One-Up

Seulgi

 

She’s running late.

Ngayong araw pa na may important meeting sila with the board and department nila ang isa sa mga unang magpepresent ng kanilang quarterly report.

She stepped on the accelerator for the nth time at muli ay nagbreak nang biglang may taxi na nagcut sa lane. Shit.

When will Philippine drivers have the discipline to actually follow the traffic rules and etiquettes? Kaya walang pag-unlad sa bansa. There are so many of these people who think they can bend the law for as much as they can as long as hindi sila nahuhuli.

She looked over her right nang biglang yumanig ang paligid niya kasabay ang malakas na tunog ng banggaan.

Fuck. What the –

Saglit siya natigilan nang makita ang isang L300 na nakadikit sa kaliwang headlight niya.

Tila mga langgam naman ang mga ibang sasakyan na unti-unti nang umiiwas sa kinatitirikan ng kanyang sasakyan.

Oh God this is not happening!

Nanlulumo na napapikit si Seulgi. Her day couldn’t get any worse than this. Mabilis niya chineck ang oras. Thirty minutes to nine.

She took a deep breath, put the hazard light on, at lumabas ng sasakyan. She could see other drivers eyeing the wreckage with mild curiosity. Hindi na bago sa mga motorista sa Maynila ang ganitong eksena.

Tirik na tirik na ang araw at bigla ang pagsakit ng ulo ni Seulgi.

She hates the summer heat. Madalas ang kanyang migraine sa mga ganitong panahon.

She squinted her eyes as she tries to look at the stupid driver of the van. Saglit niyang tiningnan ang basag na ilaw ng kanyang sasakyan.

She just bought her new Lexus last month after owning a rundown Civic for seven years. Her premium would definitely take a hit should she use her own insurance coverage. And to think na isang L300 lang ang makakabangga niya?

Goodness. Naiimagine niya na lang ang tila pagmamakaawa ng kung sino mang driver sa kanya this time. Ito ang mahirap sa Pinas. Those who can afford still shoulder the brunt of the damage kahit naman wala silang kasalanan. What else can they do when a meager delivery driver could do nothing but offer an apology? Kargo de konsenya niya pa kapag hinabol niya yung tao.

She looked at the peeling logo on the front of the van. Is this a delivery company? Maybe she can chase after the company if this is a company asset.

Bumukas ang pinto ng van at niluwa nito ang isang babae na never inexpect ni Seulgi. She can’t be a delivery woman, agad niyang naisip.

“Ah gasgas lang naman pala,” simula nito na tinitingnan ang damage na nagawa ng sasakyan nito sa car niya. “May gasgas din yung sa ‘kin.”

Maang na napatitig si Seulgi dito.

The nerve of this woman! Halos lumuwa na yung headlight niya! There’s a big scrape sa side and a dent sa bumper.

“Are you the driver?” pigil ang inis niyang tanong. Kahit naman nababadtrip siya, she chose to be civil as everyone should be in this kind of situation.

“May iba ka pa bang nakikita?” pilosopong sagot sa kanya ng babae.

Aba’t – !

Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa. Hindi man lang nito itinago ang ginawang panunuri sa kanya.

“Mukhang on your way to work ka,” sabi pa nito. “Pag-usapan na lang natin ‘to mamaya. Busy din ako at may hinahabol na schedule.”

Seulgi can only stare incredulously sa babae. No apologies. No remorse sa ginawang pagbangga sa kanya. She treated the whole thing as if wala siyang kasalanan.

“H-Hold on,” pigil niya dito nang akma itong babalik na sa sasakyan.

Marami siyang gusto sabihin. Marami siyang gusto ibato dito. But as always, she unconsciously recoils from any confrontation. Umaatras ang dila niya when she’s about to express her anger.

“Ah oo nga pala,” sabi naman ng babae, mistaking her mute protest to something else. Inilabas agad nito ang phone. “Here’s my number. Tawagan mo na lang ako after lunch. Baka kasi di ko masagot pag earlier than that.”

Lumapit sa kanya yung babae at pinakita ang phone screen na may mobile number.

Seulgi can only hold her breath as the baby powder scent of the girl enters her nostrils. She cleared her head and instead focused herself sa nangyayari.

“W-Wait. I also need your insurance information.”

“I-ring mo number ko,” the girl said, ignoring her other request.

Seulgi rang the number at tumunog ang mobile ng kausap. Ngumiti ito sa kanya.

“Pag-usapan na lang natin later yung ibang details,” the girl said with finality.

Mabilis ang pagbalik nito sa sasakyan.

Seulgi can only watch helplessly as the L300 moved back at tuluyan nang nahulog ang mata ni Reve, her beloved Lexus.

Bumalik siya sa loob ng sasakyan dala-dala ang sirang headlight at tila iniisip ang nangyaring pambubudol sa kanya nung magandang driver ng L300. She hates herself for being so meek and passive. Kaya siya lagi nagugulangan.

She checked the time again. It’s fifteen minutes to nine.

Minabuti na lang niya na isipin ang nangyaring kamalasan after the meeting. For sure pagagalitan siya ng bestfriend nya once malaman nito ang nangyari ngayon and how she got pushed around ng isang delivery woman.

Bumalik sa isip niya ang itsura ng babae kanina. She can’t be a delivery woman though, naisip niya.

That girl is too pretty…

She erased the girl from her mind at dahan-dahan nang tinahak muli ang kahabaan ng EDSA. She winced every time napupunta ang isip niya sa naging damage sa car niya.

I hate this day.

 

 

 

Irene

 


Juskolord!

Kinakabahan pa rin si Irene na nagmamaneho papuntang venue nila sa Pasay habang iniisip ang nangyaring aksidente kanina. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Hindi siya sanay magdrive ng van at di niya rin alam kung ano nakain niya kahapon at nagvolunteer siya ipick-up ito mula sa warehouse sa Cubao.

Nang makita niya ang magandang kotse na nakabanggaan niya, parang naiimagine na niya ang kanyang bank account na biglang naubusan ng pera. Magkano ba ang pa-repair ngayon sa casa? Ten kiyaw? Twenty?

Napadasal siya bigla na sana naman ay maayos kausap yung driver nung Lexus. Ang mga burgis pa naman, sobra kung magdemand.

Nang lumabas yung driver nung sasakyan, pinag-aralan niya muna ang kilos nito bago siya nagpakita. Mukhang kaya idaan sa mabilisang areglo, naisip niya habang tinatantya ang itsura ng babae sa labas.

Burgis nga, dagdag pa niya nang tingnan ang designer clothes nitong suot.

Hindi niya pinahalata ang kanyang pagkataranta habang nililihis niya ang kanilang naging usapan about sa magiging gastusan nila sa nangyaring aksidente. Pilit niya kinakalma ang sarili nang makita niya ang damage na naiwan dun sa Lexus nito.

Sa huli, wala siyang sinabi about the accident at sa kung anumang accountability ng bawat isa. Alam niya ang para-paraan sa mga ganyang bagay. As long as wala siya inaamin, hindi siya pwede ihabla.

Shet! Paano pala kung ihabla siya bigla…

Papasok na siya ng garahe ng venue at nakita niya ang kaibigang si Wendy na nakapamewang na naghihintay sa tarangkahan. Nanlalaki ang mata nito na tinuro ang gasgas sa harap ng van.

“Anyare?! May gasgas yung van!”

Umirap lang si Irene na nagtuloy-tuloy para buksan ang pinto ng likod ng van.

“Matagal na ‘yan noh,” ingos niya at sinimulang buhatin ang mga boxes sa loob. “Tulungan mo nga ko dito, Wanda.”

“Hoy, ako nag-iwan nito sa Cubao kagabi,” patuloy ni Wendy na iniinspect ang bumper. “Wala ‘to nung huling check ko dito.”

Napangiwi si Irene. “Ang ingay mo, kwento ko sa’yo maya!”

Pinandilatan siya ng mata ng kaibigan bago pa ito pumanhik sa loob ng sasakyan. May dala itong clipboard na nakaipit sa kili-kili nito. Ngayong araw ang pamamahagi nila ng mga donated vitamins and generic medicines sa mga napili nilang beneficiaries.

Mula sa loob ng venue ay lumabas si Suho. Maluwang ang pagkakangiti nito sa lumapit sa kanila.

“Buti umabot ka this time, Irene,” bati nito na pinagpatong ang ilang boxes bago ito maingat na inangat.

“Tigilan mo ‘ko Suho,” banta ni Irene.

Miyembro silang tatlo ng isang non-profit NGO na namamahagi ng tulong sa mga less privileged communities at institutions. Nagre-raise sila ng funds through private donations at company-partnered involvements and fundraisings. Halos walong taon na rin ito ginagawa ni Irene. Kaka-promote niya lang as division head last year.

Nang makaalis na ang lalaki at maiwan muli silang dalawa ni Wendy sa labas, lumapit ito sa kanya at agad siyang siniko.

“Huy, ano nga nangyari?”

Napalunok siya at muli ay nagbalik ang kanyang utak sa pagkukwenta ng nakaambang danyos na pwede niyang magastos dahil sa aksidente.

 

 

 

Nagpapanic na tiningnan ni Irene ang phone.

May two missed calls na siya mula dun sa number nung owner ng Lexus. Katatapos lang ng ginawa nilang pagdistribute ng supplies sa mga umattend na representatives ng mga ampunan sa kalakhang Maynila.

“Sagutin mo na kaya,” mahinang bulong ni Wendy. “Baka pag lalo mo pinatagal ‘yan, isipin na tinatakbuhan mo siya. Mas mahirap ‘yon at baka lalong magsampa ng kaso at ipa-blotter ka.”

“Grabe ka naman! Blotter agad?” sabi ni Irene. Sumagi na rin ito sa isip niya kanina. Nagring muli ang phone niya. Same number.

“H-Hello?” alinlangan niyang sagot.

Natatawa siya sa kaitsurahan ni Wendy na nanlalaki ang ilong na nakaabang lamang sa nangyayaring ganap. Winaksi niya ito at tinuro ang mga tables sa gitna ng room.

Binigyan siya nito ng makahulugang tingin bago ito umalis at inayos ang mga natitirang tables and chairs.

Ilang minuto lang ang lumipas at nagjoin na rin naman si Irene sa team niya sa pag-aayos ng mga gamit. Until five o’clock lang ang pagrenta nila sa lugar. Ipipick-up na rin nung caterer yung mga lamesa at monoblock chairs sa venue.

Soon ay aalis na rin sila.

Sinabihan niya yung Lexus owner ng address ng lugar nila. Kung makaabot man ito, for sure ay saglit na lamang ang kanilang pagkikita bago pa sila umalis.

“Ate Irene,” tawag ni Mark, isa sa mga bagong volunteers, “may naghahanap sa’yo sa labas.”

Dagundung na naman ang dibdib niya.

Bakit ang bilis ng pukingina???

Mabilis niyang sinuklay ang buhok ng mga kamay at ipinuyod ito. Nag-ipon ng lakas ng loob.

Nasilip niya yung babaeng nakatayo sa tabi ng kotse.

Naka-jeans at shirt na lang ito ngayon at nakatago ang mga mata behind the aviator shades

Bumaling ang mata niya sa sira pa ring harapan ng sasakyan nito.

Help me Lord!

 

 

 

Seulgi

 

She gave a small smile sa babaeng papalapit sa kanya. While driving on her way sa direction na binigay sa kanya nung babae, she practiced her spiel multiple times para di na naman siya macaught off-guard sa usapan nila. Buti na lang na she listened to her gutfeel na somewhere in Pasay yung pupuntahan niya. Otherwise, di siya makakaabot sa lugar. It looked like nagpapack-up na ang mga tao sa paligid. She read the big tarpaulin na naka-display sa may gate.

It’s an NGO event for medicine distribution.

“Hi,” bati niya nang makalapit na sa kanya yung nakabangga niya kaninang umaga. Aware siya na pinagtitinginan sila ng iba nitong mga kasama. She scanned their surrounding at agad naman nagdisperse ang mga tao at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa.

“Ang bilis mo nakarating,” the girl quipped, eyes staring at her.

Shit, Seulgi thought, while trying to get her head and thoughts organised. The girl looked even cuter than this morning. Pero may slight na simangot sa mukha nito.

“Nagda-drive na ko around Pasay when you answered my call,” nasabi na lang niya dito.

“Ah…” tumatango ito at nag-iwas na ng tingin. “As you can see medyo busy pa kami sa pag-aayos ng lugar. Ako kasi yung nakatoka dito kaya – kung pwede, usap na lang tayo siguro next time.”

Kumunot ang noo ni Seulgi. “What?”

“Sabi ko, para talagang ma-finalise natin yung mga pag-uusapan, mas okay na next time na lang tayo mag-usap. Wala din kasi sa akin yung mga details about dun sa sasakyan. Wala ako maaambag na additional information na kailangan mo if ever.”

Seulgi is trying to piece together what she just heard.

This is not how she wants this to end. Ano nga ulit yung sinabi sa kanya ni Joy kanina?

Insurance documents.

Repair schedule.

Police report.

Again, like the morning earlier, tumalikod na ang babae. What the fuck is wrong with her?

“Uhm, yung police report…” halos pabulong na rin yung boses ni Seulgi.

Marahas ang pagkakabaling muli sa kanya nung babae. “Pulis? Bakit naman may pulis agad sa usapan natin?”

Bukod sa mainit, pinagpapawisan na rin si Seulgi sa matalim na tingin sa kanya ng babae.

“I – I need to – I need your name at least…” she stammered.

“Ipapa-blotter mo ako?” nanghahamon pang tanong nito.

Again, bakit parang siya pa ang may atraso dito?

Itinaas ni Seulgi ang dalawang kamay, “Hey, I just need it so I know at least… well, what to call you for a start.”

Nakataas ang kilay na nilahad ng babae ang palad. “Bigay mo sa ‘kin phone mo.”

“W-Why?”

“Ilalagay ko name ko diyan sa phone mo.”

Namula si Seulgi na umiling. “No need! I mean, I can just put it later there. It’s just a name. Look, I’m Kang Seulgi.”

Tiningnan siya ng babae.

Tumikhim siya at nagpatuloy. She fished out her business card at inabot ito.

“My details are all in there,” sabi pa niya. “I – I just want to get this over with. If you really don’t have time today, we can arrange to meet next week.”

Hinintay niya ang tugon ng kausap.

“Irene Bae,” sabi nito finally. “Wala akong card pero you can search our org website. Andun yung office address namin.”

Tumango na lang si Seulgi. Nginitian niya si Irene to lighten up the mood between them pero nanatiling seryoso ang mukha nito.

She coughed and tinuro ang van. “Can I take a photo of the van with its plate number?”

“Kailangan pa ba yan?” bagot na tanong ni Irene sa kanya.

Konti na lang papatulan na ito ni Seulgi. Natutukso na talaga siyang magreport sa malapit na presinto.

Lumakad na siya papalapit ng van at hindi na pinansin pa si Irene. Yumuko siya to capture the plate number nang humarang sa shot ang binti ni Irene.

“Hoy, pumayag ba ako?!” malakas nitong sikmat.

Tiningnan niya ang litrato. Na-capture naman yung kailangan niya. She shrugged at naglakad na pabalik sa kotse. Nakasunod sa kanya ang mas maliit na babae.

“Look,” she said, lifting her shades. Tinitigan niya si Irene na nanlalaban din ng titig sa kanya. “I’m trying to work things out with you and kung ayaw mo makipag-cooperate, it’ll make things difficult sa’yo pati na rin sa ‘kin. I’m giving you a chance to participate with whatever settlement na mapagkakasunduan natin. I’m not here to put pressure pero you should at least be courteous enough kasi hindi lang oras mo nauubos dito.”

It’s been a while since nagkaroon ng lakas ng loob na ganito si Seulgi at nasabi niya ang gusto niyang sabihin at the exact moment na gusto niya ito sabihin.

Irene just gawked at her. Ito naman ang natameme at tila nawalan ng boses.

“I’ll send you a message kung kelan ako free,” pagtatapos ni Seulgi at sumakay na ulit sa car niya. “Please get everything ready by then.”

Before she took the left turn sa kanto, nakita niya pa ang padabog na pagtalikod ni Irene bago ito nawala behind the half-closed gate.

That felt good, naisip ni Seulgi while congratulating herself for standing her ground.

It’ll be alright.

 

 

 

Irene

 

“Since nagkakalabasan na rin naman tayo ng sama ng loob at damages dun sa simpleng banggaan lang naman,” madiin ang pagbigkas niya sa bawat salita, “gusto ko lang din ipaalam sa’yo na nasugatan ako sa paa that time.”

Tumingin sa kanya si Kang Seulgi na halatang di naniniwala. Kumunot ang noo nito at parang pagod na pagod na hinimas ang sintido.

“Can we be serious with this?”

Nanlaki ang mata niya. “Ayaw mo maniwala? May witnesses ako! Hindi ako masyado makalakad nun sa event namin. Three days ako nag-sick leave.”

Kumibot ang nguso ng kausap niya na tila nagpipigil lang tumawa. “If I remember correctly, hindi naging problema sa’yo iharang yung paa mo when I took the van’s photo.”

“Yung isang paa kasi sinasabi ko,” mabilis niyang dahilan. “Ang point ko lang kasi is bakit ba iniisa-isa natin yang mga damage na nangyari? Tumatagal lang usapan natin dito. Willing naman ako i-overlook na yung mga trivial na bagay.”

Nasa loob sila ng isang bakanteng office sa building kung saan nagwowork si Kang Seulgi. Nang mag-offer ito na puntahan na lang siya sa workplace niya, mabilis niya ito tinanggihan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nirereport sa boss niya yung nangyari sa van. Baka isuspend pa yung privilege niya na magamit yung lumang company car na pinahiram sa kanya nung napromote siya. Sinabihan na lang niya ito na pupunta siya sa building nito sa Makati. Pamilyar naman siya sa address at sinakto na lang niya na may aayusin din siyang account ng isang malaking sponsor nila. Hangga’t maari, pinupuno niya ang araw niya ng mga magkakalapit na engagements para hindi naman aksaya sa oras at gas yung bawat larga niya.

Huminga ng malalim ang naka-corporate attire na babae. Halos kalahating oras na din silang nagtatalo sa kung ano ba ang responsibilities nila sa damages ng bawat sasakyan.

“Okay,” sabi nito na parang pagod na pagod na. “I only booked this office for thirty minutes. Kailangan na natin matapos ‘to. I’m okay dividing the expenses between the two of us… I’ve used my insurance to have my car repaired na rin naman – ”

Umangat ang mga mata ni Irene sa pagkakapako nito sa phone while minemessage niya si Wendy. Pinapauna niya na ‘to sa Salcedo Village.

“Repaired?” ulit niya, umaandar ang utak sa narinig. “Repaired na sasakyan mo?” “Nasa casa pa siya ngayon pero I had it repaired the other day…”

Umirap siya at kunyari ay inis na ibinagsak ang dalawang kamay sa table. “Tapos ginamit mo na insurance mo? Eh paano na natin malalaman yung exact cost ng repair kung covered na pala siya ng insurance mo? Paano na yung hatian natin eh technically di ka naman pala gumastos? Di pa ako involved nung nagquote sila ng total repair cost. Mahal pa naman talaga pag sa casa mismo ng dealership yung repair. San mo pinagawa yan?”

Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang litanya. Nagpapanic na ulit ang kausap niya.

“S-Sa may 8th Avenue sa… sa BGC. Uhm, sa Lexus dealership,” sabi nito sa mahinang boses. “B-But I’m still covered pa rin naman sa warranty. Mawawala yung warranty ko kapag pinawork ko yung sasakyan sa iba.”

“So kasalanan ko pa?” madramang bulalas ni Irene. Ito na, dito niya na magagamit yung GE course niya sa theater. Akala pa naman niya nasayang yung tuition niya sa tatlong units na ‘yon nang mawalan na talaga siya ng choice at ienlist ito.

“Una, hinaharass mo ako sa mga calls at messages mo,” pagpapatuloy niya with matching pagbibilang ng daliri. “Ikalawa, kumuha ka ng unauthorised photo at gagamitin mo pang part ng evidence mo for a police report. Ikatlo, kinulong mo ako dito sa maliit na office at pinapipirma sa statements na ikaw lang naman ang nakaisip. Ikaapat, napagawa mo na yung kotse mo na walang abiso tapos ipapakita mo na lang sa akin yung resibo after, ano ako nanay mo??”

Naubusan ng hangin si Irene at mabilis na nagbawi. “At ikalima,” sabi niya, hawak na ang dibdib.

Shet, wala man lang ba tubig? Natutuyo na lalamunan niya.

“Ikalima,” ulit niya, “gusto mo hating-kapatid tayo sa gastos pero willing ako hindi na ipagawa yung nangyari sa van. Lahat ng nilapag mo dito tungkol lang sa kotse mo. Kesyo ganyan, kesyo ganto. May narinig ka ba sa ‘kin na kahit ano about sa sasakyan ko? Wala di ba?”

“Yung – Yung sa van mo…” simula ni Seulgi na maingat na inaayos yung mga papers sa table. “May section naman dun sa prepared statements – ”

“Okay lang sa akin,” pag-cut ni Irene. Nasa kanya ang momentum. Nakikita na niya ang pagkalito sa mata ng burgis. “Ako na dun. Di ko na isusumbat sa’yo ‘yun. Kahit walang-wala naman ako, kaya ko naman panindigan kapag nasira ko. Hindi ko sinisisi sa iba yung mga nagawa kong mali.”

“W-What?! Hang on – ” reklamo ni Seulgi.

“Nung nagkabanggaan tayo, take note sa word na TAYO. Meaning, kasalanan mo at kasalanan ko. May kasalanan tayo pareho.”

Tumayo na ang kausap niya at halata ang pagkainis sa mukha nito. “You rammed into my car! That’s what happened!”

Hindi magpapatalo si Irene. “Yun ang pagkakatanda mo. Pero nagkabanggaan tayo. Nakatingin ka sa kabilang linya habang umaabante ka. E di kung ako lang bumangga sa’yo, yung gitna sana nung bumper ko yung may gasgas. Umiwas ako kaso dire-direcho ka.”

Hindi ito nakapagsalita. Halatang iniisip at inaalala ang nangyaring aksidente last week. Nawawala na ang determinasyon nito. Maya-maya pa ay may guard ng kumakatok sa glass door ng office.

“Ma’am may gagamit na po ng room in five minutes,” magalang na sabi nito at umalis na matapos isara muli ang pinto.

Hinarap ni Irene si Kang Seulgi.

“So, ano? Ipapasagot mo pa rin ba sa akin yang nagastos mo? Isend mo na lang sa akin yung kopya ng quote kung talagang – ”

“N-No…” tahimik na putol ng isa.

“Ano?”

“It’s fine,” sabi na lang nito na iniimis na ang mga documents na hinanda nito pabalik sa envelope. “You cover the damages on your car, I’ll cover mine.”

Muntik nang mapangiti si Irene.

Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang sarili sa pagngisi.

“Sure ka?”

Shet baka magbago pa isip nito, inis niyang sabi sa sarili.

Tumango lang ito. “You can leave. It’s fine.”

Palakpak ang tenga na nanlalaki ang butas ng ilong ni Irene na nagtuloy na sa pinto. May halong awa na sinulyapan niya si Seulgi na nakaupo pa rin at patuloy sa pag-aayos ng papers. Alam niyang unfair. Alam niyang may pananagutan siya. Pero hindi tulad nung isa na mukhang lumalangoy sa pera, gipit na gipit siya lalo na sa panahon ngayon.

Pasensya na. Hopefully di na sila magkita.

 

 

 

Seulgi

 

It’s not for another two months pero nagpapanic na si Seulgi dahil sa napipintong pagbabalik ng ex niya mula sa naging assignment nito sa head office ng company nila sa Hong Kong. They work in an international marketing company and Krystal has been spending her time sa HK for the past year to get trained for her new role as one of the marketing directors sa Philippine office. She’s the youngest to get offered the job and solidifying her commitment to the role, nakipagbreak siya kay Seulgi. Workplace romance is not technically prohibited sa company nila but it does constitutes a lot of insinuations and rumors sa involved parties. It wasn’t bad enough at first dahil nga mabilis na rin naman nawala si Krystal sa buhay niya. But now that she’ll be back, Seulgi’s not very sure of how she feels for her ex-girlfriend.

“What you need,” Joy started, sipping on her hot cappuccino as they sit around a small table sa building cafeteria, “is a new girl. Hindi ka pa ulit nagta-try Seul ever since natapos kayo ni Krys – ”

“Shhhh!” Seulgi shushed, looking around them. “Stop mentioning her name, pwede ba? Alam mo naman na hot topic pa rin ‘yan somehow dito. And ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na I haven’t found anyone interesting yet.”

Well, yung si Miss Budol siguro. Pero heck no, girls like her are very dangerous. She’s way below my standards.

It’s been three months since last silang nagkita ni Irene Bae. Sa inis niya sa babae, she changed the name in her phonebook entry as Miss Budol. Ayaw na rin niya pag-usapan ito dahil naha-highblood lang din si Joy tuwing nababanggit ang pagiging tanga niya sa nangyari. Inisip na lang niya na isang life lesson ang naging experience. At least she knows na how to handle intimidating personalities at yung malalabo kausap.

“… and I’m sure she’s going to introduce someone na feel ko is pasok sa mga type mo. So gora ka?”

“Huh?” napakurap si Seulgi at saglit na bumalik sa kasalukuyan.

Joy rolled her eyes exasperatedly. “I said, kung willing ka makipagblind date. I have a friend

na – ”

“Don’t even bother, Joy,” pigil niya sa kaibigan, natatawa sa idea. “May ganyan pa ba sa

panahon ngayon? It’s very outdated. Who would go on a blind date nowadays?”

“I’m just saying,” pilit ni Joy. “Look, you always have issues sa mga nami-meet mo. Maliit lang ang circle natin Seul and you don’t even bother expanding your network. Paano ka naman makakahanap if you keep staying in one place?”

“I’m not interested in dating right now,” sagot niya sa kaibigan.

“How about you hear me out just once and then you can decide if it’s not for you. Di mo pa kasi ako pinapatapos eh.”

Naiiling na lang si Seulgi and smiled. “Sure, Joy. Go ahead and tell me this plan of yours.”

Umirap ito muli sa kanya pero nagpatuloy din naman.

“My friend said na the girl she’d like to introduce is an overachiever – graduated from UP, magna cum laude in Philosophy, worked as a staff sa office ng isang senador, currently working in a non-profit organization…”

Biglang nag-appear ang mukha ni Irene Bae sa utak ni Seulgi. She blinked and went back listening kay Joy.

“… very pretty. Super dedicated in doing humanitarian works… and namention ko na ba na she’s apparently drop-dead gorgeous?”

Seulgi frowned. Madami ganyang advert sa online dating sites – until you actually see them and find out that everything is a lie.

“It’s hardly believable na she’s still single even if she’s only half of what you just described to me.”

“Exactly my thoughts,” pag-agree naman ni Joy. “Well, it turned out na she’s been so dedicated sa work na she hadn’t found time to date and now finoforce siya ng parents niya into marriage which for obvious reason na bakla siya, she won’t do.”

“Why can’t she just tell that to her parents?” Seulgi asked simply.

“Apparently daw, her parents are a big believer ng Twitter.”

“What?” takang tanong ni Seulgi.

“Receipts or it didn’t happen,” sabi ni Joy na tumatawa. The two of them laughed openly at agad din tumahimik nang magtinginan sa kanila ang isang bagong dating na grupo from Finance team. “Anyway, kaya ayun, willing itry kahit ano for her to have a girlfriend.”

“It still doesn’t convince me to try anything with this girl,” sabi niya. “I mean, this girl is obviously desperate, and I don’t think I’d like to be involved in her family dramas.”

“But she’s hot daw!” “Have you seen her?”

Nagkibit-balikat si Joy at bumalik sa kape niya. “Well, according to my friend… Sabi niya kasi, ayaw daw nung babae na may initial contact prior sa blind date if ever. Like no messages, no pictures no anything. Parang she likes to set it up like something from a movie daw.”

That caught Seulgi’s attention.

She raised her eyebrows with interest. There are several films na tumatakbo na sa utak niya about blind dates. Maybe, maybe if they liked the same film, then this could be interesting…

“Like how exactly?”

“Parang ano daw,” Joy paused and thought hard. “Parang she’ll turn up with a particular book. Then sa book daw is may – ”

“Rose?” Seulgi cut-in. “And then makikilala siya ng supposed date niya that way?”

Gulat na napangiti si Joy. “O alam mo?”

Seulgi nodded. “It’s from a movie I know, yes.”

The mystery girl is suddenly interesting for her. Seulgi can probably spare her time doing this. Sabi nga ni Joy, if it works then it’s great. If it doesn’t, then it doesn’t matter.

“So gora ka na?”

“She’s hot talaga ha?”

“Libre kita lunch pag hinde.”

“Okay, sabi mo yan!”

You’ve Got Mail it is.

 

 

 

Irene

 

Kung hindi lang siya pinupush na hakdogs ng parents niya at ang pagseset-up ng mga ‘to sa anak ng mga classmates daw nila, Irene would never even dare try this blind date idea ni Wendy para sa kanya.

Ilang beses na siya nagmakaawa kay Wanda na magpretend jowa niya pero sinesemplang siya nito at marahas ang pagtanggi sa possibility na kailangan nilang maging physical sa harap ng magulang niya just to prove their relationship.

Jusko wala namang malisya!

Pero with Wendy being Wendy, ang forever bestfriend niya at katulong sa lahat ng problema, mabilis itong nagset-up ng blind date para sa kanya. Effort kung effort si ate na naghalungkat talaga ng mga old friends para daw makuha niya ang papasa sa standards ni Irene.

Madatung.

Maayos pumorma.

Matangkad sa kanya.

Maganda.

Sexy.

Okay, ngayong naiisip niya yung mga pinagsasabi niya kay Wendy, puro physical attributes yata lahat ng nabanggit niya dito. Honestly, mahirap naman talaga magbother pa na hanapin yung mga abstract qualities na gusto niya sa isang tao dahil lahat naman ay subjective. Lahat pwede magsabi mabait sila. Lahat pwede magsabi humble sila.

As long as walang putok pwede na, naisip niya na lang.

Matagal na rin talaga siyang nagkajowa. Nung undergrad pa siya. Her very first girlfriend and up until now, still her last. Ang intense niya daw. Naalala niya pa yung gabi na sinira niya ang Harry Potter wand nito sa sobrang galit. Siguro may point din ito. Pero sino ba naman ang taong makikipagbreak over Hogwarts houses?! Para namang totoo at affected talaga ang loka nang laitin niya ang pagka-sort nito sa Hufflepuff (Slytherin siya). Anyways, after that, nawalan na siya ng time for anything at talagang nagfocus na lang sa main goal niya – ang yumaman!

Nararamdaman na ni Irene ang palihim na pagsulyap sa kanya ng ibang mga customers at parokyano sa maliit na coffee shop. Inayos niya ang kanyang buhok, tucking few loose strands of hair behind her ear. Sinipat niya ang glass door at matamang naghintay sa ka-blind date niya.

Inayos niya ang book sa table niya. Baka di ‘to makita nung girl.

Itinaas niya ang book na hawak.

Pride and Prejudice.

Just like the movie, naisip niya. Pero gusto niya rin naman talaga ang librong ito. Sobrang relate siya kay Elizabeth Bennet. Damang-dama niya ang pagkainis kay fucking Mr. Darcy. The burgis jumped out on that one, nasabi niya noon.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na mukhang mas bata lang ng ilang taon sa kanya. The only thing she knows about her date ay yung edad nito. Twenty – six. Three years her junior. Isang taon na lang at she’ll be in her 30s.

Pakshet.

Daig niya pa El Niño!

Kinuha niya ang isang tungki ng white rose na dala niya at pasimpleng winasiwas ito sa libro.

Tingnan mo bulaklak ko! Sigaw niya sa utak.

Ngunit lumagpas lamang ang babae at nagtuloy sa isang table. Sayang, akala niya yun na yun. Nakasuot pa naman ito ng puting shirt as how she instructed dun sa kablind date niya. Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Fifteen minutes late na ang ka-date niya.

Limang minuto pa. Kapag wala pang nagpakita sa loob ng limang minuto, eskapo na siya. Tama na ang kahihiyang ito. Inis na sinuklay niya ang buhok at walang gana na nilapag na muli ang libro sa table. Lumagok siya ng tubig nang biglang bumukas muli ang pinto.

Muntik na niya mabuga ang iniinom.

Siya!

Agad siyang lumihis ng tingin at agad-agad nagkunwaring nagbabasa. Yumuko siya at itinago ang mukha sa likod ng kanyang kamay na pinang-cover niya.

Hindi niya makita kung ano na ang ginagawa ni Kang Seulgi. Inangat niya ang mukha saglit at sinilip ito sa counter.

As much as gusto niya kalimutan ang babae, minsan-minsan ay naiisip niya ito. She fits the bill, bulong ng maharot niyang utak sa kanya. Maganda, sexy, attractive, mayaman, hot, hot, hot!

Leche!

Pinapagalitan pa ni Irene ang sarili sa pagiging malandi nito nang makita niya si Seulgi na nakatingin sa kanya.

Fuck, napamura siya. Bakit ngayon pa… Umalis na lang kaya siya? Valid naman na naghintay siya ng lagpas fifteen minutes para dun sa tarantadong ka-blind date niya di ba?! She’s over the grace period, pagrarason niya sa sarili.

Tatayo na sana siya nang tumigil naman sa tapat niya si Seulgi, nakatuon ang mga mata nito sa hawak niyang book pati na rin sa rosas sa tabi nito.

“Long time no see,” bati nito, magaan ang boses na tila nanunukso. “I didn’t expect you to be here.”

“Bakit? Sa’yo ba ‘tong lugar? Bawal ba ako dito?”

Lihim na kinagalitan ni Irene ang sarili. Bakit ba pagdating sa babaeng ‘to eh nawawalan siya ng pagpipigil?

Hindi naman nawala ang ngiti ni Seulgi.

“May hinihintay ka?” tanong pa nito. “Mind if I take the seat?”

“May katabi ako,” mabilis niyang sabi sabay dukwang at paghila muli ng upuan mula sa kamay ng kadarating na babae.

“Who? Your date?”

“Paki mo!”

Naupo si Seulgi sa may katabing table. Inis niya itong inirapan. Unfortunately, wala siya magagawa kung dito man nito piliin umupo.

“Well, I doubt it’s a date,” pa-English pa nitong sabi. “Who would ever date someone na mangbubudol.”

“Mangbubudol? Ako?!”

“Yes, I call you Miss Budol.”

Hesusmaryahosep!

Kung wala lang sila sa coffee shop at kung hindi lang siya naka-todo make-up at ayos sa sarili, nakipagwarla na siya sa conyong ito.

“Hoy, ayus-ayusin mo ‘yang sinasabi mo,” nanggagalaiti niyang sabi, “for your information, may ka-date ako. At para masatify ko naman yang pagka-usisera mo, my date is smart, humble, kind, and considerate. Unlike you na – ” tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kausap. Pakshet, bakit naman kasi ang bet niya?!

“Na?” nakaabang na tanong ni Seulgi. Nakangisi pa ‘to sa kanya. Ang lechugas, alam na alam na maganda siya.

“ – na muntangang naka-leather jacket hanggang leeg eh ang init-init kaya!”

Namula si Seulgi sa kanyang sinabi. Lihim niyang kinongratulate ang sarili. Uminom ulit siya ng tubig at umiwas na muli ng tingin dito.

“For someone na may atraso,” sabi ni Seulgi ng tahimik, “you act as if you didn’t do anything wrong.”

Natahimik si Irene.

Hindi naman talaga siya completely siraulo. Talagang kinakain na rin naman siya ng konsensya niya sa nangyari. She’s an advocate against injustices pero heto at nagpapaka-ipokrita siya dahil sa sarili niyang prejudice against sa mga mayayaman.

Sa totoo lang, wala namang kasalanan yung tao.

“I’m sorry,” tahimik niyang bulong.

“What was that?”

Nag-ipon siya ng hangin and masungit na tiningnan si Seulgi.

“Sabi ko sorry,” sabi ni Irene, bahagyang namumula ang pisngi. “I’ll pay half the cost nung repair… Seryoso naman ako dun, nag-iipon lang ako.”

Nakatitig lang naman sa kanya si Seulgi.

Bigla ang pagrigodon ng puso niya.

Para namang natauhan din ito at bigla ang pagbawi ng tingin sa kanya. Maya-maya pa ay tiningnan muli nito ang nasa table niya.

“Pride and Prejudice… then a rose…” nagsisimula na ulit itong ngumisi. “Are you in a blind date?”

Namula na nang tuluyan si Irene. “So what?”

“I didn’t take you to be the romantic type,” straight nitong sagot. “I didn’t expect this from you.”

Nakakunot na ang noo niya na bumaling muli dito. Nalilito siya sa pinagsasabi nito. “Ano ba ‘yang expectations na ‘yan? As if naman kilala mo ko para mag-expect ka sa ‘kin.”

Muli, parang tinititigan siya ni Seulgi ng mas matagal kesa sa kaswal nitong ginagawa dati.

“Well, bukod sa mangbubudol ka, what else is there from Irene Bae?”

Dumating muli ang isa sa mga staff ng coffee shop at tinanong siya para sa order niya. Pangatlong balik na nito sa table. Nawawalan na siya ng pag-asa na sisiputin siya ng date niya.

“Sorry kuya, di ako mag-oorder,” mahina niyang paumanhin dito. “Salamat po sa water kanina.”

Umalis na yung staff at iniwan na muli sila.

Tumayo na siya at pinagpag ang damit.

“Alis na ko,” malamya niyang paalam.

Tumayo na rin naman si Seulgi. Nakita niya ang dala-dala nitong brown bag. Bumili lang ba ito ng cake sa shop? May nilakad ba ito dito sa QC at napadpad ito sa lugar na ‘to? “Where are you going?”

Aba nagtanong pa kung saan siya pupunta.

“Baka dumaan ako office,” sagot niya. Napagod na rin siya magsungit dito. Nakakawalang gana na inindian siya ng ka-date niya. Tangina, masyado siya maganda para maindian lang ng ganun.

“I can drive you there,” offer ni Seulgi. Gulat niyang tiningnan ito.

Nahuli niya ang saglit nitong pagtitig sa kanyang exposed na balikat bago pa ito nahihiyang umiwas ng tingin.

Aba…

Lakas ng alindog ko.

 

 

 

Seulgi

 

Irene proved to be a woman of many layers.

One moment, maayos siya kausap. Then the next, bigla na lang siya mamimilosopo. She will spout sensible ideas about a topic then bigla-bigla siya hihirit ng mga malulutong na mura. Throughout their drive to her office sa Cubao, hindi nawawalan ng opinion si Irene sa mga napag- uusapan nila. And to her amazement, she discovered things about the girl that actually made her see Irene in a new light.

Like how she ended up working in an NGO.

She had a promising career as a staff ng isang prominenteng politician. Irene was ambitious. She knew she had to work with people na halang ang mga kaluluwa (the term she used) to get what she wanted. She was actually good at it until one incident where she met a mother of a dying child, begging the politicians for help. Sabi niya, she already knew it from the start. She knew people were dying. But that particular day, she said she couldn’t take it. Bigla daw siya natauhan. She couldn’t bring herself back again sa offices ng mga taong nagpepretend na may pakialam.

Funnily enough, Irene is not as self-absorbed as she thought the girl is.

She kept asking Seulgi anything na maisipan niya. In between her questions, ilang beses niya rin siyang kinulit about her leather jacket. She’s so adamant about it being too off-putting. Ito daw yung naasiwa sa suot niya.

Seulgi couldn’t take it off.

Besides sa nagda-drive siya, she has another reason.

Underneath the jacket is a low neck-line white satin sleeveless top she wore for the blind date. She was waiting not too far sa shop much earlier than the meeting time nila para tingnan kung sino yung makaka-date niya. She’s hoping to at least see the girl beforehand bago pa siya magpakilala dito.

Then she saw Irene walking down the street na parang rumarampa. Muntik na siya matawa.

It would be funny to find her inside the shop and she ended up the girl she’s supposed to date.

She watched as Irene fished out a book. Nanlaki na ang mata niya when Irene also got a rose sa bag nito.

She couldn’t be.

She debated against herself if magpapakita ba siya dito. Their last meeting was not exactly pleasant. She didn’t like the girl. She probably hated her a bit. But there’s curiosity na di niya maalis sa isip. And the urge to talk to the girl – the urge to get even.

So she decided to show up as herself. Not as Irene’s blind date.

Buti at may jacket siyang naiwan sa backseat niya. It looked good with her overall ensemble pero nanlalagkit na siya sa loob nito. Wearing a black leather jacket under high heat and humidity is definitely not something she’ll do in the future.

“Pakiliko mo na lang d’yan sa kanto,” sabi ni Irene.

They’re somewhere in Aurora boulevard. Malapit na sila sa likod ng Araneta.

“Malapit na office mo?” asked Seulgi, looking around the area.

“Uhm, hindi pa. Pero maglakad na lang ako from here.”

Seulgi glanced at her. “I can drop you off mismo sa tapat if you like.”

Ngumiti sa kanya si Irene na tila ba nahihiya. Then it changed into something mischievous. “Naku malalaman mo kung saan mo ko huhuntingin. Okay lang na dito na talaga. May dadaanan pa rin naman ako sa market.”

Di na nagpilit pa si Seulgi. She always considers what people say they want. Nakakita naman siya ng bakanteng space sa tabi ng daan at doon ay tumigil.

“It’s too bad your date didn’t show up,” Seulgi said after a short silence between the two of them. “You look good today.”

Irene blushed pero mabilis din ito nakabawi. “Kawalan niya. Naku lang,” she snorted. Then she turned to Seulgi, her voice softer when she started speaking again, “Thanks pala today. And – and hintayin mo lang yung availability nung funds ko and I’ll make sure to pay you para dun sa aksidente…”

Seulgi smiled. “Sure, no problem.”

Bigla ang pagsimangot kunyari ni Irene. “Ay akala ko naman di mo na ko sisingilin. O siya, salamat na lang sa paghatid.”

Seulgi opened the car window nang makalabas na ng sasakyan ang kasama. Pumasok ang masangsang na amoy na nanggagaling sa lugar.

“I’m glad your date didn’t show up,” sabi niya kay Irene.

“Ha?”

“I said, it’s nice to finally get to know you,” she shouted louder.

Irene laughed. Nakatakip ang kamay nito sa ilong. “Mabaho dito! Di kakayanin ng air freshener mo ‘yan mamaya!”

Tumawa na si Seulgi. Of all the things the girl can say to her, talagang yung amoy pa ang pinagdiskitahan nito.

Irene gave her a knowing look afterwards.

“If I know, baka ikaw talaga yung ka-blind date ko tapos tinatago mo lang yung shirt mo diyan sa jacket mo.”

Seulgi stopped and held her breath nervously as she tried to look as casual as she can.

Agad namang ngumiti si Irene. “Pero malabong ikaw ‘yun,” dagdag nito. “Ang weird lang isipin ha ha. I’m sure walang kilala si Wendy na tulad mo.”

“Who?”

“Yung friend ko kako.”

“What’s wrong with someone like me?” asked Seulgi.

Irene shrugged. “Ewan ko,” she answered. Nanlaki bigla ang mata nito. “Hoy, kung mag- uusap lang din naman pala tayo, e di sana di muna ako bumaba. Alis na ‘ko.”

“Okay, see you later,” called Seulgi as she rolled the window up. She passed Irene who gave a little wave at her.

She smiled at herself. She’ll have to talk to Joy soon.

 

 

 

It’s been over a week before she tried messaging Irene.

Hindi rin kasi alam ni Seulgi where to start the conversation. Parang naiimagine niya na agad ang mga pambabara sa kanya ng babae if she tries too hard or act too familiar towards her.

Last night, she sent a message to Irene.

Hey Miss Budol, I hope di mo pa rin binubura number ko.

It didn’t take long at nakareceive naman agad siya ng message from Irene. Just her reply made Seulgi laughed hard.

 


El0w p0wz, wr0ng numb3r p0wz kau.

 


Hindi na namalayan ni Seulgi that they’ve been messaging each other well into the night. Nakita na lang niya ang oras nang maaninag ang nagbiblink na numbers sa alarm clock niya beside her bed. It was already three in the morning.

“What are you smiling about?” curious na tanong ni Joy.

They’re out in Greenbelt taking a really long lunch. Hindi naman masyado busy sa office and Seulgi needed fresh air or else makakatulog na siya sa desk niya.

Again, simula pa lang ng araw niya kanina is kausap niya na ulit si Irene. It felt like they have so much to say to each other and to be honest, Irene’s the only reason na gising pa rin siya until now. Every time her phone vibrates, she felt the excitement knowing the message is from the girl.

She looked dead nang magpakita siya sa office. Dark circles around her eyes and not fully made up, far from how she always dresses herself. There are chatters behind her and maybe most of them assumed that she’s getting stressed sa nalalapit na pagdating ni Krystal sa office. Less than a month na lang.

“Mukha kang tanga,” pakli ni Joy, reverting to her taklesang attitude. Kay Seulgi lang naman siya nagpapakita ng ganitong ugali. “Di ko alam kung masaya ka ba or pagod or what.”

“I’m all of the above,” said Seulgi, yawning openly. She doesn’t even have the energy to cover her mouth. “I’m so sleepy, Joy.”

“Hindi ka ba natulog?”

Umiling siya. “I only had an hour sleep.”

“And I suppose yung reason niyan eh yang ka-text mo nonstop since this morning?” She smiled sheepishly. “Maybe.”

“Kang Seulgi! Give me the deets!”

“I’ll tell you in time.”

“Ang arte mo!”

Nakahalumbaba si Seulgi na humarap sa bestfriend. “I seriously don’t know yet what this is. But I’ll tell you kapag sure na ako.”

 

 

 

Irene:   Sabi na eh, alam kong graduate ka ng private school. St. Benilde ka pala. Bakit di ka na lang nag La Salle at tinodo mo na pag-aaksaya mo ng pera ng parents mo hahaha

Seulgi:   I want an easy life nung nagcollege ako. I’ve had enough when I attended a science high school and ayoko na mastress. I passed the UPCAT pero it’s not just for me. You look like pinanganak ka for UP hehe

Irene:   Di ko alam kung maflatter ba ako jan. Of course, competitive kaya ako! Also, from science high school ka rin pala. Kisay ako, ikaw?

Seulgi:   Makati Science.

Irene:   Ah, taga-Makati ba kayo? Ay sorry naman, di ko inaalam address mo ha. May choice ka naman di sagutin.

Seulgi:   We live sa Antipolo. Sa Valley View. It’s okay lang naman if we share some info about each other. No specifics na lang.

Irene:   Kakasabi mo lang sa ‘kin nung address mo tas walang specifics hahaha. Baliw ka rin. Madali na sa ‘kin ipatokhang ka

Seulgi:   Ipatokhang?! I’m not a druggie. LOL

Irene:   Malay ko ba. Lifestyle ninyo pa naman mga casual users haha joke lang. Nu ka ba, mema lang ako minsan. Anyway, bakit ka naman napunta sa Makati Science?

Seulgi:   My dad works there. Back to you, what’s your major sa UP ulit?

Irene:   Philosophy, yaaas.

Seulgi:   Ah kaya pala pilosopo ka hehe. Why did you take that course?

Irene:   Ewan ko rin nga eh. Pero kasi ganito yon. To easily pass UP, naglista lang ako ng hindi quota courses. Pero ayun, nagustuhan ko naman siya at tinamad na rin ako magshift. Then, inisip kong mag-law na lang after. O di ba. Pero nagbago isip ko nung gumraduate ako kasi nga nagkawork na ako agad.

Seulgi:   Do you still want to pursue law?

Irene:   Tarayyy pursue. Hahahaha. Well… maybe? Pero busy na kasi ako sa ginagawa ko ngayon. Iniisip ko lang kung mas magiging effective ako sa trabaho ko had I been a lawyer. Andaming bullshit sa Pinas baka kelangan ko rin talaga siguro ng degree sa abogasya for future use. Makakapatay na ko ng tao minsan eh sa inis

 

 

 

Two weeks.

Two weeks na silang nag-uusap ni Irene through messages.

She’s talked to Irene more than anyone in recent months. Sometimes, they talk about politics. Sometimes, they talk about movies they like. Sometimes, they argue. Sometimes, they just rant about something that happened at work.

Two nights ago, things got a bit personal.

Seulgi started talking about her childhood. Her family left Cebu when she was little and they settled sa Antipolo. Up until this day, she hasn’t met her other relatives sa Visayas. Her parents are both lawyers and they’re always away from home for most of her childhood. She learned to be self- sufficient and rarely indulged herself to material things. She became aloof and stoic towards strangers but she knows to be courteous. Unlike popular opinions about her, she’s not an extrovert but instead prefer the retreat and privacy of her place in Makati.

 


Irene:   I’m sorry for being one of those na jinajudge ka agad from the way you dress or carry yourself. Alam ko naman na matino kang tao since nung naaksidente tayo. You should be proud sa naachieve mo ngayon. Wow ha, serious talk hahaha. Pero ayun, you’re a nice person, Seul.

 


Ilang ulit nang binasa ni Seulgi ang last message ni Irene. After that conversation, she knew they’ve stepped into a deeper territory. Hindi na ulit sila nag-usap afterwards.

 

 

 

Two days pa lang ang lumilipas and Seulgi can feel na namimiss niya nang kausap si Irene.

Its rare for her to feel this way.

“Joy, this is the only time I’m asking you a favor,” begged Seulgi. After putting much thought into it, she knew what she had to do and arranging another blind date with Irene is definitely something she can work with.

“Ano naman yang naisipan mo?! My God, Seul! Grabe yung paghingi ko ng sorry dun sa kababata ko nung sinabi niya sa akin na di mo sinipot yung friend niya. Tapos ngayon hihingi ka ulit ng date? What about that textmate of yours?”

Maybe its time to let Joy in sa story nila ni Irene.

After telling her the shortened versions of the blind date, the drive to Cubao, the late-night messages, and her plans ahead, Joy stared at her, studying her face.

“Sure ka na ba?”

She nodded. “Maybe I just need this one more time with her.”

Huminga ng malalim ang bestfriend niya. “You guys are too different,” sabi pa nito, still doubtful sa pinaplano niya. Joy narrowed her eyes and added, “Sure kang di scammer ‘yan ha.”

Seulgi chuckled. Irene is definitely qualified to be a scammer. She’s Miss Budol after all. But at this point, she can be scammed again for all she cares as long as she gets the chance to spend time with the girl.

At least one more time.

 

 

 

Irene

 

Kakasagot niya lang kay Wendy nung isang araw about sa second blind date na nasabi nito sa kanya. Nag-aalangan pa nga daw itong sabihin sa kanya yung paghingi ng isa pang chance nung nang-indian sa kanya. Alam ni Wendy na isang linggo niya rin itong minumura kapag nababanggit yung nangyari sa fail niyang pakikipagkita dito. Nagpadala pa ng white roses at pinaabot sa kaibigan niya as an apology. Lakas naman ng apog nun. Mahigit isang buwan na ang lumilipas at ngayon ay bigla ulit magpaparamdam.

Pero alam ni Irene.

Kaya laking pagtataka rin ni Wanda nang tanggapin niya ang second blind date. Lingid sa kaalamanan nito, kilala na ni Irene ang gaga.

Kang Seulgi.

Matapos yung first blind date, umandar na ang pagiging imbestigador ni Irene. Kahit puro pagbabanta ang pinagsasabi niya about dun sa di sumipot na ka-date, seryoso siya na gusto niya ito kilalanin at malaman kung may sira ba ito sa ulo at pinalagpas ang isang tulad niya. Kinonsensya niya si Wendy na ibigay nito ang details nung friend nito.

Park Sooyoung. Sa Makati nagwowork.

Madali lang mahanap ang hitad. Party girl ang bruha at marami itong social media accounts. May instagram, facebook, at twitter. Naka-private ang FB at Twitter accounts niya pero marami siyang posts sa Insta.

Puro aso lang yata nakita niya sa mga recent posts. That at magugulong shots sa kung ano- anong bars na pinupuntahan nito. Mag-give up na sana siya nang masulyapan ang isang post nito.

Ay puta!

Sabi na eh!

Kahit malabo yung larawan, hindi niya makakalimutan ang singkit na mga mata, hugis ng mga labi, at balingkinitang katawan ng babaeng katabi ng kaibigan ni Wendy.

Huli ka balbon!

Matagal nang alam ni Irene na si Seulgi ang ka-blind date niya talaga that day. At kahit pa nga nagsimula na silang mag-usap, hindi niya binanggit dito ang alam niya. Somehow, nag-eenjoy siyang kausap ito. Tuwing naiisip niya ang ginawang pang-aasar ni Seulgi nun sa coffee shop, namumuo sa utak niya ang kagustuhan na gumanti. Hindi dahil inis pa rin siya dito, pero surprisingly natutuwa siya sa nangyayari sa kanila.

Ano nga ba silang dalawa?

Hindi tumigil si Irene sa pagsasaliksik about sa babaeng gabi-gabi niya na rin namang kausap. Narating na niya pati company profiles, public photos na naka-publish sa official websites nila, socmed accounts ng friend ng friend ng friend ng friend nito… Nung isang araw, nakita na niya ang larawan ng dating girlfriend ni Seulgi mula sa isang released magazine article.

May caption lang. Last year na-publish. Krystal Jung – new director of marketing. Taray.

Ganito pala mga type niya, naisip niya na lang.

Hindi rin alam ni Irene kung bakit minabuti na lang niya na hayaan na lang na kaswal ang mga usapan nila ni Seulgi. Para naman kasi silang ewan. Ayaw niya din magbigay ng ibang kulay sa inaasta sa kanya nung isa. Kaya nung bigla itong magkwento ng something personal sa buhay nito, kinabahan siya.

Ayaw niya mag-assume.

Naging tahimik bigla silang dalawa. At kahapon nga, aba, nilapitan siya ni Wanda dala-dala ang magandang balita. Willing na siya patawarin si Kang Seulgi sa ginawa nitong kagaguhan nung first blind date nila eh. Ayun na – magpapakamature na siya at kakalimutan na lang ang lahat. Pero heto si gaga at mukhang gusto na naman yata siyang asarin.

Lintek lang ang walang ganti!

Sorry, Kang Seulgi. Hindi uubra pagiging cute mo sa isang Irene Bae. Pinipigil na lang ni Irene ang sarili na matawa habang sinasabi kay Wendy ang mga requirements niya for the second date.

Pupulutin ka sa kangkungan, excited niya pang naisip.

 

 

 

Nakaupo si Irene sa isang coffee shop at maaliwalas ang mukha na pinagmamasdan ang mga maliliit na succulents na nakapaligid sa kanya. Tiningnan niya ang oras sa malaking orasan malapit sa counter.

Alas dos na ng hapon.

Bumukas ang pinto at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa papalapit na babae. “Anong nakain mo at masaya ka,” natatawang tanong sa kanya ni Wendy.

“Wala naman,” pa-sweet niyang sabi. “Okay talaga dito sa Tagaytay noh. Malamig ang hangin, maganda yung view…”

Kunot-noo pa rin ang kaibigan niya na tinitingnan siya nito na parang siya luka-luka. “Hoy Irene, nakakatakot itsura mo. Para kang psycho.”

“Bwisit ka!” irap niya dito. Tiningnan niya ang kanyang phone. “Anong date ulit ngayon,

Wendy?”

“Ha? It’s the fif – ” natigilan ito at nandilat ang mata. “Hoy! Di ba ngayon yung date mo dun sa – hooooyyyy! Grabe ka! Ito ba pinaplano mo?!”

Tumawa lang ng malakas si Irene. Mabilis ang pagtype niya sa phone.

 


Irene:   Musta lakad mo?

 


Kagabi, saglit silang nag-usap ni Seulgi. Kamustahan lang naman. Nagpapakiramdaman. Nasabi nito na may lakad ito ngayong araw. Nagsabi din siya na may pupuntahan siya.

Saan nga niya ulit pinapunta si Seulgi?

Di niya sinabi exactly kung saang coffee shop yung kitaan nila. Willing si gaga mag-adjust dahil nga daw ‘nang indian’ ito the first time. So pinadirekta niya ‘to sa kapihan sa may Krus na Ligas. Nagtataka lang naman si Wendy sa kanya dahil masyado daw patapon ung venue. Pinasabi niya rin na magsuot ito ng all white para makilala niya agad.

Kinuhanan niya ng picture ang coffee niya na backdrop ang taal volcano.

Send.

Maya-maya pa ay nagreply na si Seulgi sa kanya.

HAHAHAHAHAHA OHMYGOD

Humahagalpak na sa tawa si Irene nang mareceive mula dito ang larawan ng kape na may katabing 3-in-1 na pakete.

 


Seulgi:   This is not bad though. Are you enjoying Tagaytay?

 


Napangiti siya. Bakit bigla siyang kinikilig?

 


Irene:   Yes hahaha eh ikaw? Okay ba view jan?

 


Received image.

Nakita niya sa larawan ang isang manong na nakaupo at nakataas ang paa sa may silya. Makikita na halos ang precious jewels ni koya sa luwag ng shorts nito.

Shemay, tawang-tawa si Irene pero at the same time kinikilig siya. May sira na nga yata talaga siya sa ulo. Kelan pa siya kinilig sa kulubot na ano –

 


Seulgi: Not as good as yours but definitely entertaining hehe. I hope you’re enjoying your date, Irene.

 


“Luka-luka ka na talaga,” pansin ni Wendy na walang kamalay-malay sa nangyayaring kalandian niya.

Kinagat niya ang kanyang labi.

 


Irene:   Ikaw din. Sana naeenjoy mo rin.

 

 

 

Seulgi

 

It’s definitely a first for her.

At sa totoo lang, it was the best date she’s had in a long while even though they are technically miles apart.

At the end of their almost two hours na kulitan, pumayag na rin naman si Irene to do a short videocall with her. She even got introduced kay Wendy na gulat na gulat at naaawa nang makita kung nasaan siya. Seulgi jokingly added na baka pagtripan siya ng mga tambay and asked for Irene’s address in case kailanganin niya ng malapit na matataguan.

Tumatawa pa si Irene na mabilis namang binigay ang kanyang address.

She had to ask Irene if it’s a real place. Narinig niya pa ang malakas na tawa ni Wendy not too far. May trust issue na daw si Seulgi dahil sa kashungahan ng kaibigan.

Irene repeatedly told her it’s legit. They ended the call and with that, their virtual date is over.

Or so Irene thought.

 

 

 

Nakatayo siya sa harap ng mababang gate sa tapat ng isang townhouse sa may Tandang Sora nang magring ang phone niya.

“Where are you, biatch?” Joy asked, without so much of a hello.

“Tandang Sora,” she simply answered.

“Anong ginagawa mo diyan?”

“I’m at Irene’s house,” sabi niya.

“Oooohhh,” Joy sounded excited. “So, the date went well, huh?”

“I guess so,” naka-smile niyang sagot.

Her phone beeped.

 


Irene:   Hoy sira, anong sinasabi mong on your way ka sa bahay???

 


Seulgi could see silhouettes behind the closed windows ng bahay sa harap niya. She messaged Irene earlier na pupuntahan niya ito.

It’s already nine in the evening.

 


Seulgi:   I’m here at your door.

 


“Joy, sorry but balitaan na lang kita later,” paalam niya. She pocketed her phone nang makita niya ang front door na bumukas.

Irene walked towards her, arms folded against her chest na nanliliit ang mga mata as the girl tries to see her clearly against the dim light of a lamp post nearby.

Then she heard the familiar crisp laughter from the girl.

That alone is worth the effort of her being here.

Nakalapit na si Irene pero hindi pa nito binubuksan ang gate. She gave her a once-over at nangingiti sa all white niyang suot.

“Dun po sa intersection yung simbahan ng samahan,” Irene jested, snickering uncontrollably.

Seulgi laughed.

Goodness, this woman. Until the very end, di niya mahulaan ang lalabas sa bibig nito.

“So,” Irene continued in a more serious tone, “anong ginagawa mo dito?”

Seulgi showed what’s on her other hand.

Pride and Prejudice.

A single-stemmed white rose clipped between the pages of the book.

Irene stared at it then turned to her.

Its hard to see what the other girl is thinking.

“Well,” simula ni Seulgi, “I’m just wondering if – if you’d like to go on another date with me. This time, yung magkasama na talaga tayong dalawa.”

She saw Irene smiled.

Binuksan na nito ang gate at nakangiti pa rin na hinila na siya papasok.

“’Lika na,” yaya nito sa kanya. “Pakilala na kita sa parents ko.”

Natawa na si Seulgi na inabot ang kamay nito.

They walked hand in hand patungo sa nakaabang na bukas na pintuan.

“Tamang-tama, I can show them the receipt of the repair dun sa car ko,” she grinned.

Hinampas siya ni Irene.

The two of them giggled. She squeezed Irene’s hand.

Umirap ito sa kanya. “Subukan mo lang!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

7 thoughts on “One-Up

  1. yuri_jessica says:

    Ang benta sobra ng character ni irene laughtrip HAHAHAHAHA

  2. Bethan113 says:

    Ang cute ng story na to. Kilig much. Ang funny ng character ni Irene and seulgi

  3. seulrenator says:

    i loooove seulgi’s character bahahaha kilig so much

  4. sectofpenguins says:

    Bagay na bagay silang dalawa. Enjoy na enjoy ni seulgi mga trip ni irene.
    Yung breakup ng dahil sa Hogwarts houses, masyadong intense nga.

  5. Is_alech says:

    Na miss ko po basahin ung mga stories nyu otor, thank you po ng marami sa pag approve sa registration ko! Nabasa ko na tong story na to before sa aff pero hindi pa rin po nakakasawa na basahin ulit ulit

  6. winterlittlestar says:

    Grabe yung inis ko sa character ni Irene sa simula, saktong may dalaw pa ako kaya inis na inis ako sa start HAHAHAHHAHAH

  7. loveyu says:

    huhu cuties ❤️ bet na bet ko talaga mga lukaret na irene

Leave a Reply