Fly-In Fly-Out

 

Tirik na tirik ang araw nang bumaba na ako sa eroplano sa airport ng Legazpi City sa Albay. Pinagmasdan ko ang nakatagong katawan ni Mayon. May malalaking ulap na tinatakpan nito ang summit at peak ng sikat na volcano sa Bicol region. Nilanghap ko ang sariwang hangin.

It’s been more than one year nung huling punta ko dito. Ito ang tila naging tahanan ko ng kulang-kulang tatlong taon akong magtrabaho sa isla kung nasaan yung mine site. Huling balita ko, nag-end na ang mine life noong December last year. Si Jisoo ay nagtrabaho na sa Quezon City, sa Mines and Geosciences Bureu malapit sa QC Circle. Si Jenna ay napunta sa ibang mining company sa Nueva Vizcaya. Si Jinyoung ay nagtrabaho sa isang mine site sa Laos. Si Nayeon ay nakahanap ng work sa AFPSLAI. Di ko alam paano niya nakuha yung position niya pero maraming connections si Nayeon sa Bicol University dahil nanalo siya dating Miss B.U. doon. Si Tzuyu naman ay pansamantalang hinahanap ang gustong gawin.

Ilang beses ko na siya pinagsabihan. She needs to figure out ano ba ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. She can’t always wait for things to happen, for people to tell her what to do, and for me to be always there to give her my advice.

Naglakad na ako palabas sa maliit na arrival hall. Marami rin ang naghihintay sa mga bagong dating na balikbayan or turista sa lalawigan. Pamilyar pa rin sa akin ang lahat. Naaalala ko pa rin ang pamasahe sa mga tricycle in case gusto ko ng special trip papuntang bayan. Nakita ko muli ang breakfast place sa may gilid kung saan kumakain kami ng silog kapag mapapaaga kami sa airport at mabilis ang naging travel namin sa fastcraft from the island to the port of Legazpi.

Lagi kong inoorder yung longsilog.

Ano ang the best garlic longganisa sa Pinas?

Pasintabi na sa mga Ilocano pero hindi yung Ilocos longganisa. Hindi rin yung galing sa Lucban, Quezon.

The best longganisa can be found sa Giunobatan, Albay.

Maliliit. Juicy. Full of garlic flavor.

Nain-love ako nung una ko itong matikman. Pina-try sa akin ni Tzuyu dati nung nagdate kami sa Legazpi.

Gusto ko tuloy kumain, naisip ko.

Naglakad pa ako palabas ng airport kung saan mga nakaparada ang mga nakapilang tricycle at van.

Naniningkit ang mata na tiningnan ko ang paligid.

Wala pa si Tzuyu. Sabi niya is dito kami magkikita.

After ko dumating ng Manila, nagtuloy ako sa condominium na binili ko nung before ako magresign sa mine company.

Jisoo and I have have been talking about it na naman. Na mag-invest tulad nang ginawa ni Nayeon na pagkuha ng bahay sa Camella. Nung mga panahon na yun, I’m earning more than enough para sa sarili ko. Graduate na rin yung sumunod sa akin at yung bunso naman namin ay scholar sa MAAP sa may Bataan. At mula nang mapunta kami sa real property sites at condominium offers ng mga developers like SMDC, DMCI, Ayala at iba pa, naengganyo kami i-try.

During that time naisip ko nang i-give up ang plano ko sana, na magmove sa Bicol at magcontinue magwork sa malapit na minahan sa may Masbate. Ewan ko ba. I was so committed before to make things work sa amin ni Tzuyu na I’m already planning things like this. Ayaw niya kasi sa Manila. Hindi niya gusto ang environment doon.

Anyways, nang mawala na yung plano na yun, lalo akong naging determinado na makakuha ng property sa Maynila. Iniisip ko nang mag-abroad that time. Kaya nung December before I resigned, nang magbakasyon ako sa amin, nagpunta kami ng bunso kong kapatid sa MOA para bumili ng laptop niya. Napadaan kami sa isang booth ng SMDC. Nabigyan ako ng pamphlet.

Uy, sakto ah. Ganda ng location –  sa gitna ng EDSA. Sa may Boni station. Magkakaroon ng bridge para sa MRT. May mall pa sa baba.

Tiningnan ko ang payment terms.

One year to pay na ten percent downpayment, walang interest. Ten thousand pesos spot reservation. Two million and eight-hundred thousand pesos total contract price. Mukhang nakaamoy si kuyang ahente kaya agad niya ako kinausap. Sales talk. At ako bilang isang impulsive at spontaneous na tao, after one hour, is now a proud owner of a one-bedroom unit sa SMDC Light Residence.

Tinatawanan ako ng kapatid ko nang pumila kami sa isang ATM machine sa loob ng mall. Naibayad ko kasi yung part ng ipambibili ko ng laptop niya.

Di ko pinaalam sa parents ko yung about sa unit. Nalaman na lang nila nang paalis na ako papuntang Australia. Kailangan ko kasi gawing attorney-in-fact ang tatay ko para sa mga pirmahan na gagawin for the BDO bank pag nagloan na ako after two years. And the rest is history.

Kaka-turn over lang ng unit nung April. Kaya nga binalak ko rin talaga umuwi ngayong buwan para makita ko yung condo. Si Johnny na batchmate namin yung pinag-aayos at pinangagasiwa ko ng unit. Nagta-trabaho kasi siya sa Marikina bilang manager ng gun company doon. Kasama pa siya nila Nanay at Tatay nung handover. Magfriends na nga sila sa Facebook.

Balak ko munang paupahan through Airbnb yung unit. Ideally kasi, mas gusto ko na wala talagang constant na nakatira dito or tenant dahil gusto kong magstay sa Manila tuwing uuwi ako ng Pinas. Si Johnny ang mag-aasikaso ng sa Airbnb at hati kaming dalawa sa profit from it. Di naman ako masyado particular sa kikitain ko talaga. As long as maintained yung lugar.

Kaya kahapon nung pagdating ko, tuwang-tuwa akong nagstay sa condo. Nakipagkita ako kay Johnny at pinag-usapan namin ang mga dagdag pang gastusin na kailangan ko asikasuhin.

Hindi alam ng parents ko na nakauwi na ako ng Manila. Sinabi ko lang sa kanila na sa Linggo pa ako makakauwi. Dumating ako kahapon ng hapon. At umalis na agad ako pa-Bicol kaninang umaga. Nagrereklamo pa si Tzuyu kung bakit daw ang bilis ng pagstay ko sa kanila. Dinahilan ko na lang na marami pa ako aasikasuhin sa bagong unit at pati na rin sa bahay.

“Teh!”

Nakikita ko na siyang naglalakad papalapit sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit ang strap ng backpack ko. Hindi masyado nagbago si Tzuyu. Hindi pa naman talaga ganoon katagal nung huling pagkikita namin sa Hong Kong. It’s just been, what? Nine months?

Ngumiti ako ng maluwang sa kanya. “Hello.”

Nakita ko ang sandali niyang pagtitig sa akin, ang mabilis na pagsulyap mula ulo hanggang paa. She smiled and combed her hair with her fingers.

“Di ka naman nagbago,” sabi niya.

Tumawa ako. “Wala pang isang taon nang umalis ako. Ano ineexpect mo?”

Naka-maikiling shorts lang ako at maluwang na T-shirt. Nakapusod din ang aking buhok. Summer sa Pinas at sobrang init ang panahon compared sa iniwan kong maaliwalas na weather sa Perth.

“Uhm, gusto mo nang pumunta ng bahay?”

Nakakunot ang noo ko. “May iba pa ba tayong gagawin?”

Umiling lang siya. “Gusto mo bumili muna nung longganisa at nung laing?”

Paborito ko yung seafood laing nila din dito na binalot sa dahon ng saging. Punong-puno ito ng gata at may crab at prawn meat pang kasama.

Excited akong ngumiti. “Okay!”

Tumawa siya. “Di ka talaga nagbabago.”

Hinila na niya ako papunta sa isang tricycle.

“Sa may bayan ho,” sabi niya.

Tumabi na ako sa kanya sa loob. Well, at least may kaunting hangin na dumadampi sa nangingislap kong balat. Namamawis na ako. Naramdaman ko ang panyo na dumampi sa aking noo.

“Pawisin ka pa rin,” sabi ni Tzuyu na marahang pinapahid ang butil-butil ng pawis sa mukha ko.

“Mainit na nga kasi dito compared dun sa Oz.”

Binawi na niya ulit ang kanyang kamay at ibinulsa ang panyo niya. Kinuha niya sa akin yung dala-dala kong paperbag.

“Ano ‘to?” tanong niya.

“Pasalubong,” sagot ko. “Andyan ba sila Makoy at Exo?”

Tumango siya. “Naaalala mo pa sila?”

Anak ng ate niya yung mga batang binanggit ko. Every time nagpupunta ako sa kanila dati, nakikipaglaro ako sa mga ito.

“Oo naman,” nakatawa kong sagot. “Si Tita pala?

“Si Mama? Ayun, kanina pinapagalitan ako kasi male-late na daw ako ako sa pagsundo sa’yo. Mas excited pa siya kesa sa akin na makita ka.”

“Excited ka?”

“Oo naman…”

Tumikhim ako. “Musta na kayo ni Bimby?”

Si Bimby/Taeyong yung nanliligaw kay Tzuyu nung umalis na ako sa company. I like Bimby. Mabait siya at magalang. Matalino din. Pero mukhang di siya gusto ni Tzuyu. Masyado daw mabait for her taste.

“Bumisita siya last month,” sagot ni Tzuyu. “Nagstay siya sa bahay nung Holy Week. Holiday din kasi at wala siya pasok sa Manila.”

“Saan ba siya ngayon?”

“Di ko sure eh. Basta sa Makati siya nagwork ngayon.”

“Ah…”

Nagfrown si Tzuyu. “Si Mama, as usual, kulang na lang eh ipakasal kami. Grabe man ako tuksuhin dun kay Taeyong.”

Nangiti ako. “At least di na Bimby tawag mo sa kanya.”

Natawa siya. “Oo nga eh. Sabi niya kasi tawagin ko na siya sa name niya.”

Tumatawa na ako. “Kasalanan ‘to ni Jenna eh.”

Nagkwentuhan na kami about sa mga past co-workers namin at kung saan na napadpad ang mga ito. Sinabi niya rin sa akin yung current na nangyayari sa rehabilitation program ng island after matapos ang mina dito.

Nang makababa kami sa bayan, nagpasama ako sa kanya sa malapit na bangko para makapagwithdraw ako ng pera. Di na kasi ako masyado nagki-keep ng cash dahil nasanay na ako sa cashless transactions sa Australia. I guess I just preferred using my cards.

Sumakay na kami sa jeep na nakapila papuntang bayang ng Guinobatan. From there, sasakay pa ulit kami ng tricycle papunta sa barangay nila Tzuyu. Pero marami kami dadaanan on the way. Bibili pa kami ng longganisa, yung laing…

Nagsabi din ako na gusto ko bumili ng cake at ice cream. Hinahayaan lang naman ako si Tzuyu at tutulungan niya na lang ako magbitbit ng mapapamili namin.

Pinag-usapan lang namin ang mga nangyayari sa bahay nila. Nagpapagawa na daw ng bahay yung Ate niya sa bayan ng Daraga. Naipagawa na daw yung sarili niyang kuwarto sa tuktok ng bahay nila. Pinapadalhan niya ako ng photo nito sa messenger nung kino-construct pa ‘to last year. May boyfriend na din daw yung sinundan niyang ate. At may super cute na nga daw siyang bagong pamangkin na babae.

Parang isang taong walang kausap ‘tong si Tzuyu at nakikinig lang naman ako sa lahat ng kinukwento niya sa akin. After kasi ng work niya sa company last December, di pa rin niya alam ang gusto niyang gawin. At dahil dito, nagstay lang siya sa bahay nila at siguro ay namimiss ang mga dating kaibigan sa isla.

Halos mag-aalas kuwatro na din ng hapon nang makasakay na kami sa may paradahan ng tricycle malapit sa palengke. Tapos na kami mamili. Siksikan sa loob ng maliit na sasakyan. Nauna kami kaya nakaupo kami sa loob. May nakaupo din sa gilid at dalawang nakaangkas sa may motor kasama ng driver. Puno ang cab ng mga bayong na pinamili ng isang ate na nasa likod.

Naramdaman ko ang kamay ni Tzuyu na nakapatong sa may tuhod ko. Nakahawak ang isa niyang kamay sa plastic bags ng pinamili namin sa grocery.

I stared at her long fingers. Nandun pa rin yung singsing na binigay sa kanya ni Chaeng after nung graduation nila. She never takes it off. It’s a simple silver band. May pair ito na supposedly ay suot ni Chaeyoung.

I guess some things never change. Sa bahay na lang siguro nila kami ulit mag-uusap.

 

 

TZUYULOGY #16

 

Tzuyu:   teh…

Seulgi:   oi?

 

Hindi busy sa office namin sa Makati. Wala na rin ako masyado ginagawa after the meeting. Balak ko na sanang umuwi ng umaga pa-Cavite para di na ako matrapik pa sa may Coastal.

 

Tzuyu:   galit si Mama

Seulgi:   bakit?

Tzuyu:   galit siya kay Chaeyoung… sinabi ko na kasi yung about sa amin..

 

 Nung umalis ako sa company ay sa Manila na nagtrabaho, di naman nawala yung communication namin ni Tzuyu. Maya’t maya pa rin kami mag-usap kahit pa nga sila na ulit ni Chaeyoung. Alam ko naman na binubuo na muli nila ang kanilang relationship kaya hindi na ako nagbabakasakali pa. Ilang beses na rin ako ni-reject ni Tzuyu. Kaya lumayo na ako…

 Pero panay pa rin ang pagcontact niya sa akin. Ako lang daw ang napagsasabihan niya about sa kanila ni Chaeyoung. Ako ang nacoconsult niya sa tuwing sila ay may pag-aawayan. Minsan sa sobrang inis ko, nagagalit na rin ako sa kanya pero after a day or two, okay na ulit kami. Di ko magawang magalit sa kanya ng matagal. Di ko pa rin siya matiis. Siguro yung pag-alis ko nang tuluyan sa Bicol ay isang wake-up call kay Tzuyu. Nung January pa kasi niya sinasabi na gusto niya nang sabihin sa pamilya niya ang about sa kanya at sa kanila ni Chaeyoung.

 Si Chaeyoung lang ang may ayaw. Natatakot si Chaeyoung nab aka hindi sila tanggapin ng pamilya ni Tzuyu.

 Sinabihan ko si Tzuyu na kailangan niyang maging handa sa kung ano ang mangyayari. Sinabi naman niya sa akin na ipaglalaban niya si Chaeng.

 

Seulgi:   ano sabi ng mama mo?

Tzuyu:   sinira daw namin yung tiwala niya… teh… ano gagawin ko?

 

 Naaawa ako kay Tzuyu. Mahirap ang sitwasyon niya. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto niya nang maging legal sila ni Chaeyoung. Di na kasi siya sanay na itinatago ang lahat sa Mama niya. Binuhay silang magkakapatid ng Mama niya mag-isa after maagang mamatay ang Papa nila. They respect their mom too much para maglihim dito. Especially pa na ganitong kalaking bagay. Isa ring deboto ang Mama niya sa simbahang Katoliko sa bayan nila.

 Ewan ko ba pero kahit open ako sa family niya na isang kong dakilang bakla, di naman ako nilayuan ni Tita. Pero malimit siya magsend sa akin ng quote from the Bible. At sinasabihan akong magpakadalaga na. Passive aggressive ang pagiging homophobic.

 

Seulgi:   basta mag-usap kayo ni Chaeyoung. Let her know na kahit ano pa sabihin ni mama mo sa kanya, na you’ll be with her

Tzuyu:   un naman sabi ko sa kanya…

Seulgi:   pupunta ba siya sa inyo?

Tzuyu:   teh… natatakot siya na baka ma-expose kaming dalawa… kahit sa family niya di alam

Seulgi:   di ba napag-usapan nyo na yan?

Tzuyu:   feeling niya na she has to let me go daw..

Seulgi:   ANO???!

Tzuyu:   na ayaw niya sirain yung relationship ko kay mama… I understand her naman…

Seulgi:   makikipagbreak siya sayo?!

Tzuyu:   nag-uusap p kmi.. busy lang din kasi siya ngayon sa work niya

 

 Gusto ko magwala. Dito lang ba mapupunta yung pagpapaubaya ko kay Tzuyu sa dati niyang girlfriend?

 Fuck Chaeyoung!

 Kung sasaktan niya lang si Tzuyu, then di ko na sana kinonsider ang kasiyahan ni Tzuyu nung kami pa. Dahil alam kong sa huli, I am the braver one between the two of us.

 Shit.

 

 

Pagod na nahiga na ako sa nilatag na futon sa baba ng single bed ni Tzuyu sa maliit niyang room sa taas. May sarili itong toilet at nagpalagay din siya ng study table. Sabi niya sa akin, dito napunta yung severance pay niya na nakuha from the company. Matagal na kasi niyang gusto na magkaroon nang sariling kuwarto.

Nakaligo na ako sa babang toilet nila. Nakipag-usap pa ako kay Tita at binisita ang natutulog na sanggol sa airconditioned room nila sa second floor.

Cute si Cassy, short for Cassiopeia.

Nang tuyo na ang buhok ko, nagtuloy na ako sa kuwarto. I gave them the chocolates I bought from Duty Free. Di na kasi ako nakapag-isip pa ng pwede maipasalubong sa kanila. Alam ko lang na mahilig si chocs mga pamangkin ni Tzuyu at pati na rin siya.

Pagod akong tumingin sa kisame.

Halfday ko nang kasama ni Tzuyu.

Hinahanap ko yung pamilyar na tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. Hinahanap ko yung pagbuhos ng rumaragasang kalungkutan tuwing maaalala ko ang pagkabigo naming dalawa. Hinahanap ko ang libog na nararamdaman ko tuwing mapapalapit ako sa kanya.

Konting kurot na lang.

Konting pagkaasiwa.

Konting paninibago.

Tiningnan ko ang phone ko. Nagpalit na ako ng local sim card dahil mahal magroaming kapag Telstra pa rin ang gamit ko.  Mahina ang signal sa lugar nila. Halos nag-one bar lang ang sa phone ko. Mahirap makasagap ng internet.

Binasa ko ang last convo namin ni Irene sa Viber.  I know we promised na we won’t talk about whatever we are hangga’t di kami ulit nagkikita. Di ko naman na iniisip ‘yun. I just miss her.

Buong araw, naiisip ko siya. Ayoko rin naman maging clingy kaya nung umaga lang ako nagmessage sa kanya na palipad na ako to Legazpi.

She told me to take care. Di na rin siya nagmessage pa after that.

“Teh.”

Lumingon ako sa pinto. Naka-pajama na si Tzuyu at nakapuyod ang mahaba niyang buhok. Manipis ang kanyang suot.

“Matutulog ka na agad?”

Ngumiti lang ako. “Nakakapagod kaya. May gagawin pa ba?”

“Wala naman na,” sagot niya. Pumasok na siya ng kuwarto at humiga na rin sa kama niya.

“Okay ka lang d’yan sa floor?”

“May foam naman eh.”

“Ikaw teh? Musta ka na?”

“Okay lang…”

“Di ka na masyado nagkukwento kasi.”

“Ano gusto mo ikwento ko?”

“Ewan ko. Di ko na rin kasi alam nangyayari sa’yo.”

I put my phone down. “Wala ka naman na dapat malaman eh.”

“Ouch…” mahina niyang sabi. “Parang sinabi mo na rin na wala dapat akong pakialam.”

Tumawa ako. “Ikaw nagsabi niyan.”

“Pero ganun nga ibig mong sabihin?”

“Tzuyu… We’re friends na lang naman di ba?” sabi ko. Umangat ako sa hinihigaan ko at tiningnan siya. “It doesn’t have to be na parang dati.”

Bumalik na ako sa aking pagkakahiga.

“Nagta-try ka pa rin ba dun sa Tinder ba ‘yun?”

“Ahh… hindi na,” sagot ko.

I mentioned Sunmi to her before. Back when I wanted her to think I’m moving on na. Na I’m hooking up with other girls. She was amused sa mga kwento ko. Curious sa mga ginagawa ko. And then she’ll tell me about her latest messages about Chaeyoung or Bimby and mawawalan na ako ng gana.

“Ayaw mo na?” she said teasingly. “Kaw kasi teh… dapat naghahanap ka nung talagang magugustuhan mo – ”

“I will.”

Ganito pala ang feeling… Finally, I can spend a moment with Tzuyu without worrying about getting hurt again. Dahil di na niya ako masasaktan. Dahil di na ako apektado…

“Teh… palagay mo, yung kay Taeyong…”

“Hm?”

“Nakikinig ka ba?”

“Oo naman.”

Hinarap niya ako, nakasilip siya at nakadapa mula sa kanyang kama.

“Palagay mo, if nasa Australia din ako…”

Ngumiti ako. “O? Anu naman gagawin mo dun?”

“Like – like titira ako with you.”

Tumaas ang kilay ko. “Paano ka makakapasok?”

“Saan?”

“Sa Oz. You have to marry someone.”

“Kasal lang ba talaga?”

Umiling lang ako. “Bakit mo naman naiisip ‘yan?”

“Nabo-bore ako dito.”

“What do you want to do, Tzuyu?”

“Namimiss ko yung dating work,” sabi niya. “At least doon, hindi ko kailangan umuwi sa bahay araw-araw, hindi ko kailangan magpretend na okay lang ako, hindi ko kailangan sundin lahat ng gusto ni Mama…”

“You don’t have to,” malumanay kong sabi. “Malaki ka na. Kung alam mo ang gusto mo, then just do it.” Umupo ako sa foam. “May balita ka ba kay Chaeyoung?”

“She’s okay… May dine-date na rin ata siya.” She looked at me at ngumiti. “Nasabi ko pala sa kanya yung about sa’yo and dun sa babae mo sa Perth… Idol ka daw niya talaga.”

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi na lang ako nagcomment. I still don’t know how things fully ended kina Tzuyu at Chaeyoung. Umalis ako ng Australia na di na sila pero mahal pa rin ni Tzuyu yung ex niya. It didn’t change my decision to go away. Sa isip ni Tzuyu, it’s best to follow what her family wants for her. Sa isip ko, she’s making a big mistake.

“You were asking about kay Taeyong kanina?” tanong ko. “May pag-asa ba siya sa’yo?”

“Di ko alam… Pero gusto siya nila Mama saka nila Ate.”

“Are you really okay na may iba na si Chaeyoung?” tanong ko.

Mapait ang kanyang ngiti. “This is the best for everyone… Masaya ka na… She’s happy na rin… My family’s happy as well… It’s the right thing to do.”

“You have to think of your own happiness too,” I murmured.

Nag-iwas na siya ng tingin.

“Teh…”

“Hm?”

“Can you – can you hug me?”

I got up from my bed and tumabi sa kanya.

“Well… malay mo naman ma-develop ka kay Taeyong,” nasabi ko na lang, consoling her sa napipintong simula ng relasyon niya sa workmate namin dati.

“Para siyang ikaw… too good to be true…”

“Boring din ako?”

“Baliw-baliw ka nga eh,” she giggled. Then mababa na ulit ang boses niya. “Di ko pa naman nasusubukan ma-inlove sa lalaki… Maybe I should give it a try.”

“Then if it didn’t work, just go follow your heart.”

“Goodnight, teh…”

“Goodnight, Tzuyu…”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1 thoughts on “Fly-In Fly-Out

  1. joohyunnie says:

    nakakaawa din naman si tzuyu sa totoo lang i just home she follows her happiness and not depend it on others

Leave a Reply