Sari-Sari Book GA

DeloolooCategory: Sari-SariSari-Sari Book GA
Tootsiepop Staff asked 2 years ago

Which part of Sari-Sari was the most impactful for you?

yj.slime replied 2 years ago

every part na nay push and pull situation si seul at irene, parang hindi ako makailag everytime na nacoconfused siya sa nga kilos ni ate mong straight pero zigzag huhu dalang dala ko yung frustrations sa mga nangyayari sa kanila. Isa pa yung kay joy saka yeri huhu

14 Answers
bananabee answered 2 years ago

idk if spoiler na 'to 🥲 pero 'YUNG FIREWORKS COUNTDOWN NUNG LANTERN PARADE, YOUR HONOR 😭 tbh ang tagal ko nang 'di nagr-read ng sari-sari pero kapag naaalala ko 'yon, ang pumapasok sa isip ko agad 'yung sobrang saklap na scene na 'yon like 👁️💧👄💧👁️ the impact is impacting to me sagad mapapa- "pakyu solge!!! unlike u, wala na ciang pinag-isipan pa abt sa enung 2!!!" ka na lang *nanakal 😭

rantliprant answered 2 years ago

I would say every chapter of it. Sari sari taugh me a lesson not just about friendship, relationship but also about family. If I would choose one, it would be how irene fought her homobophic father just to be with the person she loves. I know many people hated irene's character because of what she did with seulgi but yes, a little pero alam ko kung saan siya nanggagaling. That is so brave considering that it is really hard for people to come to terms with their sexuality and all. Lalo na if nakatira sa religious na household, hindi madali umamin. This is impactful for me because I came to term of my own sexuality actually (my mother knows) and she's okay with that. im really proud of how i become right now. Thanks to that part of sari sari irene, parang in-printed na sa utak ko na okay lang pala talaga.

kmjaes answered 2 years ago

Hindi ko alam kung bakit ito yung pinaka-impactful for me pero baka dahil sa power of imagination and music hehehez.

Yung kumakanta si Seulgi sa stage ng Akap by Imago habang nanonood si Irene tapos bago niya pa matapos yung song ay hindi na nanonood si Irene.

SABIHIN SA AKIN LAHAT NG LIHIM MO

IINGATAN KO...

IBALING SA AKIN LAHAT NG PROBLEMA MO

KAKAYANIN KO...

kreamtaeng answered 2 years ago

the most impactful for me is yung pagiging one-sided feelings ni seulgi for irene. i can relate kasi ive been always on one-sided to the person i'm interested on. kung tutuusin its hard for seulgi kasi imagine mo gusto mo siya, like she's reachable kasi nagkakausap kayo and besties kayo but unreachable at the same time kasi lumalapit lang siya pag kailangan ka niya, and hindi niya mareciprocate feelings ni seulgi

ligaya answered 2 years ago

Ohh ang hirap neto ha,, andami kasi nila!! Isa isahin ko nalang po yung iniyakan ko ha para masaya.

  1. Yung pagiging push and pull ni Irene - tatawagin/hahanapin niya si Seulgi kapag may need lang siya at itong isa naman eh go lang kasi ano? Gusto niya si Irene kaya ok lang sa kanya na ganon. huhu sakit mo na
  2. The iconic lantern parade, di ko na po ieexplain iniyakan ko yan legit
  3. Yung nangutang si Kuya ng pera kay Irene tapos hindi alam ni Seulgi. Nasaktan ako for Seulgi run legit.
  4. Aahhh!! yung nag overnight si Irene run kina Seulgi at pumunta sila sa palayan!! HAHAHAHAAHA alam ko may nahulog dun eh di ko na maalala tagal ko na rin pong di nagr-read umiyak
  5. Yung naghiwalay ang moonsun at naging moonwheein,, gg lods kasi lima sila tas naging 2 real quick.
  6. Ay shet yung muntik ng magkiss si Mina at Seulgi!!!!! Buti nalang aware si Mina sa mga nangyayare kay Seulgi kasi nagkwento ang gaga shuta never forget.
  7. Yung realidad hits me hard nung naguusap si Kuya at Seulgi sa bahay man o sa tagaytay. Iniyakan ko yun. I feel like soon mararanasan ko rin yun and tada ito nga nararanasan ko na siya now. smiles
  8. Nung di na nagm-message si Irene kay Seulgi. Laging naka stalk tong si idol diba po ba? tapos makikita niya na bibihira lang magpost si Irene at yung iba eh bible verse / church ganap pa. huhu yung manok ko umiyak ulit
  9. Hanggang sa dulo si Irene lang talaga, alam ko naman po yun kasi nga down bad na down bad siya tapos masasaktan yung mga sasalubong sa kanya like Tzuyu. Sad pa rin ako kay Tzuyu til now. Sila talaga ae ending ko dyan if ever.

What I mean is naging faithful at Loyal si Seulgi kahit on and off sila, wala ka ng makikita now nun emz. Ansakit sakit pa rin talaga pero ok kwento mo yan eh emz ahahahaha

  1. Woooohooo!!! LAST NA 'TO PRAMIS SHUTA ANO TO ESSAY

YUNG ENDING!!!! Never forget!! Di ko po alam kung panaginip yun or legit pero bakit ulit naatrasan si Tzuyu ng sasakyan? Di ko na po ma alala. Basta yung ending po :((

ligaya replied 2 years ago

Add ko lang po ‘tong isang na alala ko after ko masend.

Yung may date dapat ang seulstal kaso biglang dumating si Irene na umiiyak tapos ending eh nag s e x sila tapos biglang sinabi niya kay Seulgi na “bakit di natin to ginawa?” Tapos biglang “Wala lang Libog lang” huhu shuta ka Irene

myjeanzz answered 2 years ago

For me eto yung Wakas chapter, yung graduation na nila Seulgi, nagppicture-an silang lahat (with fam and friends), grabe, it's so pure but has a bittersweet feeling din at the same time kasi parang sa dinami daming event sa buhay ni Seulgi nung college, it ends there, like goodbye and welcome to the real world. Yung pagbuild up ng attachment ko sa mga characters throughout the chapters sobrang solid kaya super angst din naman sa feeling nung nagpapicture silang lahat sa oble at idagdag mo pa yung "At ngayong nakatayo kami sa harap ng unibersidad naming mahal, magkakahawak ang kamay at nakangiti sa umuusling liwanag sa kalangitan, inipon ko sa aking puso ang sari-saring mga emosyon, sari-saring pangyayari, at sari-saring mga tao na humubog sa aking diwa. Ito ang pagtatapos ng yugtong ito sa aking buhay. Ito ang wakas" JUSKO PO. Ang sakit sa dibdib T_T And siguro, the most heart wrenching moment of this chapter (of course haha) is when Irene sent her a video clip after not 'actually' talking to her for a while since she and her mom went to states, that "Joohyun… ikaw na lang ang kulang dito…" made me want to shout in frustration and sadness huhu. I remember reading Sari-Sari for about 2-3 days lang kaya every feeling that I experienced nung binabasa ko yung fic was overwhelming minsan that I have to pause for a few minutes before continuing to read again haha I loved it. I find it fun din remembering the angst of Sari-Sari specially this chapter, but to be honest ayoko na ng ganun ulit jusko okay na yung one time lang, dinibdib ko yung angst nyan eh hahaha. And lastly, this chapter was also one of the reasons why I've read SNBB, from what I heard kasi sa twt, it's somewhat interconnected(?) to Sari-Sari (p.s TMI and I've eventually get to love the fic since it's relatable for me as a bakla din who graduated in an all girls schools hahaha but anyways….), ayun, the open endedness of SS made me want to know more about the little things that happened to every events sa fic, like for example yung POV ni Irene lalo na nung ginawa nya yung video clip message for Seul's graduation, like gurl masaya ka ba dyan talaga or nasasaktan ka din? MAGSALITA KA KASE NASASAKTAN DIN AKO 😠 HAHAHA!! But I'm glad naman kase we get to know more of her POV sa SNBB kaya natahimik na din yung kaluluwa kong naiwan sa mga katanungan ko sa Sari-Sari hahaha!! AYUN LANG MADALDAL LANG PO TALAGA AKO AT GUSTO KO ISHARE, THE END. bow

eueeiia answered 2 years ago

Shakssss need ko na ata magreread, sa dinamidaming beses ko nabasa sarisari before nakabisa ko na, pero now parang wala ako marecall na exact scene💀 maybe yung nagtry si seul bigyan another chance yung sa kanila ni Tzuyu but dahil sobrang mahal nya si Irene sa huli di parin nagwork out. Kahit na maraming naging babae si Seul lol I dunno how to explain it pero feel ko talaga yung love ni Seul kay Irene. While writing this naalala ko bigla yung scene na bumalik si Irene/ nasurprise si Seul 🥹 NAIIYAK AKO SANDALEEE😭 grabe naiyak talaga ako nung first time ko nabasa yorn🥹 Siguro if may one scene na pinaka impactful eto na yon for me

aylaykcarbonara answered 2 years ago

Ang hirap pumili ng most impactful ha ahahaha, pero certainly memorable ang sari-sari for me because of the whole college journey ni seul and friends. Tbh nung unang basa ko non hindi ko nga inaanticipate kung anong magaganap sa seulrene eh, mas naeexcite ako sa mga kagaguhan ng tropa ni Seulgi xD. Nakaka relate ako dun sa college lifestyle ni Seul na tamang tipid para may pang-date, ung pagiging buraot, palaging pag utang kela Joy, or ung bumagsak sya sa isang subject tas tinake nya un during summer tas nameet nya si Tzuyu and ung pagtutor nya kay Seul na hindi naman daserb kasi nangiwan ampota. Tawang tawa ako during that phase ni Seul kasi lagi pa nilang binabarda non si Jungkook sa pagiging grade conscious pa non AHAHAHAH. Tas ung mga outing pa nila after hellweek. Mas hinighlight ko pa yang mga yan dahil nakakarelate talaga ako sa mga pinagdaanan ni seulgi ng college, lakas maka slice of life eh.

So siguro ung pinaka impactful saken at hangang ngayon un ung hindi ko makalimutan ay ung birthday ni seul tapos mga working professinals na sila non, ang bittersweet kasi after lahat non parang nagkahiwahiwalay na ung iba nyang friend, tanda ko nasa ibang bansa na si Hwasa ,tas magulo lovelife ni Moonbyul, tas nagkakalabuan na si Joy at Yeri (eto fave pairing ko dahil nga suplada tong si Ligaya kaya kilig na kilig ako sa story nila kahit shortlived), tas ok sila nila ni tzuyu, tapos ikakasal na dapat si Wendy rin non lols. Then finding out bits and pieces of their lives at SNBB ay something na hirap lunukin kasi you were a part of their college journey and seeing how it turned out so different for some of them ayyy sad pero just like ung title na sari-sari, life is not college at dimo talaga mahuhulaan ano mangyayari for some. Kaya shuta ang lungkot lang nung mga pandemic graduates tas not experiencing that whole college experience. Mapapa St. Donnalyn Bartolome, Patron Saint of Laborer and Employment, pray for us Amen sa realworld eh lols.

msraeeee answered 2 years ago

Most impactful for me is yung sa part ni Seulgi, nung mga panahon na feeling niya pabigat siya sa pamilya niya kasi hindi pa niya kayang tumulong sa kanila totally. Nakakadagdag pa yung mga sinasabi ng nanay niya, gusto niya naman tumulong pero at some point parang ayaw din naman siyang tumulong. Napakalaking burden non kasi siya yung parang pinagkakagastusan talaga, dala-dala mo yung guilt na pinagkakagastusan ka tapos wala ka maibalik in return and as a student with the same situation, napakabigat niyang basahin, kuhang-kuha kasi nung scenario yung stress at frustrations. Hindi siguro aware yung iba pero may pressure talaga once na tumuntong ka na sa adulting life tapos full-time student ka pa, yung gusto mo ng tumulong sa sitwasyon niyo pero limited at small solutions pa lang kaya mo i-offer, ang hirap pagsabayin ng mga responsibilities sa loob and labas ng school. Minsan hindi verbal yung pressure pero dama siya pag lahat nakatingin na sa magiging galaw mo, madali kang mapansin at nakafocus sila sayo kasi ikaw yung pinagkakagastusan. Kaya naiintindihan ko rin siya nung lumayas na siya sa kanila, nakakapagod din naman talaga na laging ganon yung naririnig mo sa bahay. Hindi naman sa ungrateful ka sa mga itinulong sayo pero yung constant reminder na tinutulungan ka, kasi ganito, kasi ganiyan, yun yung nakakapagod. Hindi mo naman siya hinihingi, nagkukusa rin naman sila pero parang kasalanan mo na tinutulungan ka pa rin, kaya pag may sinabi ka from your pov, nagmumukha ka nga naman selfish kahit pa gusto mo lang naman na intindihin ka kahit papaano. Hugs sa mga student na dama ang pressure ng life, kaya natin 'to konti na lang makakabawi na tayo!🫶

yasoomik answered 2 years ago

Yung SKYPE Chenelyn nina Byul at Solar po talaga. Hahaha charot!

Dalawa po 'yung scene na impactful for me.

Una, 'yung na-realize ni Irene na mahal na niya si Seulgi. The closure scene. I admit I hated Irene's character kasi paasa naman ang ate n'yo masyado. Hahaha. But then when she said, "Anong gagawin ko, Seul? Hindi ko kayang makita ka sa piling ng iba." Something like that. Tapos the line that hit me na wala nang pag-asa talaga, "And now, I love you back." Like, Irene, bakit ngayon lang, beh? Kung kelan kaya na ni Seulgi na kalimutan ka. Hindi ko muna binasa 'yung sumunod na chapter after that kasi for sure lalayag na ang TzuGi pero deserved namang sumaya ni Seulgi.

Pangalawa, siyempre, ang makasaysayang pananampal ni Tzuyu kay Seulgi sa UP Lantern Parade. Aba, Seulgi, very wrong ka na bitiwan na lang ang Engineering Goddess just because may pag-asa na kayo ni Mama Mary. Tama si Joy na may gagawin kang katangahan eh. Hahaha. Deserved mong sumaya pero deserved mo ring masampal. Gigil mo ako nun eh. Si Tzuyu na closeted na nag-out sa Engineering night ba 'yun at ipinagmalaki ka sa buong campus tapos sasaktan mo lang. I felt betrayed kahit hindi naman ako 'yung sinaktan ni Seul. Patunay lang na hindi batayan ang effort sa kung pipiliin ka o hindi. Kapag hindi ikaw ang mahal, hindi ikaw. Ang red flag ni Seulgi nun pero kulay pula po ang paborito kong kulay. Amen.

yasoomik replied 2 years ago

Idagdag ko lang ‘yung inamin ni Irene na after nung unang intimate moment nila ni Seul, she didn’t wanna do it with anybody else kahit sila pa ng boypren niyang si Trolls nun.

Naalala ko lang ‘yung quote na “Your naked body should only belong to those who fall in love with your naked soul.” Irene knew deep inside that it was Seulgi ..and will always be Seulgi.

aerystargaryen answered 2 years ago

Pinaka impactful sakin ay yung mga up dharma down moments nina tzuyu at seulgi. Hindi na highschool memories or yung parody ni Bitoy ang naaalala ko everytime naririnig ko ang OO kundi si Sari Sari Tzuyu na.

yeppi_yeppienthusiast answered 2 years ago

NAG MECHANICAL ENGINEERING AKO PARA KAY SEULGI 🫠 Rather than specific scene dahil sabi sa foreword random events sa buhay ni seulgi, nung binabasa ko siya dati naguguluhan ako everytime dahil andaming nangyayari. Maybe because sanay ako sa straightforward na stories na alam mo na sure na magiging sila sa dulo, pero it was different here. While reading i wasn't even sure kung magiging ba talaga at the end. I ROOTED FOR SEULGI AND TZUYU 😭pero we know naman na seulgi never deserved tzuyu. Yung struggles ni Seulgi pumasa sa thermodynamics?? relate 😔 - pero nakakatawa po talaga yung sa dulo na panay post si irene ng bible quotesquotesquotes

mahal na mahal ko alaga ang sari-sari sa lahat ng anak ni author tootsie. IIIIIIII

Attachments
guessovalgas answered 2 years ago

when it comes to sari-sari, ang daming eksena which left me reeling for days. one impactful scene for me in a sense na sumama talaga loob ko and sobra yung hagulgol ko nung una ko binasa ay yung dinner scene with irene's parents kung saan inadvertently na-out yung relationship ng seulrene. isa rin to sa reasons kaya super hate ko dad ni irene. he never had any moral ground to stand on pero ang hypocrite nya lang to insult people happily living their lives when in reality sya itong nakakasakit ng ibang tao because of his cheating. hindi ko maimagine yung naramdaman ni irene nung moment na yun, indirectly being called not normal by a person na sobrang importante sa kanya at that time. syempre sumama rin loob ko for seulgi kasi she was caught off guard and sinigawan pa nung dad ni irene. they were both subjected to homophobic remarks without that guy knowing it at first. then nung nagkaalaman na and you can just feel the disapproval nung dad ni irene, ang sakit sa puso. the chapter ending with irene texting seulgi na magbreak sila, i had to take a breather talaga kasi iirc, binibinge read ko sya nun and di ko talaga kinaya yung sakit. it's something you never wish to happen to anyone, being chastised for loving who they love. :(

honorable mention siguro yung pag-alaga ni irene kay seulgi after that storm and their fight. it's one of those moments where nahighlight yung extent ng love ni irene for seulgi. what she's not willing to do for her exes, she always does with seulgi. like she'll do everything she doesn't do before kasi nga si seulgi yun. sa kabila ng insecurities and doubts nya pagdating sa relationships. super jaded nya that time pero she loves seulgi to the best of her abilities.

worldrecord answered 2 years ago

You know how they say a movie or a book was impactful if you could still remember any scene on it or if you could still remember how you felt the day you watched or read that part.

For Sari Sari, I know almost everybody already said the lantern parade scene. Truly, that was iconic.

But for me, there was also this one: The part na gabi na yata tapos bumabagyo nang malakas tapos walang masakyan si Seulgi and then sinundo siya ni Irene tapos magkaaway pa sila.

Forgive me, it's been so long since I've reread Sari Sari and planning again soon, pag nakaluwag luwag na, hahaha. So my details are really hazy right now. But I could still picture that scene and remembered how I felt - I was so floored and hurt, like devastatingly. Imagine the setting na bumabagyo bagyo pa and parang basang sisiw pa si Seul nun, para siyang kawawa pa that made the scene even more heart-wrenching. Dun ko rin na-discover na wow, I love delicious angst pala! And in Tagalog pa, it got more intense for me in a way.

Another one, this one is more fun naman: If I remember correctly, it was Seulgi yung rumarampa, and then she was spelling words in her head so she could focus? It was funny and unique that I could not forget it.

Marami pa but then I'll have to reread soon again! Just dropping to say that Sari Sari is the OG of all, the one who gave birth to all these baby Tagalog fics, I could say so myself, because I also got inspired by your writing.

Thank you for always being so generous with your art, Lord Tootsiepop! We'll always be here to support :)