Sterling Notebook: Bawal Basahin!

 

Dear Sterling, 

  

Ang busy na sa bahay. Malapit na yung grand opening ng restaurant at nakaabang na rin yung mga suki nila Mama. Marami silang tanong tungkol sa bagong look ng paborito nilang kainan  Pwede pa rin ba ang nakatsinelas lang sa loob? May libre pa rin bang sabaw? Si Lola Teklay pa rin ba ang main cook?

Legitimate concerns naman talaga yung mga naririnig kong tinatanong nila kina lola tuwing napapadaan sila sa tapat ng bahay. Siyempre, iba na yung outer appearance ng restaurant. Sosyal na yung layout at de-aircon na sa loob. May kumakalat pang balita na may uniform na rin daw ang mga staff. Feeling ko si Ate Bennette lang yung nagpakalat ng chismis na yun since matagal na niyang gusto na may uniform sila. Yung labas pusod.  

Iisa lang ang sagot nila Mama tungkol sa napipintong pagbubukas ng restaurant ito pa rin naman ang dati nilang kainan, better interior at better service lang. New look, same old feels. O di ba! 

Kagabi, dumaan si Ate Yuri sa bahay. Tinulungan niya kasi si Mama sa pag-aayos ng mga financial documents at pag-apply ng business permit. Nakuwento niya na approved na ang visa niya to work abroad. Pumayag na din si Ate Yoona sa gagawin niya kahit pa nga matagal din silang hindi naging okay dahil sa pag-alis niya. Alam ko namang nagcommit na ako sa sarili kong hindi ako pupunta ng ibang bansa para sa trabaho. Lalo na ngayon. Pero sabi nga ni Ate Yuri, wala rin naman siyang plano dati mag-ibang bansa. But circumstances changed. Nag-iiba ang pangangailangan ng mga tao habang lumilipas ang panahon.  

Aalis na siya sa March. Nagpasa na daw siya ng resignation letter sa company nila. Sa California siya magtatrabaho. May malayong kamag-anak sila dun na pwede niyang tuluyan habang nag-aadjust pa siya sa bagong buhay niya sa Amerika. Nagsabi si Ate Taeyeon na pupuntahan siya once settled na siya. Mas madali siguro magtravel between Canada and US.  

Maiiwan si Ate Yoona. They’d try LDR. Kahit pa nga pareho silang mahihirapan sa set-up. It’d be years bago pa ulit makabalik si Ate Yuri sa Pinas. At hindi rin naman sigurado kung kailan makakapunta si Ate Yoona sa US. 

Si Ate Taeyeon Ang sabi niya, permanent migration na talaga ang inaasikaso niya sa Canada. Sinabihan pa niya ako kung gusto kong bumisita, para mafeel kung paano sa ibang bansa. Masaya ako kung nasaan ako ngayon. Kahit pa sabihin nilang short-sighted ang mga plano ko. I could only plan with what I have right now. Lahat naman ng kailangan ko, nandito. Kung hindi man agad ako makahanap ng work, tutulong na lang ako sa restaurant. Sabi ni Lola Teklay, baka mas gumaling pa ako sa pagluluto kesa kay Ate Taeyeon.  

Pwede rin namang housewife na lang ako. Tanungin ko nga si baby. Okay lang kaya sa kanya? Yes, family planning lang ang peg! Nagmodel pa ako ng naka-apron para sa malaking tarp na nilagay nila Mama sa harap ng restaurant for the grand opening. Kim’s Kitchen. 

Ang gondo ko lang. Hindi ko pinakita kay Karina kasi baka kung ano pa ipagawa niya sa ‘kin. Excited na akong magbukas ulit ang eatery. Nakaka-miss din pala ang ingay sa bahay. 

  

P.S.        Nakakbadtrip yung mga tambay na kinukuhanan ng picture yung tarp sa harap ng gate. Ikakalat daw nilang jowa nila yung model. Ang lakas pa ng loob manghingi ng picture sa ‘kin! 

 

P.P.S.     Sabi ni Ning kamukha ko daw si Cristine Reyes sa picture ko. Isa pa siya! 

 

 

 

Hindi nakakaganda ng mood yung pagba-browse na ginawa ko kanina sa jeep tungkol kay Cristine Reyes. Seryoso? Hindi ko naman nakikitang kamukha ko siya. Kabadtrip talaga si Ning! Buti na lang, ang lambing ni baby sa text kaya medyo nawala ang sama ng loob ko. Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa mga tambay sa lugar namin.                

She agreed with them – masyado daw akong cute that everyone would like me to be their girlfriend. Too bad for them sabi nya, taken na ako. 

               

(7:45am, Thu) Winter:     okay baby, sabi mo e! 

(7:46am, Thu) Bibi Ko:     Taken by me mwaaah 

(7:47am, Thu) Winter:      hehe sino pa ba? nagdala pala ako ng food ngayon  madaming niluto si Lola Teklay. Sample daw ng dishes para sa grand opening 

(7:48am, Thu) Bibi Ko:      Can you leave some for me? I have to continue my paper, so I’ll skip lunch mamaya 

(7:50am, Thu) Winter:       hindi mo natapos kagabi?  

                                               sige baby, dalhin ko sa room nyo after ng lunch namin  

(7:55am, Thu) Bibi Ko:       Thanks babe! 

                                                I’ll fix myself na. I don’t want to leave my bed  

                                                I miss cuddling with you… 

 (7:57am, Thu) Winter:      cuddle cuddle hehe 

                                                miss na din kita baby ko 

                                                we can hug mamaya   

(7:59am, Thu) Bibi Ko:      And kiss? 

(8:00am, Thu) Winter:       kala ko cuddle lang yung miss mo 

(8:00am, Thu) Bibi Ko:       We cuddle and kiss  >.< 

(8:01am, Thu) Winter:         opo, kiss and cuddle na baby 

(8:03am, Thu) Bibi Ko:         I really have to shower na 

                                                   See you later babe :3 

                                                   Love you! 

(8:05am, Thu) Winter:           i love you too! 

                                                   ingat ka mamaya 

                                 

Ang ganda ko lang talaga! Pagpasok ko sa classroom, hindi pa rin nawawala ang pagkatamis-tamis kong ngiti kahit nakakawalang gana yung ganting pagngisi ni Ryujin sa ‘kin.

“Maganda ata gising mo,” bati niya. “Anong meron?”                

“Wala,” mapakla kong sagot. Kabisado ko na si Ryujin. Sa dalawang semester na magkaklase kami, alam na alam ko kapag may kailangan siya sa ‘kin.                

“Winter,” tawag niya, nagkakamot ng ulo. “Pwede malaking favor?”                

“Hindi pwede.”                

“Wala pa nga ako sinasabi eh.”                

Tiningnan ko siya. May malaki siyang binder na dala. May isang folder din na umaapaw ng campaign flyers at sa chair niya may isang bundle ng baller bands. Color bule lahat ang gamit niya. Yun kasi ang official color ng partido nila. “Ano ba yun?”                

Ngumiti si Ryujin at inabot sa ‘kin yung folder. “Pahawak naman,” she asked. Ah eto lang pala. Binuklat ko ang folder. Bumungad sa ‘kin ang nakangiting picture ni Chaehyun.                 

“Gusto sana kitang maging campaign manager namin.”                 

Mabilis akong napaangat ng tingin. Naglanding ang mata ko sa bakanteng upuan ni Chaewon. “Si Chaewon?” nalilitong tanong ko.                 

“Baka nasa meeting pa. Pero ayun nga,” pinatong ni Ryujin yung hawak na binder sa dala kong folder, “kulang kasi sila sa team kaya doble kayod si Chaewon sa mga ginagawa nila para sa pangangampanya. Naisip kong tanungin ka since wala ka namang affiliation when it comes to student political parties.”                

Nagsalubong ang kilay ko. “There’s a reason ba’t hindi ako affiliated,” sabi ko sa kanya, “kasi ayoko ng mga ganito.”                

Ngumiwi si Ryujin at tumango. “Yun nga… Pero kasi madali sana kung ikaw yung kasama ni Chaewon. Kailangan niya ng tutulong sa kanya sa pag-aayos ng mga venue at pagcoordinate sa mga profs for the class-to-class campaigns na gagawin namin. Nahihirapan na kasi siya.”                

Nagpaawa pa si Ryujin sa ‘kin habang inaalis sa bag yung mga naka-plastic na printouts ng poster niya. “Pero sige, sabihan ko na lang si Chaewon na ayaw –”                

“Sorry late ako,” bati naman ni Chaewon na bigla-bigla na lang sumusulpot sa classroom nowadays. Napatingin siya sa hawak kong mga materials. “Oh, nasabi na sa’yo ni Ryujin?” excited niyang bulalas, medyo hinihingal pa siya.                

“Chae, pass daw –”                

“Ano bang tulong kailangan mo?” pagputol ko kay Ryujin na pinanlakihan ko ng mata. Naaawa na ako sa kaitsurahan ni Chaewon tuwing umaga. Para kasing ang dami nang nangyari sa araw niya samantalang ninanamnam ko pa lang yung agahan ko kanina at nag-iisip ng mga gagawin sa susunod na oras.              

Lumiwanag ang mukha ni Chaewon na tuloy-tuloy na sa pag-explain ng magiging role ko if ever tanggapin ko ang inaalok nilang responsibilities sa ‘kin. Bilang isang campaign assistant, my main tasks would be: 

  1. Magdikit ng posters sa boards at mag-abot sa clubs ng mga election materials. Bawal magdikit sa puno, sa kumbento, at sa mga pader around campus. 
  2. Magdraft at magsubmit ng permits sa faculty office para sa classroom campaigns. 
  3. Magphotocopy at mag-organize ng mga campagin supplies.
  4. Magreply sa mga inquiries tungkol sa party platforms at general information.
  5. Mamigay ng flyers sa free time sa mga common areas tulad ng cafeteria, gym, o kaya sa library.
  6. Magshare ng posts online – tag party and send invites tungkol sa campaign schedule.           

Hindi ako kumportable makipag-interact sa ibang estudyante. Para sa ‘kin, ang awkward lang isipin na bigla na lang ako mamamansin dahil nangangampanya ako sa darating na eleksyon.         

“Hindi mo naman kailangan gawin lahat,” maagap na sabi ni Chaewon nang makita ang alinlangan sa mukha ko. “I just need someone to help me mostly with organizing permits and coordinate stuff sa mga clubs. May mga gumagawa na naman ng iba.”         

Mabilis ang pagtango ni Ryujin sa tabi niya. Kung si Ryujin lang ang humihingi ng pabor, baka hindi ako pumayag. I knew her capabilities at sure akong hindi lang ako ang option niya. Pero si Chaewon… Siguro kasi lagi siyang tumutulong sa ‘kin dati nung nag-aayos pa ako ng transfer sa Business Ad kaya I felt the need to return the favor at tumulong ngayon sa kanya. Hindi naman malaking pabor ang hinihingi niya at kita ko naman ang pagkabusy niya lately. As long as hindi ako kakausap sa ibang estudyante, I guess kaya ko.         

“S-Sige,” I finally said, nagdadalawang isip pa rin about the whole thing. Excited na niyakap ako ni Chaewon. “Thanks, Winter!”         

“Ang lakas ko talaga sa’yo,” dagdag pa ni Ryujin na akmang ibibigay sa ‘kin yung ballers. Iniwas ko ang sarili sa kanya.

“Hindi ako taga buhat ng gamit mo!”         

“Gusto mo ba?” alok niya, pinakita yung suot niya. “Shin Ryuin Loves You. O di ba?” Proud niyang sabi. May heart pa dun sa design ng band.         

“Yuck! Sino naman nakaisip niyan?” masungit kong pansin. “Ano naman kaya yung Shin Ryujin Loves You… Makakatulong ba ‘yan sa pag-aaral?!”         

“Grabe ka,” natatawang sabi ni Ryujin. Tiningnan niya yung isang malaking plastic sa ilalim ng armchair niya. Puno din ‘to ng ballers. “Bigay mo kina Ning at Karina… Baka matripan nila.”         

Nakita kong may ilang kaklase na kami na may suot ng baller ni Ryujin. Even si Chaewon.         

“Pwede sumama ka na agad sa classroom campaign this lunch?” tanong ni Chaewon. “Hindi kasi pwede yung isa. Ako lang yung free to facilitate… You don’t have to speak or anything.”         

Hay buhay. Okay, mabuti sigurong magtry muna ako and see if this would be something na kaya kong gawin. “Sige, pwede naman.”         

Nagfocus na lang ako for the next three hours sa class kahit na inaasar ako ni Ryujin tuwing pinipilit niya akong suotin yung baller niya. Nagmessage ako kay Ning na tutulong ako sa campaign para sa partido nila Ryujin kaya hindi ko siya masasabayan ng lunch. Nagvolunteer naman si shunga na sumama. Moral support daw. Nag-alok pa na pwede daw siyang pang intermission number. Tuwang-tuwa sila ni Ryujin na may dala akong shanghai for lunch. Sakto daw sa gagawin namin. Ang saya lang nila samantalang ako nagsisimula nang magworry sa mangyayari mamaya. Inisip ko na lang na taga-abot lang naman ako ng mga flyers. Hindi na lang ako titingin sa mga students. Tama. I’d just do my job. 

 

 

   

(11:35am, Thu) Chaewon:   Winter! Sunod ako sa may Cecilia. May hold-up lang dito sa FC. 

(11:36am, Thu) Winter:         anong gagawin ko??? 

(11:36am, Thu) Chaewon:     We have a 15-min campaign sa Room 121 @ 11:45 . Nagbago ng sequence pero alam na yan ng mga candidates 

                                                    Dun na magkikita-kita. 

                                                      Can you take-over until makarating ako? 

(11:37am, Thu) Winter:                ha? seryoso? 

(11:38am, Thu) Chaewon:         Sorry talaga. Ang tagal kasi ng prof na ‘to pumirma. Ang dami niyang tanong. Akala ko kukunin ko na lang yung papers 

                                                      Ito kasi dapat ang pupuntahan natin ngayon. Buti na lang available na yung sa class nila Chaehyun at okay na permit natin dun. Please Winter. Thank you! 

      

Ano ba yan… Kakapayag ko lang kanina tumulong tapos isasabak na nila agad ako. Wala na bang iba? Hinanap ko si Ryujin na mukhang nawala na agad sa classroom at dumiretso na siguro dun sa venue. Wait. Room 121. Kina baby na classroom ‘to. Lalo tuloy akong kinabahan. 

  

Ningtot:           Bes anu na? saan ba pupunta? 

  

Hanep ‘tong si Ning. Parang siya pa yung mas excited sa gagawin namin. 

  

Winturrr:             dyan sa bldg nyo yung campain 

                             sa room nila Karina 

Ningtot:               keri! Sige omw na ko. 

                             sure bang ayaw nyo ng song and dance performance? 

                             Pwede tayo bes! 

Winturrr:             ewan ko sayo 

                             wala pa si Chaewon 

                             kita na lang tayo 

             

Nakahilera na sa corridor yung mga asulan na members ng party na naghihintay na lang sa ‘kin para mag-excuse sa klase. Nagpalit pa pala sila ng damit. Nakasuot ng baby blue polo si Ryujin. Nagthumbs up siya sa ‘kin nang makita na kaming dalawa ni Ning na naglalakad palapit sa kanila.                

“Ready na kami,” she said.                

“Pwede bang ikaw na lang kumausap sa prof?” bulong ko sa kanya.                

Ngumiti lang siya. “Kaya mo ‘yan. Ako yung main event kaya sa huli ako magsasalita.”                

“Di kita iboto dyan e,” asar kong bulong na tumalikod na at nag-ipon ng lakas ng loob.                

May one minute pa. Baka naman dumating na si Chaewon, umaasa kong naisip habang tinitingnan ang labas ng building. May tinext naman sa ‘kin na spiel si Chaewon para sabihin sa prof. Binigay ko kay Ning yung ballers at flyers na ipamimigay. Nakita kong suot na niya agad yung kay Ryujin. Kinuha niya na din yung lunchbox sa bag ko.                

Sumilip ako sa room. Naglanding agad ang mga mata ko kay Karina. She was seated at the back row near the window on the other side. Busy siya makipagdaldalan kay Chaehyun na katabi niya. The girl pointed at my direction. Napalingon sa ‘kin ang girlfriend ko who immediately smiled. Napatingin siya sa mga kasama ko at nagtataka ang mga mata na bumalik ang tingin sa ‘kin. Hindi ko pa nasabi sa kanya na naging instant campaign manager ako nila Ryujin.               

 “Can I help you?” tanong ng prof nila na tumigil sa discussion nang makita akong nakadungaw sa may pinto.                

“H-Hello po,” kinakabahan kong bati. “Uhm, we’re from the Progressive Party and – and we’re here to introduce our party to your students, Sir…”                

Jusko.

Naramdaman ko na may umakbay sa ‘kin. Parang nabunutan ako ng tinik nang makita ko si Chaewon na nakangiti.                

“Hi Sir! Pwede na po kaming magsimula?” masigla niyang pagpapatuloy.                

Mabilis akong umatras. Tiningnan ko si baby na nakapako ang tingin sa ‘kin at kay Chaewon. Sa loob ng sampung minuto, sumunod lang ako sa mga ginagawa ng buong party. Nakikipalakpak ako tuwing matatapos ang bawat kandidato sa pagpapakilala. Namimigay din ako ng flyers sa bawat row. Tahimik kong inoobserbahan si Chaehyun na hindi umalis sa upuan niya. Unlike ng ibang candidates, she remained sa pwesto sa likod.                

Nang magpakilala siya, napukaw ang pansin ko sa TMI na sinabi niya. Pakulo kasi ng party nila na magshare ng TMI ang mga kandidato to make it a fun and interactive campaign. Effective nga. Kasi mas naging focused ako after.                

Chaehyun shared that her little sister at yung little brother ni Karina were attending the same school. Classmates pa daw yung dalawa. Mabilis ang naging tuksuhan sa room. A happy coincidence daw for the two prettiest girls in their class sabi pa ng prof nila. Tahimik lang ako sa gitna ng kantyawan. Tiningnan ko si Karina na nakangiti lang din naman habang tinatanong ng mga classmates tungkol sa kapatid niya. Alam kong she’s not the type to readily share information about her family to others. Alam niya kaya dati pa na connected sila ni Chaehyun through their siblings?                

Pinigil ko na lang ang sarili na mag-isip masyado. Eh ano kung magka klase mga kapatid nila… Close naman ako kay Eunwoo.                

“Winter.”                

“Winter!”               

Napatingin ako kay Chaewon.                

“Okay ka lang?” she asked me worriedly. “Sorry naman kanina. Thank you talaga ha. I know na sinabi namin na hindi ka –”                

“Okay lang,” pigil ko sa kanya. “At least okay na.”                

She beamed and nodded. Umiiwas muna ako sa pagtingin sa corner nila baby. Tatapusin ko muna ‘tong campaign before ako magcheck sa kanya. Nakakadistract lang kasi talaga ang jowa ko. Mukhang nag-enjoy naman ang class sa presentation ng partido. Ang daming interested at nagtanong. Pati yung prof chill lang dun sa desk niya na nakikinig. Maya-maya pa ay may nagtaas ng kamay na isang etudyante.                

“Wala bang performance dyan?”                

Biglang umingay sa loob. Tiningnan ko si ateng gusot ang uniform. Performance? Pati entertainment provided din dapat? Nagtinginan ang mga nasa unahan.                

“I volunteer!”              

Ramdam ko yung pagbagsak ng puso ko sa lupa. Si bes.                

Ubos niya na siguro yung shanghai na kanina niya pa kinakain sa may sulok kaya nakapagsalita na ulit siya. Nanlaki ang mata nila Ryujin at Chaewon. Pumalakpak din sila kasama ng ibang students.                

“How about one from the candidates?” Suggestion ng prof na nakangiti.                

Hanep si Sir. Mukhang nag-enjoy siya. Lagpas na kami sa fifteen minutes naming alloted time to campaign. Tinulak ni Chaewon si Ryujin.                

“Ayoko huy,” mariing tanggi ni Ryujin.                

Malakas na ang chant para kay Chaehyun to step forward. Sobra ang palakpakan sa class para sa kanya when she finally relented. Namumula ang mukha niya na pumunta din sa unahan. They’re all cheering for her. Sumisignal si Ning na kailangan pa nila ng isa pang kasama. Magtatago na ako sa labas nang marinig ko ang pangalan ko.                

“Si Winter! Di ba Dance Edge siya?”                

Kung sinuman –

Mabilis nagparte ang daan para sa ‘kin papuntang harap ng class. Nakatingin lahat sila sa direksyon ko.                

“Guys, si Winter” pakilala ni Ning sa ‘kin. “Bes ko yan. Magaling din siya sumayaw. And yes, member yan ng Dance Edge core group.”                

Parang automatic na yung pagsali ko sa performers. Hindi na ako nakatanggi dahil literal na nawalan ako ng lakas.                

“Idol ko si Winter,” sigaw pa ni Ryujin, earning another round of applause para naman sa ‘kin.                

Gusto kong bigtihin si Ryujin gamit yung baller niya. Tiningnan ko ang girlfriend ko. She just smiled at me. Walang pressure. Parang sinasabi niya sa ‘kin na okay lang.

Just be you, babe.               

 “No, this is for the campaign. For all of you. Minsan lang ‘to!” natatawang sabi pa ni Chaehyun na kinukulit ng mga kaklase niya sa unahan. “Walang tatawa ha. I don’t have any practice. I’m not as good as Karina here.”                

“Okay lang ‘yan!”              

“Support ka ni Karina.”                

“May basbas yan ng Edger.”                

Nagpanting ang tenga ko. Ano daw?

Napatingin sila Ryujin at Chaewon sa ‘kin.                

“Ano bang gagawin?” tahimik kong tanong.                

Lumalaki ang butas ng ilong ni Ning sa pagpipigil na ngumiti. “Sarah G, bes.”                

Parang alam ko na. Nakaka-stress. Ano ba ‘tong pinasok ko… Chaehyun looked unsure. Lumapit siya agad kay Ning. Nagbulungan pa silang dalawa bago tumatango-tango ang isa.                

“Game na?” excited na tanong ni Ryujin.                

“So… do we need an introduction?” tanong ni Chaewon.                

“Ako na bahala dyan,” sagot ni Ning, proudly walking to the front.                

“Ikaw?” tanong ni Ryujin. Nahihiyang pumwesto ako sa likod ni Ning, katapat si Chaehyun na nakatayo sa kabilang side.                

“Guys, ngayong eleksyon,” madramang simula ni Ning.                

Gusto ko na magpakain sa lupa. I looked at my girlfriend again.  She was staring at me, an anxious smile on her face.                

You can do it! She mouthed silently. Tinaas niya pa ang kamao as she cheered for me. Medyo nawala kaba sa dibdib ko. Sumayaw na ako sa harap ng maraming tao. A far larger crowd than this. Kaya ko ‘to. Napatingin ako kay Chaehyun na nakatitig lang din sa ‘kin. She smiled at me nang magtama ang mga mata namin. Mabilis din naman siyang bumaling sa harap.                

“… kaya guys, reach for the stars!” malakas na sabi ni Ning. “Deserve natin ang mga tala!”                

Gusto ko na lang siyang salpakan ng shanghai sa bibig. Ako ang nahihiya sa sinasabi niya. Tuwang-tuwa ang buong class sa kanya. Nagsimula nang kumanta si Ning. Bumabalik sa utak ko yung mga times na binubwisit ako ni Yuna nung madalas niya akong sayawan ng hit song ni Sarah. Unknowingly, namemorize ko na ang mga steps. Huminga ako ng malalim. Nakakahiya kung magkalat ako dito. Makikita nila kung bakit ako part ng core group! 

                              

“Tila ako’y nakalutang na sa langit                 

Ngunit nalulunod sa ‘yong mga ngiti”

                   

Eto na. I ran my hand over my body. 

                  

“At kung hanggang dito lang talaga tayo” 

                  

Todo giling ako, waving my arm like a snake. 

                  

“Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka                  

At kung umabot tayo hanggang dulo” 

                  

Nakatingin ako kay Karina habang tinataas ang mga kamay. I sharply turned my head to the right and shamelessly shook my body. 

                  

“Kapit lang ng mahigpit aabutin natin ang mga tala” 

                  

Naghiyawan ang mga tao. May mga dumadaan sa corridor na napapatigil at nakikinuod sa nangyayari sa loob ng classroom. Sumasabay na ang iba sa pagkanta. 

                  

“Tala, tala, tala                 

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata                 

Tala, tala, tala                 

Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala” 

                 

Hindi ko alam kung paano namin natapos ang kanta. Tuloy-tuloy lang ako sa pagsayaw, not minding the screams and cheers na naririnig ko sa mga nanunuod. Kahit si Ning parang sobrang absorbed na rin sa performance. In fairness, nakakasabay din si Chaehyun. Mukhang fan siya ni Sarah G for her to know the full choreography. Hinihingal ako sa ginawang pagsayaw. Nakakapagod din pala yung paggiling-giling namin.                

“Winter, ang cute cute mo!”                

Nagulat ako sa narinig. I expected people to cheer for Chaehyun. Kumakaway pa si Ning nang umalis na kami sa unahan.                

“Grabe yung isolation ni Winter!”                

Tuwang-tuwa na kinabig ako ni Chaewon at niyakap. “Ang galing mo! Grabe, iba talaga pag member ng Dance Edge.”                

Marami na ring nakapalibot kay Chaehyun. Hinanap ng mata ko si Karina na hindi ko alam kung saan nagpunta. Lumabas ba siya?                

“Hey…”                

Gulat na tumalikod ako, facing my girlfriend na nakahawak na sa braso ko. Mabilis naman akong pinakawalan ni Chaewon na natatawang nag-excuse.                

“Hoy bes!” Ning called giddily. “Sikat na sikat ka na. Thanks to me.”                

“Ewan ko sa’yo!” masungit kong sabi.                

“Everyone’s screaming your name,” sabi pa ni Karina. She sounded proud and… annoyed at the same time? “I knew you are good. Now everyone knows about it.”                

“Para yun lang,” sagot ko, nag-iinit ang tenga ko sa narinig. “Hindi ko na ‘to uulitin.”                

“Grabe ang famous mo na bes,” hagikhik ni Ning. “Para ka na talagang si Cristine!”                

“Cristine?” ulit ni Karina.                

“Si Cris – mmmph!” tinakpan ko agad ang bibig ni shunga. “Hoy, wag mo naman ako patayin.”                

“Ang OA mo.”                

“What is this about?” curious na tanong ng jowa ko.                

“May kamukha kasi si Winter.”                

“Wala kaya!” inis kong kontra. “Wala akong kamukha di ba?” I turned to my girlfriend.

Maingay ang ubo ni Ning. “Cris… ehem… tine Reheyyes!”                

Hindi ko mabasa ang expression ni Karina. Na-gets niya ba? I’m sure narinig niya. Sinamaan ko ng tingin si Ning. Sa tabi niya parang nag-iisip naman si Chaewon na nakatitig lang sa ‘kin at pinag-aaralan ang mukha ko. Bumulong-bulong pa sa kanya si Ning. Natawa lang naman si Karina. Hindi pa rin niya inaalis ang hawak sa ‘kin. Pansin ko lang na parang nakalimot na ang lahat na may ongoing class pa rin sila.                

“You’re so good,” she said in her soft voice. “Baby, you really did great kanina”                

Maingat si Karina na walang makarinig sa aming dalawa. Tumatawa si Ning na nakigulo kina Ryujin. Chaewon was eyeing the two of us knowingly. Baka narinig niya si Karina. Wala naman siyang ibang sinabi at dumiretso na sa prof na halatang hindi na rin interesadong ituloy ang class.                

“I want what you promised kanina,” bulong niya sa ‘kin. Teka, nakikiliti ako sa tainga. May mangilan-ngilan na nakatingin sa ‘ming dalawa.                

“Anong promise?”                

“The hugs and kisses.”               

 “Dito?!” Tanong ko habang nanlalaki ang mata. Ang daring ng baby ko!              

“Nooo…” ngumuso pa siya. “Later… after class?”                

“Mamaya?”                

Twelve-thirty na rin. Ang tagal ng inabot ng supposedly fifteen minutes naming program. Tumango lang si Karina. Nakatayo lang siya sa tabi ko, nakahawak siya sa waist ko. Nakita ko ang pagtingin ni Chaehyun sa direksyon namin. She immediately averted her gaze at nagfocus na sa mga kausap.                

“I don’t think itutuloy pa ni Sir ang discussion,” natatawang sabi ni Karina. “Kumain ka na ba?”                

Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng kamay niya sa likod ko. Jusko baby. “Inubos na ata nila Ning yung baon ko,” sabi ko. “Pero may snacks naman ako…” hinalungkat ko ang bulsa. “Eto b – uhm, eto oh.”                

Inabot ko sa kanya ang isang pack ng gummy bears.                

“I thought di ka pa kumakain?” she asked.                

“Marami akong ganyan sa bag,” sagot ko.                

Narinig namin ang prof nilang nagdismiss na ng class. May mga naglalabasan na sa classroom. Todo kamay pa rin sila Ryujin at yung iba na malapit sa pintuan.                

“Hi Winter!” bati ng isang classmate nila baby. “Ang cute mo kanina!”                

Napatingin si Karina sa kanya. Humigpit ang hawak sa ‘kin ng girlfriend ko.                

“H-Hey Karina,” alangan na bati ng classmate niya. “Tapos ka na sa paper para mamaya?” Parang naghanap lang talaga siya ng topic na sasabihin.                

“Not yet,” tipid na sagot ni baby, smiling.              

“Ah sige. Una na kami sa library. Susunod ka? Reserve ka na namin ng seat?”                

“Sure. Thanks, Val!”                

Bumaling na ulit sa ‘kin ang baby ko, all smiles. Ano nangyare dun?         

Sa huli, sinamahan ko siyang pumunta sa library bago ako dumiretso sa next class namin. Nagpaalam ako kina Chaewon na hindi muna sasama ng class to class campaigns dahil hindi pa ako nakakarecover sa ginawa namin. 

  

(12:55pm, Thu) Winter:               goodluck sa paper babe! 

(12:56pm, Thu) Bibi Ko:                Thanks sa paghatid <3 <3 <3 

                                                          You’re so cute 

                                                           I recorded you pala haha 

(12:58pm, Thu) Winter:               babyyyyyyyy… T_T huhuhu 

(12:58pm, Thu) Bibi Ko:                Let’s watch it later ha?

                                                        Don’t foget my hugs and kisses too! 

(12:59pm, Thu) Winter:                bawal ipakita sa iba yung video baby ko 

(12:59pm, Thu) Bibi Ko:                But everyone recorded the performance haha 

                 

“Winter, tingnan mo,” lumapit sa ‘kin si Ryujin at pinakita ang phone niya. Sumasayaw ako sa video. Iniwas niya ang phone nang sinubukan kong hablutin.                

“Ayan, meron na rin akong video mong sumasayaw,” masaya pa niyang sabi. Narinig ko yung boses ni Ning mula sa mga nagkumpulang classmates namin sa may gitnang row.

“Tala, tala, tala”

Shemay talaga. 

               

               

 

 

Naging usapan sa school yung ginawa naming pakulo sa kampanya nila Ryujin. Suddenly, may talent portion na at performance na hinihingi ang mga profs tuwing magpapaalam kami na magcampaign sa class nila. Pressured din ang mga candidates na mag-isip ng kani-kanilang talent. Halos luhuran ako ni Ryujin nang magsuggest akong ipanuod namin yung video niyang sumasayaw sa dance camp namin dati. Siyempre may edited version ako nung binigay sa ‘kin ni Chaeryeong na copy. Baka kasi lalo lang mabaliw ang mga estudyante kay Karina kapag nakita nila siyang sumasayaw sa Pauwi Nako.                

Dahil sa nadagdag na requirement during campaign, nagset-up ng meeting ang party for general catch-up and planning. Si Ryujin daw ang nagset ng venue. Sa panahon ngayon, ang hirap na makapagpareserve ng room to use kaya sa labas ng school kami maagkikita-kita after class. Second day ko pa lang as campaign assitant pero ang dami ko nang ambag! Yung ibang campaign assistants kasi ako na ang pinapain sa mga teachers tuwing magpapaalam kami. Parang hindi na rin umeepekto ang pagsusungit ko. Tatawanan lang nila ko. Worse, sasayawan pa nila ako ng Tala. Kainis!                

Kakatapos lang ng last class ko at balak kong hintayin si baby sa class niya before kami pumunta sa Director’s café. Nagvolunteer din kasi si Karina na tumulong during her free time. Gusto niya lang daw makasama ako and she didn’t mind talking to other students. Lalong natuwa si Chaewon. Masaya na siya nang malaman na willing si Ning maging campaign assistant tulad ko. Mas lalo siyang sumaya knowing na Karina would be around.                

“Bes, balitaan mo na lang ako ha,” bilin pa ni Ning. Enjoy na enjoy pa siya na tinatawag na Sarah G. “Magkikita pa kasi kami ni Bao.”                

“Pupunta ba agad kayo sa Makati?” tanong ko.                

“Sa bahay muna kami,” sabi pa niya. “May tournament pa kasi siyang tinatapos kaya eto, ako na nag-adjust.”                

Napangiti ako. Bilib din ako sa dedication ni bes.                

“Magbibiyahe ka lang?”               

“Hindi ah. Susunduin niya ako. Malapit na siya.”                

“Sige, kita na lang tayo mamaya.”                

“Hoy sabihan mo ko ha,” ulit niya. “Alam mo namang best campaign assistant ako.”                

“Ikaw na!”               

 “Ako talaga!” she chuckled at tumalikod na papunta sa gate.                

Nasa labas lang naman ako ng Cecilia habang hinhintay ang girlfriend ko. Nagbuklat muna ako ng notes habang nakaupo sa isang bench na nalililiman ng malaking puno.                

“Ate Winter!” Sila Yuna at Chaeryeong.                

Walang sabi-sabi na sumayaw na lang si Yuna ng Tala sa gitna ng pavement. Nagtakip ako ng notebook sa mukha. Si Chaeryeong naman tinulak ang kaibigan at nahihiyang tumingin sa paligid.                

“Grabe Ate!” tuwang-tuwa si Yuna na naupo sa tabi ko. “Ang proud ko lang. Nagbunga ang pagsasayaw ko sa harap mo.” Umiiling si Chaeryeong na nakatayo lang sa harap namin. “Hindi pa yan tumitigil mula kahapon.”                

“Eksaherada!” malakas na sabi ni Yuna. “Saan na si Sarah G? Di ba friends kayo?”                

“Umuwi na,” sagot ko.                

“Next time nalang,” nanghihinayang na sabi ni Yuna. “Idol ko pa naman siya. Ang lakas ng confidence niya.”                

Naiimagine ko na ang gulong mangyayari kapag nagsama si Ning at Yuna. Ngayon pa lang sumasakit na ulo ko.                

“Balak ata ni Ate isama sa performance natin yung dance cover ng Tala,” sabi pa ni Chaeryeong.                

“Weh?” hindi ako makapaniwala.                

“Madali lang naman e,” sumasayaw na ulit si Yuna. “Kahit ako na yung center.” Tumawa si Chaeryeong. “Kapal mo talaga.”                

“Bagay kaya sa ‘kin. Ready na rin yung tights ko,” nagmamaganda pa si Yuna na naghawi ng buhok. “Center-material kaya ako. Same kami ni Ate Karina.”                

Naiwan na ulit ako mag-isa nang magpaalam na ang dalawa. May class pa daw sila. Dumating na rin naman si Karina not too long after. Sumabay pa sa kanya ang ibang blockmates niya na nagpaalam na rin nang makita akong naghihintay sa di kalayuang bench.                

“Sorry, napatagal ang last period,” she quickly apologized. “Did you wait long?”                

Umiling ako. “Nagbasa-basa lang naman ako. Nakita ko din sila Yuna on their way sa class nila.”                

She immediately placed her arm around my shoulder. Extra-touchy siya lately. Pinapakiramdaman ko ang mga nakakasalubong naming mga estudyante. Sa loob lang ng dalawang araw, naging recognizable na ang mukha ko sa campus dahil sa Tala performance namin. I guess nakatulong din kay Chaehyun yung nangyari.               

 “Somi and Lia will meet us first.”                

“Ah sa Makati? Di ba alas siyete pa naman ang kitaan?”               

 Four pa lang ng hapon. “They’re here. Check your messages babe.”                

Siyempre, ignore ignore ako sa nangyayari sa Facebook page ko. Ang dami kasing friend requests at messages sa mga taong hindi ko naman kilala. Naglalakad na kami papuntang café nang makita ko ang pamilyar na MINI Cooper ni Somi na nakaparada sa labas ng shop. Mukhang kakarating lang nila nang lumabas si Somi mula sa shop at parang pagod na pagod na bumalik sa kotse niya.              

“Hey!” masaya niyang bati sa ‘min, energetic na tumakbo palapit at hinila kami ni Karina into a group hug. “I miss you both!”               

“We miss you too,” magaan na ganting bati ni baby.     

Napatingin ako sa suot niyang cropped flannel polo. May mga pins na nakalagay sa damit niya… Bumaba ang tingin ni Somi sa dibdib niya nang mapansin ang pagtitig ko. Tumawa siya, realizing kung saan ako nakatingin. “For a second there I thought you were staring at my boobs!”              

Namula ako. “No,” mabilis kong tanggi. “Yung pins…”                

Napatingin ako kay Karina na biglang nag-ayos ng bag niya, straightening her stance with her chest out, may pa-stomach in. “I don’t think she needs to look at yours, Somi.”                

“Obviously,” natatawang sabi naman ni Somi who openly stared at her friend’s chest. “Don’t worry, mine still attracts people. Akala ko lang naman,” she joked sabay siko sa braso ko. “Anyway, can you guys help me with the boxes sa compartment?”                

Medyo mabigat yung buhat-buhat kong mga kahon. May mga kumakalansing sa loob. More pins? Napatingin na ako sa loob ng café. We rented the private space sa second floor. Mukhang maingay na sa taas. Siguro nagsisimula na ang meeting. Paakyat pa lang kami nang makita namin si Lia na pababa ng hagdan.                

“Rina!” tili niya, hugging my girlfriend.                

“Hey Lia,” malambing na sabi ni Karina. Hinayaan niya lang ang kaibigan sa ginagawa bilang occupied ang dalawa niyang kamay ng malalaking paperbags na dala.               

 “Hi Winter,” magaan na bati ni Lia, at mabilis na nag-offer ng tulong sa pagbubuhat ko ng dalawang boxes.                

Punong-puno ng pins and badges ang suot niyang denim jacket. Puro mukha ni Ryujin ang nakikita ko sa mga pins.                

Shin Ryujin for VP. Ryujin Cares. Vote for Ryujin!                

“Do you like the pins?” tanong pa ni Lia nang mapansin ang hindi discrete na pagtingin ko sa suot niya. “I designed them!”                

Ah. Napatingin ako kay Somi na halos tumirik ang mata sa pag-irap behind Lia. “You mean, you designed them, you procured them, AND you even tried pressing them on your own,” Somi scoffed. “Kulang na lang tanggalan niya ng trabaho yung owner ng shop at gawin niya akong employee.”                

Umiling lang si Lia. “It’s so worrying na walang kahit anong campaign materials si Lovey!”                

Tumaas ang kilay ko. Lovey? Si Ryujin?               

 “Anong meron?”                

Napatingin kami sa boses na nanggagaling sa taas. Ryujin was there, staring at the four of us.                

“Rina and Winter just arrived,” sagot ni Lia. Lumingon siya kay Somi na nabibigatan na din sa mga dala. “Did you get all of them?”                

“Yeah,” sarkastikong sagot ni Somi. She nudged me ahead at umiiling ang ulo na nagkwento, “Lia’s crazy. She forced me to wear the pins even when we’re at school. Now my classmates are wondering who the hell is Ryujin.”                

Tumatawa lang ang jowa ko sa tabi ko. Napatingin ako sa braso ko. Hindi ko pa rin suot yung baller. Tinago ko ang mga kamay mula sa mapanuring mata ni Lia. Hindi na natuloy ang usapan namin nang makapagsettle na kami sa second floor. Ang weird lang na kasama namin sila Lia at Somi sa venue. Hindi naman sila out of place pero nagtataka din yung iba naming kasama kung bakit may mga ibang tao sa meeting. Nagulat pa ang lahat ng mag-announce ang isang staff na ready na sila magserve ng drinks. Mabilis namang nag-explain si Ryujin na bayad na yung pakape. On this cue, bumaba na muna sila Lia at Somi. Sumunod kaming dalawa ni Karina.                

“They looked confused bakit tayo nandoon,” sabi ni Somi, chuckling. “Lia, you’re way into this.”                

“I’m just helping my girlfriend,” sagot ni Lia. “I even prepared pins and stuff for the whole party. Ang saya kaya ni Ryu…”                

“Is this your idea too?”                

Napatingin ang dalawa sa ‘min. Maluwang ang ngiti ni Lia sa nakabalandarang baller band na suot ng girlfriend ko.                

“Of course!” proud niyang sabi. Bumaba ang mga mata nya sa braso ko. “Where’s yours, Winter?” Tanong nya. “Where?”                

Napalunok ako. “Uhm –”                

“In her bag,” mabilis na sagot ni baby, hindi nagpatalo sa titigan nila ni Lia. “By the way, what time do you guys plan to go sa Makati?”                

Umupo muna kami sa bakanteng table by the glass window.                

“After this,” sabi lang ni Somi. “Baka matagalan kami since I have to remove all these pins first,” reklamo niya.                

“We’re supporting Ryujin,” sabi lang ni Lia.                

“Even in Ateneo?” natatawang sabi ni Somi. Humarap siya sa ‘kin, suddenly looking interested. “Hey Winter, that was a nice performance kahapon. Who’s the other girl?” curious niyang tanong.                

Bago pa ako makapagtago sa likod ni Karina, narinig namin si Lia na nagreact. “Isn’t that Chaehyun?” taas-kilay niyang sabi.               

 Pareho kaming napatingin kay Lia. Kilala niya?                

She shrugged. “I make sure na kilala ko ang mga nakakasama ni Ryujin lately.”                

Narinig namin ang mga yabag at nakita si Ryujin na pababa ng floor. “Ba’t ayaw ninyo sa taas?” tanong niya. Lumapit siya sa ‘min, standing by Lia’s chair at agad hinawakan ang balikat ng girlfriend. “Okay lang kayo dito?”                

“We’re good here, thanks Ryujin,” sagot ni Somi.                

“Do you need me there?” malambing na tanong ni Lia.                

“Hindi naman, love…”                

Napatingin si Ryujin sa ‘min at namumulang umubo. Love?                

Nagtinginan kami ni baby. Si Somi naman ngumisi lang.                

“I know right?” she said knowingly, “It’s gross.”                

“Gooosh Somi, stop it. We were just talking about those photos that Ryujin posted,” pagbabago ni Lia sa usapan, putting her arm around Ryujn’s waist na sumandal pa lalo sa kanya.                

“Hindi nga ako yung nagpost,” sagot ni Ryujin. “Taga-share lang ako ng mga pictures ng runningmates ko.”                

“Part ba si Rina ng campaign team ninyo?” tanong ni Lia.               

 Umiling si baby. “I’m not officially part of it,” sabi niya, “as far as I know…”                

“Whyyy?” tanong ni Somi. Tumingin kami sa kanya. “I mean, why did you ask?”                

Lia shrugged. “There were photos of Rina like – well, they’re there so I thought she’s with them.”                

Pinakita ko ang saved picture na nakuha ko nung nagcampaign sila sa club. “Ito ba?” sabi ko pa. “Gusto ko siya dito,” nahihiya kong pag-amin. Tiningnan ko si Ryujin. “Ang ganda ng shot mo dito.”                

“Hindi nga sa ‘kin galing ‘yan,” sabi niya ulit. “Check mo yung original post ng mga mga shared ko.”                

Nagpaalam na si Ryujin na sinamahan naman ni Lia. Naiwan kaming tatlo nila Somi. Ang tahimik lang namin. Parang may iniisip bigla si baby. Si Somi naman tingin ng tingin sa ‘ming dalawa.                

“What is it?” tanong ni Karina sa kaibigan.                

“Are you sure you guys are cool with the dinner?” tanong niya.                

Tumango lang naman kami pareho.                

“Oo naman.”                

“Sorry,” Somi mumbled, “I really haven’t thought about it too much so… The thing is I really missed hanging out with you all and Renjun coming back is just a bonus. Kahit naman hindi siya nakauwi, I’d still arrange for a dinner.”                

“We don’t mind,” sabi ni Karina. “And you don’t have to stress about it.”                

“I’m not ha ha,” nakangiti nang sabi ni Somi. She looked at us. “Hahabol lang ata siya tonight but like I said, this is not about him. So… yeah.”                

“Thanks, Somi.”                

“Oh, and feel free to order lots. We’ll bill it all sa kanya.”                

After namin magdaldalan tungkol sa kung saan manggagaling ang bawat isa sa ‘min, naalala ko yung change of clothes namin ni Karina na nasa sasakyan niya.                

“Saan pala tayo magpapalit?” tanong ko sa girlfriend ko. Pinapanood ko lang siya while she played with my hand. Kanina pa niya ginagawa ‘to sa ibabaw ng table.                

“Hm, do you wanna do it now?”                

“Para diretso na tayo sa restaurant,” sabi ko.                

“Okay.”                

“Goodness…” mahinang sabi ni Somi. Napatingin kami sa kanya. “Don’t mind me,” she teased. “You guys look cute together.”                      

Gusto ko kapag sinasabi ng mga tao na bagay kami ni Karina. I’m not seeking any validation sa relationship namin pero it’s nice to hear it from people who we consider as friends. Maya-maya pa nagsibabaan na ang mga members ng campaign team kasama ang mga candidates. Nakita ko si Chaehyun at Chaewon na nauuna.

Tumayo na si Somi, stretching her arms. “I’ll go ahead. I’m overworked dahil sa mga pinabitbit ni Lia. I need a massage,” she grumbled. “See you guys later.”                

Akmang lalapit si Chaehyun sa table namin nang napatigil siya. Sinundan ko ang mga mata niya at dun ko narealize na magkadikit pa rin ang mga kamay namin ni Karina sa table. Nakatingin lang naman si Somi at unti-unting ngumiti. Nagpaalam na siya after.                

“Hey Karina, Winter!” masayang bati ni Chaehyun. Balik na ulit siya sa pagiging bubbly niya.                

Slowly, naghiwalay na kami ni Karina habang nakikiramdam sa paligid. Naririnig ko ang matinis na tawa ni Lia somewhere. Nakakapanibago ang pagiging over friendly niya sa mga tao. Tumayo na kami sa table at lumabas na ng coffee shop. Nagpaalam na din ako kina Chaewon at nag-excuse nang magyaya sila ng dinner. Bago pa ako nakasagot, narinig na nila yung planong dinner namin sa Makati kay Lia. Mukhang niyaya din silang dalawa ni Ryujin na lumabas.

Habang naglalakad pabalik ng school, kinuha na ulit ni Karina ang kamay ko. “I like holding your hands,” sabi pa niya habang nagbabasa ng messages niya sa phone. “G’s not in a good mood. She said we’re all gonna be late.”                

“Mag-aalas sais pa lang naman.”                

“She’s probably on her way there.”                

Nang makarating kami sa sasakyan, nakita ko ang pagmasahe niya sa ulo. “Okay ka lang?”

Tumango siya. “It feels like a long day for me.”                

“Oo nga,” sang-ayon ko. “Babe, alam na ba ni Giselle yung tungkol sa mga pamigay ni Lia na pins at ballers?”

My girlfriend giggled. “Oh no, not yet.”                

Natawa ako. “Ano kayang mangyayari mamaya?” tanong ko, pertaining sa inaabangan kong away na naman nila Bff G at Lia once makita nung isa yung kinalolokohan ngayon ni Lia.                

“Are you worried?” Karina thoughtfully asked.                

“Actually hindi,” simpleng sagot ko. Then I looked at her and realized na magkaiba ang pinag-uusapan namin. “Tungkol ba kay ano, kay Renjun?”                

Tumango siya. Nag-isip ako. Worried ba ako? Tiningnan ko si Karina. Sa loob ng ilang linggo, wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng assurance sa relationship namin. I don’t think may ibabato pa akong doubt sa kanya na masasabi kong justified. Umiling ako at hinalikan ang kamay niya.                

“Hindi ako worried, baby…” sabi ko sa kanya.

She smiled at ngumuso sa ‘kin bigla. Hala.

“Winter, yung kiss ko?” sabi niya. Ngumuso siya ulit. Ang cute!

“BABE!” Naiinip na siya. Eto na nga.

Ngumuso din ako sa kanya. Natawa na siya at hinatak na ako palapit.

“May cuddle pa ako ha,” she murmured against my lips.

“Opo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

11 thoughts on “Sterling Notebook: Bawal Basahin!

  1. Winterering says:

    Malait ko na matapos ang snbb pero di ko pa rin gets ang gummy bears 🤔

  2. yoosun says:

    ano ba yung gummy bears kinakabahan aqq,,,,,

  3. Bewithrene says:

    So cutiee

  4. jyxia says:

    what’s with the gummy bears? TT kinakabahan tuloy ako

  5. winterbunot says:

    ang clueless talaga ni winter 😭

  6. aeminyoo says:

    Nabasa ko palang yung gummy bears tawang tawa na ako

  7. shinkei_snbb says:

    Pinanood ko yung version ni AC hahaha

  8. wintongmin says:

    simula talaga nung restless era dati. ayoko na talaga ng gummy bears. ayoko na kumain non. ewan ko ba kahit maka kita ako na word na “gummy bears” inis na inis na ako. ang oa 😭

  9. ene_ru_ says:

    nag aattemp ka pa lang chaehyun naasiwa a ako ha, btw.ang supportive girlfriend ni lia hahahaha cutiee bumalik na siya from hiatus din 🤙🏻

  10. winter6arden says:

    yung flight or fight response ko nattrigger ng gummy bears GHAHSHAHAH

  11. Winrina3358 says:

    Haaay nai-imagine ko mag-tala si winter hahahah ang cute cute talaga ng bb na yan. Funny talaga na laging naka-bakod si karina pero di ramdam ni winter lmao dedma muna kina r at c!

Leave a Reply