

“Si Wendy?”

“Umalis kagabi.”

“Tayo lang pala dito?” tanong ko at tumingin ako sa kanya, may kislap ang mga mata.

“O tapos?”

Ngumiti ako. “Mag-stay lang ba tayo dito buong araw?”

“May gusto ka ba ibang gawin?”

“Gusto kong gawin yung di pa natin nagagawa…”

Namula ka at bigla umiwas ng tingin sa akin. Natawa ako.

“Oi, ano iniisip mo???” natatawa ko pa ring tanong.

“Baliw!”

Niyakap kita ulit. “Joohyun… k-kung may something na sinabi sa’yo sila Kuya… pwede bang sabihin mo na sa akin next time?”

Lumamlam ang mga mata mo. “Yeah… sorry, Seul.”

“No, di ka dapat nagso-sorry… Alam ko naman na gusto mo lang kami tulungan…”

“Okay, bati na tayo, okay?”

Tumango ako at hinalikan kita sa pisngi. “I love you.”

“Ligo lang ako,” bulong mo sa akin.

“Kumportable ka na talaga dito ha.”

“Ayaw mo?”

“Kung gusto mo simulan na natin ngayon gawin yung mga di pa natin nagagawa…”

Nalilito kang tumingin sa akin. “Like?”

“Uhm, sabay sa shower?”

“Loko ka!” tumalikod ka na at nagpunta sa kuwarto. Lumabas ka maya-maya na may towel nang dala. “S-Seryoso ka?”

Nagkibit-balikat lang ako na nakatingin sa’yo.

“D-Di ba nakaligo ka na?”

“Oo… pero okay lang naman maligo ulit eh…”

“Nagawa mo na ba yun dati?” alanganing tanong mo. “Yung… yung mag-shower kasabay yung…”

“Hindi pa.”

“Okay.”

“Huh?”

“Sabay na tayo…”

“O-Okay.”

 

 

Halos isang oras din tayo nagstay sa loob ng shower. Katatapos lang natin at sumilip ako sa labas para tingnan kung may tao na sa labas.

“Oh, Seulgi.”

Nasa kusina si Wendy. Mukhang nagluluto siya.

“Hi Wendy,” bati ko, medyo kinakabahan. Nakatayo ka sa likod ko, nakatapis lang din ng towel.

Nagtatakang nakatingin lang sa akin si Wendy. “Nakita mo si Irene? Nandito siya kagabi. Sabi niya sa akin hintayin ka daw niya…”

“Uhm, oo.”

“Ah so umuwi na siya?”

“A-Ano yang niluluto mo?”

“Eggs and bacon lang.” Tiningnan niya lang ako ulit. “May hinihintay ka ba? Bakit ayaw mo lumabas jan sa CR?”

Nararamdaman ko ang pag-tug mo sa aking tuwalya. Maghunos-dili ka! Nahuhubaran ako sa ginagawa mo.

“Okay ka lang?” tanong ulit ni Wendy.

Huminga ako ng malalim at lumabas na nang tuluyan. Sinara ko agad ang pinto ng toilet.

“Ang tagal mo maligo,” sabi ni Wendy. Mukhang tapos na siya magprito. “Naiihi na ako kanina pa.”

“AH – ”

“Ay shemay!” sigaw ni Wendy.

Napatingin ako sa direksyon ninyo. Gulat namang tumingin sa akin si Wendy. Nasa labas ka na rin ng CR, tumutulo pa ang tubig mula sa basa mo pang buhok.

Nanlalaki ang mata ni Wendy na parang matatawa. “Talaga lang ha!”

Pumasok na siya sa toilet.

Guilty akong nangingiti lang. Ikaw naman ay patakbong nilagpasan ako papuntang kuwarto. Sinundan na rin kita. Ni-lock ko ang pinto. Nagbubungisngisan pa rin tayo nang matapos na tayo magbihis. Lumabas tayo ng room at nakangiti sa atin si Wendy na umiiling. Nakahain na ang breakfast. Sinama niya na rin ang binili kong hotsilog kanina.

“Lakas ninyo,” kumento ni Wendy.

“Sorry Wen…” ngiti ko.

“Hmmm…”

“Monthsary namin,” proud ko pang dagdag. Natatawa kang kinurot ako sa side.

“Di nga…” nanlolokong sagot ni Wendy. “Di naman halata.”

Tumawa ka. “I love you, Wendy…”

“Grabe kayo manggulat sa umaga.”

Matapos ang breakfast, nagvolunteer na akong maghugas ng pinggan. Sinamahan mo ako at tinulungan na rin.

“Wag na natin yun gawin,” bulong mo.

“As in?”

“Wag dito…” namumula mong sabi. “I mean… wag lang dito.”

“Papasok ka ba sa review?”

Umiling ka. “I want to be with you today…”

“Sure?”

“Yup.”

“San mo gusto pumunta next?”

“Movie?”

“Hmmm, pwede.”

“Wendy,” tawag mo.

“Oh?” sigaw ni Wendy mula sa room.

“Sama ka sa amin manuod movie?”

Narinig natin ang ingay mula sa room. Maya-maya pa ay sumilip na rin si shunga sa pinto ng kuwarto.

“Di ba date yan?”

“Okay lang naman may kasama kami,” sagot mo.

Tumingin lang sa akin si Wendy at ngumiti ako sa kanya. Nagpupunas na ako ng kamay.

“Okay lang?” tanong niya ulit.

“Uu nga,” sagot ko naman. “Sama ka.”

“Napanuod ninyo na Ang Babae sa Septic Tank?” excited na tanong ni Wendy.

 

 

Imbes na sa mall, nagpunta tayo sa UP Film Institute.

Yes, may sariling sinehan ang campus. Malimit dito pinapalabas ang mga independent films at kung ano-ano pang hindi mainstream na mga movies from around the world. Every month may event sa film institute na hina-highlight ang isang theme or topic. Tuwing Pebrero, may series ng LGBT films na laging shino-showcase sa university. Mura lang ang ticket sa mga ‘to at kung gusto ng mga students ang saglit na porn sa hapon at di matatawag na malibog ng mga judgmental na tao, sasaglit na lang sila sa UPFI at manunuod ng mga ‘art’ films.

Dito ko napanuod ang Y Tu Mama Tambien, ang original na Scorpio Nights, at pati na rin Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Siyempre, kasama ko sila Joy na manuod ng mga ito. Minsan kumpleto kami, minsan hindi.

Mahaba ang pila sa UPFI nang dumating tayo. As usual, halos di mapigilan ni Wendy ang excitement nang pumila na tayo for tickets. Apparently, konti na lang ang available na seats dahil nga nag pre-selling na ng tickets ang mga orgs na nag-organise ng event na ‘to. Special screening ito at mukhang may panellists sa huli ng movie para idiscuss ang kabuuang film. Aattend din daw si Eugene Domingo at si JM De Guzman.

Papasok na tayo sa loob at nakikinig lang kay Wendy habang dinadaldal niya kung gaano kaganda ang reviews sa film.

“Seulgi!”

Lumingon ako sa pamilyar na boses.

“Byul!” ganting tawag ko. Palapit sa atin si Byul kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita.

“Manunuod din pala kayo,” sabi niya.

“Ah oo. Si Wendy nagsama sa ‘min dito,” sagot ko. Naaasiwa ako sa titig ng kasama ni Byul.

“Nga pala, si Mijoo. Pinsan ko.”

“Hi,” narinig kong bati mo. Nag-hello din si Wendy.

“Hello,” mahinang bati ni Mijoo na nakatingin pa rin sa akin. Anong problema ng babaeng ‘to? Naramdaman ko ang mahigpit mong pagkapit sa braso ko.

“Sabay-sabay na tayo,” suggestion ni Byul. “Tinu-tour ko lang ‘tong si Mijoo. Sa UP Cebu kasi siya nag-aaral.”

“Ahh…”

Pumasok na tayong lima. Naupo ako sa gitna ninyo ni Wendy. Pinapwesto mo pa sa tabi ko si Wendy dahil mukhang hindi ka papayag kung maupo sa tabi ko ang pinsan ni Byul. Katabi naman ni Wendy si Byul at nasa dulo si Mijoo.

“Type ka nung pinsan ni Byul,” bulong mo sa akin.

“Nu ka ba…” nagmamaangan kong tanggi. “Di naman lahat ng nami-meet natin lesbian.”

Nagsimula na ang movie. Nakapagrelax naman tayong dalawa dahil sa katatawa sa halos lahat na parts ng film. The best talaga si Eugene Domingo. Magkahawak ang ating kamay at paminsan-minsan kang humihilig sa balikat ko. Nararamdaman ko naman ang tipong pag-iwas ng tingin ni Wendy sa ating dalawa tuwing gagalaw ka para lumapit pa lalo sa akin o simpleng bubulong ka lamang sa tenga ko. Feeling ko kasi iniisip ni Wendy na magme-makeout na lang tayo bigla sa tabi niya.

Malakas ang palakpakan sa punong film centre nang matapos na ang pelikula. Maya-maya pa ay may nagsalita na sa mic at nakikiusap sa mga audience na wag muna umalis para sa panel discussion. Nagstay na rin tayo dahil gusto pa rin naman ni Wendy na makinig din. Nang magpakita si Eugene at JM sa stage, malakas ang palakpakan muli ng mga tao.

Isang oras din ang lumipas nang matapos na ang buong program. Nagsilabasan na rin tayo kasama ang iba pang natira sa loob ng theatre.

“Ang saya sana kung nakapagpapicture tayo kasama si Eugene,” nanghihinayang na sabi ni Wendy.

“Di mo sinabi,” sabi ko.

“Bakit? Gagawin ba natin pag sinabi ko?” tanong ni Wendy.

“Oo naman.”

Natawa si Byul. “One time nung nanuod kami Scorpio Nights one and two talagang nakipagsiksikan kami para magpapicture kay Joyce Jimenez.”

“Talaga?” di makapaniwalang tanong ni Wendy.

“Oo nga! Buti parang type ni Joyce yang si Seulgi. Tinuro niya kaming dalawa para lumapit sa kanya.”

Tumingin ka sa akin. “Type ka ni Joyce?”

Tumatawa akong umiling. “Hinde! Naniwala naman kayo jan kay Byul!”

“Di ba matanda na yung sila Joyce Jimenez by that time…” napaisip na sabi ni Wendy.

Agad naman nag-object si Byul. “Tae sexy pa rin yun!”

“Oo na Byul,” tinapik ko siya sa balikat, “shut up ka na. Napaghahalata tayo eh…”

Naghiwa-hiwalay na tayo sa may waiting shed. Nagtaxi na pauwi si Byul kasama ang pinsan niyang si Mijoo. Si Wendy naman ay nakita nating sinundo ni Jungkook. Kumaway lang sa atin ang magjowa before sila naglakad palayo.

 

(16:48, Mon) Byul:                         lol type k ni mijoo

 

Nabasa mo rin ang message ni Byul. Nagsalubong ang iyong kilay. Tumingin ka sa akin nang nakasimangot.

“Oh bakit?” natatawang tanong ko.

“Sabi ko sa’yo type ka niya eh!”

“Wala naman mangyayari, hyunnie…” ginamit ko na ang term of endearment ko sa’yo.

Umirap ka. “Aynaku!”

Hinawakan ko ang kamay mo. “San mo pa gusto pumunta?”

Di pa rin nawawala ang pagseselos mo. “Di ka pa ba pagod?”

“Gawin muna natin lahat ng pwede pa nating gawin…”

Ngumiti ka na sa wakas.

“Marami pa namang araw,” sabi mo.

“Gusto mo mag-ice skate?” tanong ko.

“Marunong ka?”

“Na-try ko lang dati.”

“Aabot pa ba tayo?” worried mong tanong. Tiningnan mo ang relo mo. “Mag-five na.”

“Kahit one hour lang,” yakag ko. “Go?”

“Ang spontaneous naman ng araw na ‘to,” nakangiti mong sambit.

“I feel like this when I’m with you,” hirit ko.

“Corny mo!”

 

 

“Huh…”

Nakatingin tayo sa rink na kasalukuyang nililinis at mine-maintain ng mga mall staff. Isang malaking sign ang nasa harap ng entrance.

ICE RINK MAINTENANCE. WE APOLOGIZE FOR THE INCONVENIENCE

“Ganda naman ng timing natin,” sabi mo na lang.

Tumawa ako. “May gusto ka pang gawin?”

“Dinner muna tayo?”

“Sige, gutom na rin ako.”

Kumain tayo ng pizza at pasta. Pinag-usapan lang ulit natin ang kaninang pinanuod natin, si Byul at Solar, ang review sessions mo, at kung ano-ano pa.

Matapos kumain ay naggala-gala tayo sa mall. Napunta pa tayo sa Timezone.

“Gusto mo mag dance revo?” tanong mo.

“Seryoso ka?”

“Oo naman!”

Napagkasunduan natin na kung sino man ang matalo, kailangan niyang buhatin ang isa on the way pabalik sa boarding house.

Marami pa ang pila pero ewan ko ba, nang lumapit ka at kinausap ang mga lalaking nakatingin lang sa atin na para bang naligaw tayo sa lugar teritoryo nila, niyakag mo na ako sa unahan at agad naman nagpaubaya ang iba pa.

“Ano sinabi mo sa kanila?”

“Sabi ko may pustahan tayo,” sagot mo habang pumipili ng kanta.

“Ahhh…”

“Yung talo magsasayaw lang ng naka-panty next time.”

“Gaga!”

Nagsimula na tayong sumayaw.

Sweet Nothing ni Calvin Harris.

Mabagal ang kanta. Sisiw lang sa akin. Pero nakatitig lang ako sa’yo at tumitibok ang puso ko habang pinapanuod kang sumasayaw, naka-focus sa screen at saglit na kukunot ang noo kapag makikita mo ang mahihirap na sequence.

Maraming nakapaikot sa atin na mga miron. Lahat nanunuod sa ating paggalaw.

Natapos ang kanta na lamang pa rin ako sa’yo. Natatawa akong tinitingnan ka habang mukhang nagpapanic ang mukha mo.

“Isa pa!” challenge mo.

Mukhang kuntento lang naman ang mga nakapila na panuorin tayo at hindi na rin sila nag-insist na maglaro.

Pinagpawisan na agad ako sa ginawa natin. “Isa pa?” hingal kong sabi. “Magpapanty ka na lang ba?”

“Mukha mo!”

Gangnam Style ni PSY naman.

Naririnig ko ang palakpakan ng mga tao habang sumasayaw tayong dalawa. Natatawa ako sa ichura mo. Mukhang uuwi kang naka bra’t panty lang.

“Seulgi!!!” sigaw mo nang magkamali ka.

Tuloy-tuloy ka nang nalito. Natapos ang round na nakatayo na lang at masama na ang tingin sa akin. Tumatawa lang naman ang mga tao sa’yo. Cute mo kasi magalit.

Nag-thank you na lang tayong dalawa sa mga nagpaubaya sa atin.

Magkahawak ang ating kamay na lumayo na sa mga fanboys mo.

Alas diyes na rin tayo nakauwi sa boarding house. Matapos maligo, nagtuloy ka na sa room at nagbihis na ulit.

“Uuwi ka na?” malungkot kong tanong.

Ngumiti ka. “Mahirap magbiyahe from here bukas,” sagot mo. Hinalikan mo ako. “Okay na rin umuwi ng ganitong oras. Wala na masyadong traffic.”

Hinayaan lang kita mag-ayos ng sarili.

“Seul, alis na ko…”

“Hatid na kita papunta sa kotse mo.”

Hindi naman malayo yung lugar na pinag-paparkan mo ng car. Marami ding ibang kotse ang nandito. Ito na daw ang pinaka-safe na spot for cars sa KNL. May nagbabantay rin kasi na binibigyan ninyo lang din ng tip tuwing ginagamit ninyo ang bakanteng lote.

Nakasakay ka na sa sasakyan.

“So… happy monthsary ulit,” nakangiti mong bati.

Pinasok ko ang ulo ko sa bintana at hinalikan ka. Gumanti ka sa halik ko at parang gusto kong sirain ang pinto na humaharang sa ating dalawa.

“I love you, Hyunnie…”

“Love you too…”

“Nag-enjoy ka ba?” tanong ko.

“One of the best days so far,” sagot mo.

“Ingat ka.”

“Kaw din.”

“Text ka pag nasa bahay ka na.”

“Opo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply