Fly-In Fly-Out

 

Mahihina ang katok ko sa pinto ng kuwarto ni Irene. Second time ko lang ata ginawa ‘to, the first one is nung na-late siya magising for work. This time, yayakagin namin siya to have dinner with us. It’s been a while na magsabay-sabay kaming kumain na magha-housemates at namimiss na raw ni Wendy yung bonding moments kuno namin.

Actually, I enjoy eating with them. And namimiss ko rin yung mga chikahan at casual conversations naming apat. Although nag-improve naman yung mood ni Irene, she became busier with work. I think yun yung ginagawa niya to get by throughout her day.

Alam na ni Joy na wala na sila Irene at Jurina. Shock si ate at agad na tinanong ako kung ano ba daw ang ginawa ko. Puta lang. Tingin na ba niya sa akin eh parang homewrecker?! Di ko na binanggit yung nalaman ko from Jurina dahil kapag malaman ito ng dalawa, I’m sure they’ll push me and Irene together even more. Sa tingin ko kasi, di rin aware si Irene about it. Sa mga kilos niya, at yung time na nag-usap kami, I think she’s still lost and confused bakit bigla kumawala si Jurina.

Bumukas ang pinto at gulat na tumingin sa akin si Irene.

She’s only wearing an oversized shirt at mukhang matutulog na siya.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa naka-exposed niyang mga hita. Mabilis naman siyang nagtago behind the door, peeking only her head and looking at me na may pagkalito. Nagtataka din siguro siya kung bakit ako napadpad dito.

“Seul?”

“Uhm, dinner daw tayo maya-maya…” simula ko. Pinagkaisahan ako ng dalawa sa baba at ako ang pinaakyat dito para kausapin si Irene. “I-If gusto mo lang naman…”

“Sorry…,” lumungkot ang mata ni Irene, “Pass muna ako.”

Ngumiti ako. “O-Okay… Gusto mo dalhan ka na lang namin ng food?”

Tumingin siya sa akin. “Medyo busog pa kasi ako…”

Tumango na lang ako. Next week after my work sa site diretso na ako lipad pa-Pinas. It’ll be almost a month na di kami magkikita.

Napakamot ako sa batok, nararamdaman ang pag-iinit ng aking mukha.

“K-Kahit di ka masyado kumain…”

I think Irene should spend more time with her friends. Kahit di na ako kasama. Wendy is keen pero every time daw na niyayakag niya kapag silang dalawa lang sa bahay, maraming excuses si Irene. I didn’t know na she’d seclude herself sa mga tao after what happened. Kaya siguro ganun yung ginawa niya nung failed engagement niya before – she went back sa bahay nila sa Baguio ang completely cut all her ties sa Manila. Ni hindi niya kinausap yung ex-fiance niya before siya umalis for Australia.

Matagal na nakatayo lang kami. Parang naiinip na rin si Irene at mukhang gusto niya nang saraduhan ang pinto.

“Sabihin ko na lang sa kanila na busog ka pa,” nasabi ko na lang.

“Thanks…”

Narinig ko ang mahinang paglapat ng pinto at bumaba na ako sa hagdanan. Naghihintay sila Joy at Wendy sa may kusina.

“Ano sabi?” bungad ni Joy.

“Pass daw muna siya. Busog pa…”

Umiling na lang si Wendy. “Let’s just eat. Hayaan muna natin si Irene. As long as she’s okay, that’s what’s important.”

Disappointed ako pero anong magagawa ko?

Mukhang disappointed din si Joy na humarap ulit sa akin. “Magbihis ka na.”

“Ito na suot ko.”

“Ay okay.”

 

Irene:    sorry Seul, nasa baba pa kayo?

Seulgi:   uu bakit?

Irene:    magbihis lang ako, I’ll join you guys sa dinner

 

“Uy, sama na daw siya,” excited kong sabi.

Ngumisi si Joy. “Sabi ko sa’yo sasama ‘yan.”

“Wag kang magsalita para di siya mabadtrip,” warning ko sa kanya.

“Ulol ka.”

Naglalakad kami sa kahabaan ng isang street sa Subiaco, a nice suburb immediately west ng Perth kung nasaan yung footy stadium at sikat ito sa mga European cuisine restaurants sa streets nito adjacent sa train station. Parang gusto yata magsplurge nila Wannie at Joy ngayong gabi. Matagal-tagal na rin nung huli kaming kumain sa labas.

 

 

Naglalakad ang dalawa sa unahan namin ni Irene. I think sinadya nila na mauna sa amin at maiwan ako kasama ni Irene. Hindi naman kalayuan ang distansya nila kaya tahimik lang kaming dalawa sa likod na nakikinig sa mga walang humpay na suggestions nila Wendy sa pwede naming kainan.

“Greek? Gusto ninyo?”

Napasimangot si Joy at humarap sa amin. “Trip ninyo yun? Parang di ko gusto eh.”

Kibit-balikat lang ako. “Kahit saan ako.”

Hindi naman sumagot si Irene at umiling lang.

“Italian?”

“Saan?”

“May sikat na pizza place dito,” sabi pa ni Wendy na nakafocus sa phone niya. Siya ang nagnanavigate sa amin. Naka-park ang car niya sa may train station parking area since di naman kami talaga masyado magtatagal.

“Dun na lang,” banggit ko.

Naging mabilis ang pace ng lakad nila Joy na agad inangkla ang kamay kay Wendy. Parang hinihila niya na yung kaibigan namin. Nakatitig lang naman kaming dalawa ni Irene, still at the same speed ng lakad habang lumalayo na yung dalawa.

“Hey!”

Lumingon sa amin si Joy. “Toilet lang ako. We’ll go ahead.”

“Anong pizza place?” tanong ko. Kami na lang ang tao sa street kaya okay lang medyo malakas ang boses namin.

“Woodpeckers!” sigaw ni Wendy.

Agad kong nilabas ang phone ko at sinearch ang restaurant sa Google Map. Nakasilip si Irene sa screen ko.

“About 10 minutes walk pa from here,” sabi niya na tinuro yung marked na lugar. “Medyo malayo-layo pa rin pala.”

“Okay lang sa’yo?” tanong ko.

“Yeah, sure.”

Lumiko na kami sa may main street kung saan mas maraming tao sa labas. Marami ring naka-park na sasakyan sa gilid ng daan. Di na nagbakasakali si Wendy na dito maghanap ng parking dahil usually ay puno ito lalo na kapag weekends.

Sinulyapan ko si Irene na nakatuon lang ang pansin sa sidewalk na nilalakaran namin.

“Bakit pala nagbago isip mo?” magaan kong tanong.

Nung nasa kotse kami kanina, magkatabi kami sa likod dahil somehow, si Joy ay pumwesto sa unahan tabi ni Wendy. Medyo nakita ko ang pag-aalinlangan ni Irene at saglit na annoyance sa mukha niya nang tingnan niya si Joy pero di naman siya nagsalita. Alam niya rin siguro bakit bigla[1]bigla nabago yung usual seating arrangement namin tuwing nasa iisang sasakyan kaming apat.

“Naisip ko lang,” simpleng sagot ni Irene. “Do I need a reason?”

Ngumiti ako. “Di naman. It’s good sumama ka na sa ‘min. Miss ka na ni Joy eh.”

Tumawa na siya sa wakas. Saglit lang at mahina.

“Asa pa,” sabi niya. “She took the frontseat though,” dagdag niya, bahagya nagsalubong ang kilay.

“Paalisin mo mamaya,” natatawa kong suggestion.

Ngumiti na ulit siya. “Bahala sila.”

Nang makalagpas na kami sa main street, lumiko kami sa mas tahimik na area. Malapit na kami sa restaurant. It’s amazing na di man lang namin naabutan yung dalawa. Tumakbo pa yata yung dalawa para sa toilet.

“Okay ka na pala?”

Tumaas ang kilay niya. “I’m okay, Seulgi.”

Tumawa ako sa sagot niya. “Okay.”

Konting hakbang na lang. Sa text na lang siguro ulit ako magkakaroon ng chance para makausap pa muli si Irene nang ganito, yung kami lang. Unless maglakas loob ako na inaapproach siya sa bahay or sadyain siya sa room niya sa taas.

Unconsciously, for the past three weeks na tila nagluluksa siya sa pagtatapos nila ni Jurina, I have been extra attentive sa mga kilos at galawan niya sa bahay. Kahit pa nga most of the time ay hinahayaan ko lang siya at tipid na ngiti ang naipapakita ko kapag nagkakasabay kami sa kusina or sa laundry, parang mataman ko siyang sinusundan ng tingin at inaalala kung kumain na ba siya, kung nakakatulog ba siya ng ayos. Baka nga naiirita na siya sa akin dahil pare-pareho lang ang sinasabi at tinatanong ko sa kanya – kung okay na siya. At every time sasagot siya sa akin, may exasperation sa boses niya na tila napapagod na sa kakasagot sa akin.

“Seulgi…”

“Hm?”

“Thank you,” she whispered. Namumula ang kanyang pisngi na umiwas ng tingin sa akin nang humakbang siya at naunang buksan yung double doors ng restaurant. Umalingasaw ang masarap na amoy ng pizza.

Sinundan ko na siya at agad nakita sila Joy at Wendy na nakaupo sa isang table malapit sa counter. Kumaway sa amin si Wendy.

Nang makalapit kami, hinila na ni Irene ang upuan sa tabi ni Wendy at ako naman ay tumabi na kay Joy na maluwang ang ngiti.

“Order na tayo?” tanong ko.

“Pizza at pasta?” offer ni Wendy na nakabuyangyang na ang menu sa harapan. Nanlaki yung mata niya. “Or itong set? May seafood na rin siyang kasama!”

“Kaw na bahala, Wannie.”

Di na nagbother magtingin sa menu si Irene at parang interesadong humarap lang sa may gilid namin.

Mukhang okay naman yung set. Good for four daw. For sure, good for six or eight yung servings nito. Never ko pa talaga naubos yung mga pagkain na sineserve nila dito sa Australia dahil sa laki ng portions na nilalagay nila sa plato. Nasasayangan ako minsan kasi nga mahal kumain sa labas at part of this cost ay yung dami ng servings nila. Kaya natutuwa ako pag may choices ang restaurant for a smaller serving.

Masaya naman ang naging dinner naming apat. As usual, we went to topics na safe pag[1]usapan like work at yung napipintong inspection sa bahay. Every quarter kasi, dumadaan yung real estate representative para icheck yung bahay namin if nagcocomply kami sa pag-aalaga ng property while we are renting it. It is a basic practice dito sa Australia to ensure na maayos yung mga rental properties ng mga nagpaparent at hindi nila aabutan na sira-sira yung kanilang bahay kapat naturn[1]over na ulit sa kanila. Kaya every quarter din, may general cleaning kami, Nagbubunutan kami for areas of our responsibility. Of course, kami na bahala sa kanya-kanya naming room. Then pagpipilian na namin ang living room, kitchen, theatre room, library, laundry room, front yard, backyard at yung toilet sa baba. Last time, napunta sa akin yung parehong yards. Puro pagbubunot lang naman ng weeds at pag-alis ng agiw sa ceiling yung ginawa ko nun. Buti na lang at di masyado strict yung agent na napunta sa amin. Para sa quarter na to, ako ang bahala sa living room at toilet. Pinaischedule namin yung inspection in a way na may isang week pa ako para makapaglinis after ko bumalik from Pinas.

Napag-usapan na din yung pagbalik ko ng Pilipinas. Hindi ko pa alam ang itinerary ko up until now. Wala ako plans. Siguro ay imi-meet ko lang sila Hwasa sa Manila. Then most of my days ay nasa Cavite na ako.

Well… unless…

After dinner, naglakad na ulit kaming apat pabalik ng train station. Mas masaya na ang tono ng boses ni Irene habang nagkukwento siya about sa work niya. Si Joy naman ay walang pasubaling binanggit ang about sa tinder na makakatulong daw kay Irene. Siniko ko lang siya. Ito na ba yung the best na she can offer sa mga sawi at brokenhearted? Siguro sa akin pwede pa eh, pero not with Irene. I don’t think she’ll try one. Tumawa lang si Irene at inignore ang pinagsasabi ni Joy.

Balik na ulit kami sa dati nang sumakay kami sa kotse ni Wendy.

Nasa likod na ulit kami ni Joy at nasa unahan na ulit si Irene with our driver Wannie.

Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa sa harapan. Si Joy naman ay malisyosa ang tingin sa akin na maya’t maya ay pinagtataasan ako ng kilay at pinanlalakihan ng kanyang mata. Di ko alam ano gusto niya sabihin.

Nang makarating kami ng bahay, nagpaalaam na agad si Irene papuntang kuwarto niya. Saglit na nagtama ang aming mga mata at masaya ako na parang mas may buhay akong nakikita sa mga ito.

Nang mawala na siya at marinig namin ang pagsara ng kanyang pinto, agad ako hinila ni Joy at Wendy sa couch.

“So?” demand ni Joy.

“So ano?” litong tanong ko.

“Wala ka sinabi sa kanya?” tanong ni Wendy.

“Wala.”

“Nung on the way sa restaurant?”

Nanliit ang mata ko. “Naiihi ka ba talaga nun?”

“Oo kaya!” sagot ni Joy. “Bakit parang okay na si Irene after ninyo maglakad mag-isa?”

“Same pa rin naman siya ah.”

Umiling si Wendy. “She’s smiling more.”

Tumawa ako. “Andami ninyong napapansin. She’s getting better na naman talaga kahit nung before our dinner.”

“Wala ka sinabi?”

“Like ano naman sasabihin ko?”

“Na kung pwede na kayo na lang,” agad na sagot ni Joy.

Namula ako. “Shunga ka ba?! Kakabreak lang nung tao tas ganyan sasabihin ko.”

Ngumiti si Wendy. “Alam mo bang mas madalas siyang lumabas ng room kapag nandito ka sa bahay?”

Di ko napigilan ang aking sarili. Kumislap ang aking mata at nanlalaki ang ilong sa pagpipigil sa pagngiti. “T-Talaga?”

“Kilig pepe ka naman d’yan!” tumatawang sabi ni Joy. “Kaya nga payo namin sa’yo, lapitan mo na. Tagal-tagal ninyo nang dapat naging kayo na eh. Kayo lang ‘to ewan ko ba kung bakit ayaw pa.”

Minsan, kapag napapangunahan ako ng aking damdamin, naiisip ko na naman talaga na time na para magsimula. Pero sa tuwing maghaharap kami ni Irene, nawawala yung aking pagiging mapusok dahil sa tuwing nakikita ko ang seryoso niyang mukha, gusto ko mahigitan pa ang kung anuman ang naranasan niya kay Jurina. Ayokong isipin niya na simpleng attaction lang ang meron ako sa kanya. Kasi kahit naman feeling ko ay di niya talaga minahal si Jurina, I’m sure naramdaman niya mula dito yung tunay na pagmamahal kaya kung aakto na naman ako tulad dati nang halikan ko siya, baka isipin niyang libog lang lahat.

Pero hearing from Wendy na yung mga aksidenteng pagkikita namin ni Irene sa bahay ay di lang ako ang nagbabakasakali, I feel encouraged.

Ewan ko pero after Irene and Jurina’s breakup, after seeing Irene devastated like that, I felt responsible about what happened. Hindi ako nagi-guilty. It’s more like I felt na I should get on my feet and start slowly mending her brokenheart while I mend mine in the process.

Kahit gaano pa katagal abutin.

Kaya nga iniisip ko na puntahan si Tzuyu.

To gauge myself if I’m ready to move on. If wala na… Dahil hindi ako magsisimula hangga’t hindi ko pa sigurado na tapos na ang lahat sa side ko. Na di na ako umaasa at wala na ako nararamdaman pang pagmamahal sa kanya.

Sa loob ng halos isang buwan na di kami magkikita ni Irene, will I be okay? Siya pa rin kaya ang maiisip ko kapag kaharap ko na ang dating nagwasak ng puso ko?

 

 

Madaling araw ang flight ko with Singapore Airlines. Matagal ko na itong nai-book at using this carrier gives me the most time na nasa Pinas ako for a longer period of time. Ayaw ko kasi ng mahabang layover. Kung mga budget airlines kasi gagamitin ko, maghihintay ako ng mahigit dose oras sa Singapore or Kuala Lumpur. Wala kasing direct flight to Pinas from Perth. It would be more convenient kung meron.

Dumating ako sa bahay ng pasado alas otso ng gabi. Fifteen minutes away from the airport lang naman ang bahay namin so di naman ako magagahol sa oras. Naayos ko na rin yung maletang dadalhin ko at nailagay ko na dito halos lahat ng iuuwi ko sa Pinas.

Bumili na ako ng mga ipapasalubong ko sa Pinas. Unang uwi kaya siguro naparami at napagastos ako. Sabi kasi ni Joy, better na hindi mga bulky items yung bibilhin ko like perfumes or sunnies. Naghanap ako ng mga sale na perfume at mga Ray Ban sunglasses dahil yun yung favorite ng Tatay ko. Bukod diyan, bumili din ako ng maraming garapon ng kape.

Gustong-gusto ko ang instant coffee ng Australia – Moccona. Dahil mahilig ako sa kape at sanay naman talaga ako na instant coffee ang tinitimpla ko, ito ang isa sa mga items na gusto ko talaga iuwi sa bahay. Mas masarap siya sa Nescafe Gold at Great Taste. Siguradong magugustuhan din ito ng mga tao sa amin.

Punung-puno yung maleta ko at wala na halos pagsiksikan yung mga damit na dadalhin ko sa bahay. Para ngang mas marami pa ako iuuwi ngayon kesa nung unang dumating ako dito sa Australia.

Tinawagan ko saglit sila Nanay at sinabi lang sa kanila ang expected time of arrival ko sa airport. Susunduin nila ako ni Tatay at ng pamangkin ko, anak ng kapatid ko.

Buti naman at tatlo lang silang makikita ko bukas. Minsan kasi, nung nasa Pinas pa ako at nakikita ko sa aming barangay yung mga magsusundo sa kamag-anak nila na galing sa ibang bansa, parang isang prusisyon yung pupuntahan at dala-dalawa yung sasakyan na dala na inarkila pa o pinanghiram sa mga may sasakyan. Iniisip ko pa lang na sangkaterbang kamag-anak ang naghihintay sa airport, gusto ko na lang magtaxi pag ganun.

Naligo na ako at nag-ayos at nang makalabas na ako ng kuwarto ulit papuntang sala, almost mag-ten o’clock na ng gabi. Ready na ako umalis. May maliit na backpack lang akong dala as my carry-on baggage. Nakapag-online check-in na rin ako. Di tulad sa Pinas na kailangan mong umalis ng bahay four hours before the flight dahil sa traffic at sa mismong mahabang pila sa airport security at immigration, sobrang relaxed lang dito sa Australia. Maraming beses na ako nakalipad domestically kaya sanay na ako. Usually pa nga, thirty minutes before the flight na ako dumarating, tipong diretso nang boarding dahil mabilis lang lumagpas sa security at well-handled ng airport ang volume ng passengers.

Marami pang oras.

Tumayo ako mula sa couch at nag-init ng tubig. Magkape na lang muna ko. Di pa naman ako sobrang inaantok at di naman ako natatakot na baka di na ako makatulog sa flight. Tried and tested ko nang kahit nagkakape ako before flight, borlogs pa rin ako sa mismong duration ng flight.

Hindi ko na naabutan si Wendy.

May flight din kasi siya pa-Melbourne kaninang six ng gabi. Wala naman silang kahit anong bilin sa akin at kung may ipapabili sila sa Pinas, imessage na lang daw nila ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa taas.

Nakaantabay na ako nang makita ko ang anino ni Irene na pababa na ang stairs. Hinanda ko na ang isa pang cup. For sure, iinom siya ng tsaa. Buti dinamihan ko na ang tubig na pinakulo ko.

“Hello!”

Napalundag pa sa gulat si Irene, hawak-hawak ang dibdib na nanlalaki ang mata na bumaling sa akin.

“Kagulat ka!”

Natawa ako. Sinadya ko kasi.

“Tea?”

Huminga siya ng malalim at ngumiti. “You know how to prepare one?”

“Hindi, tinatanong lang kita,” nanloloko kong sagot, “timpla ka kung gusto mo.”

Tumawa siya, yung matinis niyang tawa. “Baliw ka. Umasa pa naman ako.”

“At least pinagprepare na kita ng cup,” pinakita ko sa kanya yung cup na malimit niya gamitin.

“Wow, thanks ha.”

Lumapit na siya sa akin bago pa pumunta sa may pantry para kunin yung canister niya ng teabags.

“Paalis ka na ngayon?” tanong niya.

“Yeah, mayang one ang flight ko.”

“Ah… Singapore?”

“Yep.”

“Mag-uber ka?”

Tumango ako. “Yep.”

She grinned at me. “You look excited ah.”

“Di naman, slight lang.”

“Ilang weeks ulit ikaw sa Pinas?”

“Three weeks din halos. Then pagbalik ko dito sa first week ng June, flight ko na kinabukasan.”

“Wow, talagang di ka na nag-allot ng days to rest,” sabi niya.

I poured her hot water sa cup niya.

“Thanks,” tipid ang ngiti niya.

“Ikaw ba? When are you planning na umuwi ng Pinas?”

“Pupunta sila Mommy and Daddy dito this year so hindi na ako uuwi. Maybe next year…”

Tumango ako. “Ah… only child ka nga pala no?”

“Uhuh.”

Saglit kaming natahimik. She’s still waiting for her tea to infuse sa tubig while ako naman ay paunti-unti ang pag-sip sa mug ko.

“Okay ka na?”

She snorted at natatawang tiningnan ako. “Do you always have to ask?”

“Just wanna make sure.”

“Why?”

“K-Kasi…” natigilan ako, thinking of reasons bakit ko siya tinatanong. “Kasi I’m worried about you.”

She stopped and stared.

“I – I mean, we’re all worried about you,” dagdag ko, malakas ang kabog ng dibdib.

Matagal din niya akong tinitigan before siya nagbawi ng tingin.

“I’m okay. I’ve been okay for a while na,” she answered. “Besides, super busy talaga sa work and it’s not just me keeping myself busy, as in wala talaga ako choice but to work more hours.”

“Ahh… then that’s good.”

“Yeah.”

Sa wakas ay ininom na rin niya ang tea niya. She added a bit of honey nang bahagya siyang mapasimangot sa lasa nito.

“Di ka pa inaantok?”

“Pinapatulog mo na ‘ko?” she asked back.

I smiled shyly. “Di naman. May pasok ka pa kasi bukas. Normally, di ka na namin nakikita dito sa baba by nine ng gabi.”

Tumawa siya. “Ah so talagang inoorasan ninyo pala ako.”

“Ako lang.”

She gave me a warm smile. “Well, naisipan ko kasi magtea bigla. And besides, I remembered na ngayon pala alis mo…”

I let her words sink in sa utak ko.

Nag-iinit ang batok at tenga ko. Inubos ko sa isang lagukan yung natitira kong kape.

“Ihahatid mo ako?” biro ko, trying to lighten up our conversation.

“I-If you want,” sagot niya, mahina ang boses. “It’s just few minutes drive away.”

Lalo na kong nagkulay makopa.  “O-Okay lang. Saka, you need to sleep na maya-maya. Masyado na late…”

She stared at me as if may gusto siyang sabihin. Then, kinuha niya yung mug ko at tumalikod na siya paharap ng sink. Narinig ko ang tunog ng faucet. Ang pag-agos ng tubig mula sa gripo. Ang dumadagundong na tunog ng puso ko sa dibdib ko. Ang aking paghinga ng malalim.

Naririnig ko lahat.

Ang bulong ng puso ko sa utak ko.

Ang pagtatalo nilang dalawa.

Naririnig ko lahat.

“Seulgi…”

Lumingon ako sa kanya at alam kong makikita niya sa mata ko ang matagal ko nang pinipigil na mga emosyon. Pero hindi na mahalaga ito sa akin. Hindi ko na kailangan pang itago.

Basa ang mga kamay na naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso, ang paglapat ng palad niya sa aking batok.

Sinalubong ko ang kanyang labi at sa ikalawang pagkakataon, naramdaman ko ang init na tila lumiliyab sa pagitan ng aming mga bibig.

Niyakap ko siya at naramdaman ko ang pagkapit niya sa akin ng mahigpit. Ayaw kong matapos ang sandaling ito.

We’ve been kissing for so long now at nagsisimula nang bumagal ang paggalaw ng aming ulo. Bumabagal na ang aming paghinga at kumakalma na ang aming pagkilos. Sinalikop ko sa aking mga kamay ang kanyang mukha at sa unang pagkakataon ay lumayo ako at tinitigan siya.

Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

God, she’s so beautiful.

How did… How did I ever get this chance na mahalikan ang katulad niya?

“You’re so beautiful,” bulong ko. I kissed her lips again. Small kisses going to her cheeks and then to her eyes. Nilalanghap ko ang mabangong amoy na nanggagaling sa kanya.

Huminga siya ng malalim at lalong isinandal ang bigat niya sa akin. Napaatras ako sa may counter. I didn’t stop kissing her.

Nang muli ay maglayo ang aming mukha, tumingin siya sa akin at ngumiti, magkahalong hiya at saya ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

“Nabasa ko damit mo,” halos pabulong niyang sabi.

“Okay lang. Magjacket naman ako papuntang airport,” mahina ko ring sagot. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa akin at naglakad na ulit siya papuntang lababo.

“I… I’ve been wanting to do that since – since I don’t know…”

Nanunuyo ang aking lalamunan.

Ako naman ang lumapit sa kanya. I held her on her waist at pinaikot siya paharap sa akin. Naglapat ang aming mga noo. I smiled at her and kissed the tip of her nose. She immediately circled her arms around me.

“I’ve been wanting you since our kiss…” bulong ko sa kanya.

“You have to go now,” she said, nakangiti.

Bigla ako may naalala.

I have to tell her.

“I – I’m planning to see Tzuyu…”

Tumingin lang siya sa akin, and then she gave me a quick peck sa labi.

“Then do it.”

“Okay lang sa’yo?”

“Bakit? Tayo na ba for me to tell you what’s okay or not?”

Namula ako. “H-Hindi naman.”

“Seulgi…” namumula ang kanyang mukha na tumingin na lang siya sa aking leeg, not meeting my eyes, “I’ve been thinking about you a lot. I don’t know… Ever since our kiss, even when I’m with Jurina, I’ve been trying hard to forget things that happened…”

“You don’t owe me any explanation kung anuman ang gagawin mo from hereon,” she said. “Like how I don’t owe you one as well. I – I just…” tumingin na siya sa akin at sa mahinang boses, nilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga, “You’ve been driving me crazy, I have to do this…”

Napasinghap ako.

Nagtagpo muli ang aming mga labi. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng aking katawan at upang makabalik sa tamang pag-iisip, niyakap ko na lang siya nang mahigpit when we parted to take some much needed air.

“You’re gonna be late,” natatawa niyang sabi. “Go…”

Parang nanghihinayang ako na kailangan ko umalis. Ngayon pang we are doing this and I am having this amazing time with Irene.

What will happen pagbalik ko? Are we going back to how we were? Normal? As friends?

Para namang nabasa niya ang iniisip ko.

“Seulgi, just go for now. We’ll talk later.”

“Okay.”

“Ingat ka.”

I smiled, my heart swelling sa simpleng sinabi niya.

“I will.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

16 thoughts on “Fly-In Fly-Out

  1. Infp23 says:

    Shetttt fave chapter ulit❤️‍🔥

  2. nurseeK says:

    sa totoo lang pang anim na beses ko na tong binasa na fic na ‘to pero iba pa rin talaga impact! hayssss

  3. maui says:

    YOURE SO GOOD AT MAKING YOUR READERS FEEL THINGS😫😫😫😫😫

  4. joohyunnie says:

    Hayyyy shutaaa kilig na kilig ako ang tatapang naman jusko day

  5. seubaechu says:

    napapakilig pa rin ako sa chapter na ito huhuhu

  6. seulrenator says:

    nanghihina ako🫠 more chapters pow fles

  7. ali_uno says:

    hehehe fave chapter. been reading this for the nth time… makes me kilig still. huhuhu i love fifo so much i’m sooo inluv with this fic i don’t think i can think straight after this. i luv u, author, kayo ng jowa mo… i luv u both. wish you the best, author! hoping na you’ll be able to get back on your track na.

  8. hyunniseul says:

    Ah, finally. I’m able to re-read my fave FIFO chapter. Thanks, author!

  9. 329baechu says:

    Thank you, Author 😀

  10. blackcoffee01 says:

    FIFO is really the best AU I’ve read. Napakarealistic lang ng feels. Feeling ko totoong tao si Irene at Seulgi at makikita ko sila pag napunta ako sa Perth 😅

  11. dalseon says:

    This is my fave chapter. Feel ko you a rin yung kilig kahit pa ilang beses ko na nabasa.
    Thanks for the update author❤️

  12. svtddeulgi says:

    STILL GIVES ME THE FEELS KAHIT NA ILANG BESES KO NANG NABASA BEFORE AND TO THINK THIS IS MY FAVORITE CHAPTER HAYS

  13. zero329 says:

    Kinilig ako nung first time ko to mabasa (years ago). Pero nakakakilig pa rin. Probably one of my fave chapters <3

  14. ijustwannaread says:

    THIS GOT TO BE THE BEST FILO AU I’VE READ. I’M SORRY SARI SARI, YOU’VE BEEN REPLACED

  15. hi_tumakas says:

    I really really love how well written ang fifo, feeling ko nagwowork na din ako sa australia and at the same time travelling around au. Iba talaga sa feels huhu wla na ba talaga ending to?

  16. @helloR_V says:

    AAAAAAAAAAAAAH.

    Ibang-iba talaga feels ko sa FIFO. Parang totoong tao yun mga characters, the way they are written. Kaya damang-dama ko yung kilig, disappointment, sadness. Shet. Thank you, author.

Leave a Reply